BE MINE 25 (finale)

387 11 2
                                    


[A/N: Ang storyang ito ay hindi perpekto maari kayong makakita ng mga maling grammar o typo errors na usong uso saming mga manunulat, humihingi ako ng paunawa at suporta mula sa inyong mga magbabasa...

Eto na po yung last chapter, binalak kong paabutin sana ng 5k words man lang kaso hindi ko kaya baka mas pumanget kung pahabain ko pa hehe, enjoy reading guys magustuhan nyo sana tong ending :)

Be lated birthday nga pala to LEE SUNGJONG (mermar) hindi ko sya nabati kahapon kaya bawi bawi lang ngayon, yun lang. Vote and comments aliens! pang istorbo lang yan saglit bago kayo mag basa, salamat!]

• Mermar and aiden on multimedia 👆




Mermar's POV:


Isang linggo na simula nung na laman ni aiden ang totoo, at simula noon ay hindi man lang sya nagpakita sakin o kahit kanino sa mga kakilala nya. Eto na yung kinatatakot ko ang layuan ako ni aiden, ang malungkot baka hindi na tuluyang magka ayos ang mag kapatid dahil sa nangyari.


Inamin sakin ni kuya ashley na matagal na nga raw akong hinahanap ni aiden, pero dahil sa gusto nyang matuto ang kapatid nya noon ay hindi ako nito pinatunton ng ganun kadali kasabwat pa ang aking ama, kaya tumagal ang ganoong pangyayari.

Hindi ko naman sila masisisi dahil may kanya kanya silang dahilan, dahilan na para rin naman samin ngunit dahilan rin pala iyon para mas lumala yung sitwasyo tapos dumagdag pa ako, bakit kasi takot na takot ako noon sana kung umamin ako ng mas maaga baka sakaling masaya kami ni aiden ngayon.

Sa sitwasyong to si aiden pa ang pinaka nakakaawa samin dahil sa naging mukha syang tanga kakahanap kay MM, ang mapag panggap at matagal nang nawala dahil sa pag aakalang wala na talagang pakialam sa kanya si aiden.

Kaya nagpa kilala ako sa tunay na ako, bilang mermar naging, nawili ako sa sitwasyong iyon dahil naging masaya kami ni aiden, lalo na ako noong maging mag kaibigan. Hindi ko akalain na magagawa pala akong mahalin ni aiden, sobrang saya sa pakiramdam nun pero hindi parin naman maiiwasang hindi malungkot dahil sa nangyayari ngayon.  Paano kung hindi nya ako mapatawad? paano kung hindi na sya magpa kita pa sakin, samin?

"Tutal wala kapa rin pasok sa trabaho at na ayos na yung issue between sa inyo ni kristine ay may na iisip akong paraan para mapadali ang pag han kay aiden"

Natigilan ako sa pag iisip at tumingin ng deretso sa kumakain kong pinsan ngayon. 

"Paano?"

"Sikat ka naman kahit papano diba?"

Tumango ako sa sinabi nya.

"We use that thing! paano sa tulong ng social media, ang angels mo at sa ibang taong gustong makisali sa gagawin natin"

"Sure ka bang hindi mas makakalala yan sa sitwasyon namin ngayon?"

"Oh my god pinsan, mag bibigay ba ako sayo ng bagay bagay na makakasama sayo?"

Tama naman sya, lahat ng ibinibigay nya saking payo o idea okay naman sakin, minsan lang talaga na kahit anong ayos at ganda ng mga plano nya para sakin ay hindi maganda ang ending, but thankful ako sa kanya dahil hindi nya talaga ako iniiwan.

Kinuha nya yung cellphone nya at may kinakalikot, habang nag hihintay ay kumain na muna ako. Sana naman hindi tumulad si aiden sa ginawa namin noon sa kanya, napaka hirap kasi nung hanap ka ng hanap sa taong ayaw magpa hanap.

BE MINEWhere stories live. Discover now