BE MINE 19

248 10 9
                                    

[A/N: Ang storyang ito ay hindi perpekto maari kayong makakita ng mga maling grammar o typo errors na usong uso saming mga manunulat, humihingi ako ng paunawa at suporta mula sa inyong mga magbabasa...

May pa special guests po si otor, para sa mga magiging curious po sa mga bisita ng chapter nato, pabasa na lang yung ART OF LOVE dahil doon nyo makikilala yung mga character na babanggitin ko dito :)

Vote and comments aliens! pang istorbo lang yan saglit bago kayo mag basa, salamat!]

• aiden on multimedia 👆



Mermar's POV:


Mabilis na natapos ang dalawang taon na masasabi kong nagpa successful sa life ko, dahil bukod sa isa akong cover model ng magazine ay naging isang host rin ako sa isang sikat na talk show sa america.

Naging ramp model narin ako at samu't saring events at show narin ang natanggap kong trabaho. Especially ay naging sikat ako, hindi man sobra ay marami nang nakaka kilala sa pangalan ni mermar.

Sa loob nang dalawang taon iginugol ko ang sarile ko sa pag ta-trabaho para mapa bilis ang pag babayad utang ni papa, kaya ngayon naka luwag luwag na kami, konti na lang siguro mababalik na samin ang lemon industrial.

Sa loob rin ng dalawang taon ay hindi ako iniwan ni kuya jaydee, pati rin naman nila papa. Si papa kasi kahit anong sabihin ko hindi nya parin mapatawad si aiden.

Si kuya jaydee naman pinilit ko talagang wag na magalit kay aiden, at napapayag ko na naman. Palagi pa nga nya ako pinag tatakpan kay papa kapag nadudulas ako banhgitin pangalan ni aiden, kaya madalas rin na pati sya napapagalitan hahaha.

So dahil last one week, opo isang linggo na lang kami dito sa america kaya lulubos lubos ko na ang pag walwal sa lugar nato. Humiwalay na muna talaga ako ng gala kay kuya at kala papa may gusto kasi ako puntahan dito si kuya pute.

About sa pagiging host ko naman dito nakapag paalam na ako sa mga fans, sa mga katrabaho ko at sa nga taong tumatangkilik na panoorin ako. Isa pa , isa parin naman akong ramp model at endorser ng samu't saring fashion dress and magazine.

Nag taxi lang ako dahil wala pa naman akong sarileng kotse, ayaw pa ni papa na bumili ako, ewan dun napaka ingat masyado. Mas okay daw na si kuya jaydee ang nag mamaneho sa para sakin, para daw laging nasa tabi ko si kuya at laging safe, jusko naman di naman natin masasabi kung kaylan mag kakaroon ng aksidente diba.

"Thank you sir"

Saad ng drive ng hindi ko na kunin ang sukli, minsan lang ako di mag kuripot kaya matuwa talaga sya hihi, maganda rin kasi pakikitungo nya, hindi sya nainis sakin kahit na kanina paikot ikot kami. Hindi ko kasi natandaan nung una kaya nag search muna ako, diko kasi makita acc ni kuya pute kaya eto sarileng sikap.

Hindi ko sure kung narito ngayon si kuya pute pero, try ko narin mag tanong dahil nga handang handa nayung regalo ko, na miss ko rin naman sya.

Binati ako ng gaurd at ganun rin naman ako sa kanya, ang taray ang simple sa labas nitong building pero nung pag pasok ko wow, kahit san ka tumingin hahanga ka sa mga naka display ditong art works.

"Excuse me, i'm looking for mr ell legazpi?"

Patanong ko sa isang babaaeng empliyado dito, hindi muna sya nakaimik dahil mukhang pinag mamasdan nya muna maige ang mukha ko, napa hawak tuloy ako sa mukha ko baka kasi may dumi, nakakahiya naman.

"I'm sorry sir, by the way mr legazpi is not here, mr mermar, what do you need with him?"

Natatawa sya ngayon dahil sa naging reaksyon ko, sana kasi sinabi nya agad na iniidolo nya ako hahah chos!

BE MINEWhere stories live. Discover now