Chapter 1

4K 75 0
                                    

3 years ago...

Madalas ako kasama ni kuya Aizen dahil siguro ako ang fake girlfriend niya para wala ng ex girfriends ang lumalapit sa kanya para lang makipabalikan hanggang grumaduate si kuya Aizen ay wala na yung mga babaeng baliw na baliw sa kapatid kong ito pero hindi ko naman inaasahan na papakilala niya ako sa daddy niya at halata naman hindi niya ako gusto para sa anak niya. May isang tao pa ang umagaw ang atensyon ko dahil may isang babae nakatingin kay kuya Aizen at dahil babae rin naman ako kay alam kong nasasaktan siya. Is she one of my kuya Aizen's ex girlfriend? Maganda siya at bagay silang dalawa pero anong dahilan kung bakit sila nagkahiwalay? Isa rin ba siya sa mga 1 day relationship ni kuya Aizen? Parang hindi dahil ngayon ko lang siya nakita at mukhang kilala rin siya ng daddy ni kuya Aizen, eh.

Pagkatapos ng graduation ceremony ay nagpaalam na ako dahil nagtext sa akin ang mga kaibigan ko kaya pupunta na akong bar. Mga Pilipina ang mga kaibigan ko rito sa US o may dugong Amerikano ang iba.

Pagkarating ko sa isang bar ay as usual amoy alak ang maamoy mo rito kaya dapat masanay ka na.

Hinahanap ko ang mga kaibigan ko. Nasaan na kaya sila?

"Nika, here!" May nakita akong kumakaway kaya lumapit na ako sa kanila.

"Mabuti naman nakarating ka." Sabi ni Jessica.

"Oo naman. Hindi ko naman papalampasin ang mga gimmick natin, girls." Sabi ko sabay kuha ng isang baso ng alak.

Nagkatuwaan kami ngayong gabi at yung iba ay naghahanap na daw ng lalaki para sa kanila. Mga baliw talaga kaya ako ay pumunta na sa dance floor para sumayaw, medyo tipsy na ako dahil siguro sa ininom ko. Habang sumasayaw ako ay may humahaplos sa likuran ko kaya tiningnan ko kung sino. Anak ng... Sa daming gwapo rito sa bar, bakit ito pang mukhang tatay ko pa? Kaya lumayo ako sa kanya dahil natatakot ako.

"Come on, miss... Let's have fun." Sasagot pa sana ako ay bigla niya ako hinawakan sa braso.

"Let me!" Sigaw ko habang pinipilit na tanggalin ang hawak niya sa akin.

"Come on!" Sabi niya pero hindi ko na lang siya pinansin dahil tinatanggap ko pa rin ang hawak nitong manyak. "What the fuck!?

Nagulat na lang ako noong bumitaw na siya sa akin at nakita kong nasa lapag na yung lalaki. Ano nangyari?

"I'm sure you heard what she said, right?"

"What's your problem? Like a real hero, huh?" Susuntukin na sana niya yung lalaking tumutulong sa akin pero naiwasan naman niya iyon. Wala niisang suntok ang tumama sa lalaking iyon.

"You're my problem!" Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. High kick iyon. Kaya kocked out itong manyak.

Nakita kong lumapit sa akin yung lalaking tumulong. Wala akong ginawa sa kanya.

"And you..." Hinawakan niya ako sa kamay sabay lakad palabas ng bar. "You look young that's why you should be here, miss."

"Eh? But I'm already 18." Huminto siya sa paglalakad sabay harap sa akin para bang inoobserban ako.

"You're 18? But you have a flat chested." Pinatakpan ko ang dibdib ko. Manyak rin pala ito. Pero ngumisi ang loko. "Don't worry I'm not interested with a woman who are flat chested."

"Sorry for being a flat chested, mister!" I said with a sarcastic pero pinagtawanan lang ako ng gago.

"Tell me where you live."

"Why should I? I don't even know you and maybe you want to rape me."

"Excuse me?" Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Kung ayaw mo, wag mo!"

Did he... Did he speak Tagalog?

"Pinoy ka?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ba obvious? Mukha ba akong taong hilaw?" Pagtataray nitong kausap ko. Tinalo pa ako pag merong monthly period.

"Nagtatanong lang, kuya. Sungit mo naman."

"Kung ayaw mo sabihin sa akin kung saan ka nakatira ay bahala ka. Tsk. Inuubos mo ang oras ko."

"Wala naman akong sinabing tulungan mo ko kanina, eh. Ikaw nga itong kusang tumulong sa akin."

"Pasalamat ka nga tinulungan pa kita!" Sigaw na sabi nito. Anong problema ng lalaking ito? Siya pa iyong galit. Mukhang may galit sa akin eh, ngayon lang kami nagkita. "Isa pang salita mo ay iiwanan na kit rito."

"Eh di iwanan---" Namilog ang mga mata mo noong hinalikan niya ako sa labi. Gosh! First kiss ko ang isang entranghero. Sa isang lalaking hindi ko naman kilala. Sa isang lalaking ngayon ko lang nakita.

"That's the only way to put you quiet, miss." Hinawakan niya ang braso ko at naglalakad na ulit. Wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanya. "Kung ayaw mong sabihin sa akin kung saan ka nakatira ay dadalhin na lang kita sa lugar ko."

Napatingala ako noong makita ko isa pa lang 5 star hotel itong pinuntahan namin. Ang yaman pala ni kuya, no! Afford niya ang ganitong hotel.

"Ang yaman mo pala, kuya."

"Hindi akin itong hotel. May naging kliyente ako dito at hindi ko inaasahan na ganito ang titirahan ko."

"Wow. Siguro kung ano man ang trabaho mo, pagkatapos noon ay mayaman ka na."

"Sana nga."

Nang bumukas na elevator kaya pumunta na kami doon at pinundot naman ni kuya ang 14 floor.

"Ano pala ang pangalan mo?"

"Chuck."

"Kuya Chuck---"

"Don't call me kuya..." Singhal nito sa akin.

"Bakit naman? Halos magkasing edad lang naman kayo ng kapatid ko."

"May kapatid ka?" Tumango ako sa kanya.

"Kakatapos lang niya sa pagaaral kaya lang tutuloy sa pagdodoctor ang kuya ko."

"I see. Isa pa lang doctor ang kapatid mo. Eh, ikaw?"

"Ano ako?"

"Bakit ka nasa bar na iyon? Kung alam mo lang na maraming manyak sa lugar na iyon."

"Ikaw ah. Concern ka pala sa akin." Pagtutukso ko kaya kumunot na naman ang noo ni kuya Chuck.

"Stop it."

"Kaya lang naman ako nandoon dahil nagyayaan ang mga kaibigan ko tapos naghanap na sila ng mga lalaki kaya ako na lang naiwan sa table namin."

"Anyway, ano pala pangalan mo?"

"Nika." Sagot ko sa kanya.

"Nika? Short for Veronika? O Danica?"

"Danica ang real name ko kaya nickname ko ay Nika. Doon rin ako madalas tinatawag ng mga nakakilala sa akin."

"And again, I'm Chuck. I'm an engineer. 4 years lang kinuha ko kaya nagtatrabaho na ako ngayon."

Wala naman akong sinasabi ah. Alam ko namang 4 to 5 years ang engineer.

Narinig ko ng bumukas ang elevatory, ibig sabihin nandito na kami kaya nauna na siyang lumabas.

"Wait lang." Lumabas na rin ako sa sumunod sa kanya. "Isa ka pa lang engineer. Kung may balak pala ako magpatayo ay ikaw ang tatawagin ko."

"Mahal ako maningil, Nika."

"Walang discount?"

"Wala. Business is a business. Kaya puro mayayaman ang kumukuha sa akin at yung may kaya sa service ko." Nakita kong iniswap na niya ang isang card. Sa tingin ko ito na ang hotel room niya.

~~~~

Hey, guys! First chapter posted

-Skye

Comment and press ☆ to vote.

Fall In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon