Jeon Yoonah's
Kumakain ako ng popcorn habang nanonood ng m-countdown. Sunny is with her grandparents, isinama siya sa Japan kaya mag-isa lang ako sa bahay namin ni Jungkook kapag nasa trabaho sya.
"love" napalingon ako dahil sa pag-tawag ni Jungkook sakin.
"yes love?" ngumiti lang siya at niyakap ako. Hindi pa din nawawala ang kilig sa mga ganitong gestures na ginagawa sakin ni Jungkook.
"I love you" ngumiti ako sa kanya at kiniss ang pisngi niya.
"I love you more, what's up love?" umiling lang siya at niyakap ako ng mahigpit.
"nakausap mo ba si Sunny? tumawag sakin si mama" tanong ko sa kanya habang ngumunguya ng popcorn.
"yep, tuwang tuwa siya sa Japan. Na-miss niya daw" ngumiti ako at tumango-tango.
"papunta din kayo sa m-countdown next week diba?" naramdaman ko siyang tumango kaya tumango din ako.
"want me to watch you?" ngumiti siya at hinalikan ang noo ko.
"napaka-supportive naman ng asawa ko"
asawa ko
3 months palang kaming kasal pero hindi pa din ako sanay na naririnig 'yon mula sa kanya. I mean don't get me wrong, everything is so new to me.
"shempre naman" I winked at him at pinanood ang ibang kpop group.
"ingat kayo ni baby ha?" ngumiti ako ng malaki at tumango. 4 months na akong buntis kaya mukha lang akong busog.
"magkakaron ako ng pregnancy shoot" kumunot ang noo niya
"ano 'yun?" sinubuan ko siya ng popcorn at pinatay ko na ang television.
"Pipicturan ako love na kita 'tong tyan ko" kumunot ang noo niya at tinaasan niya ako ng kilay.
"no love, hindi pwede. Ano ipapakita mo sa mundo mo 'yang tyan mo? no hell way" sinimangutan ko siya at tumango nalang. 'Yon na sana ang huli kong photoshoot bago ako tumigil.
I even stopped my idol career for him. Sabi niya sa bahay nalang daw ako at alagaan ang mga anak ko. Shempre hindi pa din ako mapakali sa bahay lang dahil for almost 7 years na akong nagttrabaho. Hinahanap na din ng katawan ko 'yun.
Bumuntong hininga nalang ako at niligpit na ang pinagkainan namin ng popcorn at dumiretso na sa cr para mag toothbrush dahil matutulog na ako.
Namimiss ko na ang dorm nila, ang pagsasayaw pati Deities at Bangtan. Once a week ko nalang silang makita dahil hindi din ako masyadong lumalabas ng bahay. Ang hirap din kasing lumabas ng bahay dahil nga isang Jeon Jungkook ang asawa ko at dati akong model slash idol.
Oo dati tinanggap ko na 'yung word na dati. Napabuntong hininga nalang ulit ako at dumiretso na sa kama. Naabutan ko si Jungkook na nakaupo sa kama habang naglalaptop.
"goodnight love" tapos humalik ako sa pisngi niya. Nahiga na ako at tumalikod sa kanya, hindi ko alam kung tama ba na magtampo ako o sumama ang loob ko. Iniiisip ko nalang na para sakin 'tong ginagawa niya.
Pagkapikit ko palang ay naramdaman ko na gusto ko ng fries. Iminulat ko ang mga mata ko kaya napansin ako ni Jungkook.
"ano 'yun love?" ngumiti ako sa kanya at umupo ako sa kama. Pinagdikit ko ang mga kamay ko at nagpacute.
"pwede mo ba akong ibili ng fries?" kumunot ang noo niya nakapaskil na sa noo niya na bawal.
"nope love masama 'yun sa katawan mo" malungkot akong tumango sa kanya at humiga na ulit. Naiiyak ako damn hormones!!! Hindi ko nalang siya pinansin at natulog nalang ako. Sigurado naman ako pag-gising ko wala na 'yung cravings ko.
YOU ARE READING
EUPHORIA (Book 2)
FanfictionHey it's JEON Yoonah! It's nice to meet you again. Missed me? -- SEPTEMBER 26, 2018 ALL RIGHTS RESERVED 2018 This is a work of fiction. Any resemblance to actual persons or events are purely coincidental. Note: Sorry for the grammatical errors and...