CHAPTER FOUR

130 8 0
                                    

Celestia x Taehyung

--

Jeon Yoonah's 

Pagkaalis ni Jungkook ay napangiti ako nang malaki, at last makakagala din ako! Tapos maya-maya may nag-door bell na naman. 

"Celestia" bati ko sa kanya tapos bigla niya akong niyakap. 

"what's wrong?" she sniffed and shower her hermes bag. Alam nyo itong si Celestia lowkey mayaman lang talaga to kaya nagtataka ako kung bakit dala niya yung pinakamahal niya na bag. 

"anong gagawin ko dyan?" sumimangot siya "nag-layas nga ako diba? wala na daw akong mamanahin kaya dinala ko lahat ng pinakamahal kong gamit para ibenta if ever na hindi ako makahanap ng trabaho" natawa ako sa kanya

"sigurado ka na ba dyan?" naiiling kong sabi sa kanya at dumiretso na ako sa kusina para bigyan sya ng tubig. "I'm not really sure, wala din naman kasi akong alam na trabaho"

"bakit ka ba kasi lumayas sa inyo?" inabot ko na sa kanya yung baso ng tubig at uminom muna sya bago siya mag-salita. "alam mo na, the cliche arranged marriage tss" napailing nalang ako. 

Akala ko naman binigyan na siya ng freedom ng parents niya pero mukhang hindi pa din pala. 

"kanino naman daw?" uminom din ako ng tubig dahil nauhaw ako sa pinag-uusapan namin. 

"kay Taehyung" naibuga ko ang iniinom ko sa kanya kaya naman inis na inis niya akong tiningnan. "My gahd Yoonah it's gross!" dali-dali siyang kumuha ng tissue para punasan ang mukha niya. "K-kim Taehyung?!" inis na tumango si Celestia

"wait lang, diba sya naman talaga ang gusto mo?" nasamid si Celestia at sinamaan niya ako nang tingin. "I do like him, pero kasal?" she shook her head at itinungo niya ang ulo niya.

"are you sure?" dahang-dahang tumango si Celestia. "Kung papakasalan ko man siya ay alam kong hindi ako ang gusto niya, it's you and it will never be me" I sighed and I hold her hand.

"Guurll, kasal na ako okay? tsaka hindi na ako mahal ni Taehyung alam kong naka move on na siya sakin" umiling siya at nakita kong tumulo ang luha nya. "No, he's not over you yet" 

I hugged her "bakit hindi mo subukan? malay mo naman this time--" umiling siya 

"Girl, arranged na nga 'to ayaw ko namang maging substitute pa ako. Pilitan na nga pamalit pa grabe naman yung torture" napangiwi ako

"i'm sorry" pero ngumiti siya "kaya nga ako umalis diba? sabi ni Dad kapag itinapak ko daw ang paa ko sa labas hindi na daw niya ako anak, and you must be proud of me" naiiling niyang sabi sabay kuha ng ubas at isinubo niya. 

"alam ba 'to ni Eros?" umiling siya habang ngumunguya "ayaw ko namang mamroblema pa si Kuya diba? stressed na nga siya sa tatlo niyang makukulit na anak dadagdag pa ba ako?" 

"pero kailangan niya pa din 'tong malaman" umiling si Celestia "please keep it as a secret, baka awayin na naman niya sina mommy at daddy kapag nalaman niya 'to" tumango ako dahil I don't wanna meddle on their family issue. 

"Tanungin ko ang asawa ko baka pwede ka niyang bigyan ng work?" ngumiti si Celestia at tumango siya nang sunod-sunod.

KINABUKASAN

"Baby, hindi ko alam kung anong pwedeng pasukang trabaho ni Celestia" medyo stressed na din niyang sagot sakin, kausap ko siya sa phone btw. 

"Please Kookie?" narinig kong bumuntong hininga siya "alright tanungin ko si manager" pinuntahan ko si Celestia na nakaupo sa sofa habang nanonood ng doraemon. 

EUPHORIA (Book 2)Where stories live. Discover now