CHAPTER TWELVE

75 5 0
                                    

SI WOO RAIN

--

JEON YOONAH'S

Nakatulog na ako kakahintay sa mag-ama ko dahil ayaw din naman akong pakilusin nitong mga kasama ko sa bahay. Edi mas mabuti pang matulog nalang ako. 

Babangon na sana ako sa pagkahiga ko nang maramdaman kong kumirot ang tyan ko. 

"MIN YOONGI!! KIM TAEHYUNG!" sigaw ko dahil sobrang sakit ng tyan ko dahil next month pa ang kabuwanan ko ay kinakabahan ako sa nararamdaman ko. 

"Yoonah?!" nakita ko naman na pawisang tumakbo ang dalawa na may dala pang mga lobo. "a-ang sakit ng tyan ko. Dalhin niyo ako sa hospital" 

Binuhat nila ako sa para madala sa hospital pero kalmado lang ako. Ayaw kong mag-panic kahit alam kong pumutok na ang panubigan ko. Anak, hindi pa ngayon 'wag ka munang ma-excite ha? alam ko namang uuwi ang dad mo pero wag ka namang sumabay sa pag-labas ha? 

"we're here Nana, relax" tumango ako at nag inhale exhale. Naiwan ang iba dahil sabi ko ituloy nila ang surprise. 

After akong icheck ng doctor ko ay napansin kong napailing siya. "kailangan mo nang ilabas ang baby" My eyes widened

"Doc, pero hindi pa ngayon ang due---" tumango si Doc 

"we know  Yoonah, pero pumutok na ang panubigan mo at manganganak ka na talaga ngayon" nanginginig ang kamay kong hinawakan si Suga oppa. 

"Alam mong sensitive ang pagbubuntis mo Mrs. Jeon at ilang beses na nyang gustong lumabas pero ngayon ay hindi na natin magagawan nang paraan ang pag-labas niya" 

"No, hindi pa matured ang baby ko" naiiling kong sabi pero umiling din ang doctor. "i'm sorry Yoonah" naiiyak akong tumango sa doctor kaya naman tinulungan ako nina Taetae maglakad-lakad para bumaba ang baby ko. Damn it! 

JEON JUNGKOOK'S 

Alam kong na-miss niyo ako pero mamaya na ako magpapaliwanag. Kakababa lang namin ni Sunny ng eroplano at kukuhanin na namin ang mga bagahe namin.

"Dad, I have a bad feeling" sabi ng napaka cute kong anak. Ipinantay ako ang mukha ko sa kanya

"what is it?" sumimangot siya tapos niyakap niya ako "I don't know, please give mom a call" tumango ako pero sabi ko sa kanya ay kuhanin muna namin ang mga luggage namin. 

After kong makuha ang mga luggage namin ay agad kong kinontact si Yoonah pero cannot be reached ang phone niya kaya si Suga hyung ang tinawagan ko and unfortunately cannot be reached din. 

"Baby, wala akong macontact ngayon. Umuwi muna tayo sa dorm okay?" tumango si Sunny at nakita na namin ang sundo namin. 

Pagbukas ng pinto ay may sumabog na confetti kaya naman napaatras kami ni Sunny. 

"WELCOME HOME!!" sigaw ng mga hinayupak, pero hinanap ng paningin ko ang asawa ko. 

"where's mom?" tanong ni Sunny kay Namjoon hyung. "Nasa hospital siya ngayon, pero sabi ni Yoonah ay ituloy ang surprise sa inyo" 

"saang hospital?" nagpapanic kong tanong sakanila. 

"Please take care of Sunny first, puntahan ko lang sila" tumakbo na ako palabas at sumakay agad ng kotse. Kaya pala hindi maganda ang pakiramdam ng anak ko. 

"Hyung!" nakita ko si Suga hyung at V hyung sa labas ng emergency room. Paglapit ko sa kanila ay sinuntok na agad ako ni Suga hyung sa mukha at si V naman ay pinalo ang balikat ko. 

"ouch! ganito ba ang pag wewelcome niyo sakin?" sinamaan nila ako nang tingin kaya naman tiningnan ko din sila. 

"Manganganak na si Yoonah" muntik na atang lumuwa ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Suga hyung. "Hyung, diba hindi pa niya kabuwanan?" tumango sila 

EUPHORIA (Book 2)Where stories live. Discover now