CHAPTER FIFTEEN

96 5 3
                                    

JEON YOONAH'S

1 week na hindi umuuwi si Jungkook dito sa condo at hindi ko alam kung matutuwa ako kay Celestia na nag-layas sa kanilang bahay. Pero thankful pa din ako at least may katulong ako sa pag-aalaga ng mga anak ko.

"DY, nakapag decide ka na ba dun sa nag-aalok sayo ng contract for modelling?" umiling ako dahil hindi ako makapagdecide. Ayaw na ni Jungkook na tumanggap pa ako ng ibang work dahil mag focus nalang daw ako sa mga anak ko.

Pero nabuburyo na din naman ako dito sa bahay, hays. "pwede mo naman tanggapin kung gusto mo, pangarap mo 'yun diba?" tumango ako, ilang pangarap na din naman ang naisuko ko para sa pamilya ko, pero alam kong mas malaki ang sakripisyo ni Jungkook saming mag-iina kaya wala sa akin 'yon.

"Go ka nalang, ako ang personal assistant mo. Bigyan mo ko ng monthly salary" tapos kinindatan niya ako kaya binato ko sya ng takip ng feeding bottle ni Rain.

"Whatever DY, wala na akong credit cards even cash" naiiling niyang sabi sakin

"sino bang may sabi na lumayas ka sa bahay niyo?" irap kong tanong sa kanya kaya naman ngumuso siya. "nasasakal na kasi ako, ayaw ko din namang ikasal sa lalaking never ko naman nakilala" naiintindihan ko naman siya. Mayaman nga sila pero hindi naman siya masaya, anong point?

"mag coconsult muna ako kay Jungkook about dito" tapos itinuro ko yung files na ipinadala sakin. "and don't worry may monthly allowance ka naman sakin para sa pag-aalaga ng mga anak ko" nginitian niya ako ng malaki at niyakap "shempre biro lang 'yun, maghahanap ako ng work mamaya" umiling ako at hinawakan ko ang kamay niya

"okay lang, dito ka nalang sa bahay para kung tatanggapin ko man itong offer sakin at least alam kong ikaw ang nagbabantay sa mga anak ko"

Nagluluto na ako ng dinner ngayon at nakita ko naman ang anak ko na papunta sakin.

"Yes Sunny?" niyakap niya ang paa ko at nakita kong iiyak na siya "I missed papa" napaluha naman ako nang makita kong umiiyak ang anak ko dahil sa pagkamiss sa papa niya.

"Punta tayo bukas 'dun okay?" ngumiti siya at tumango. "Ma, don't be mad kay papa if may tinago siya sayo ha? he did that for us" 'yun lang ang sinabi niya tapos umalis na siya. My 6 years old daughter said that to me? kaya naman na-bother ako, tapos bigla pang nag pop-out yung narinig ko sa hospital.

Umiling ako at ipinilit isang-tabi ang sinabi ng anak ko at ang scenario sa hospital.

--

"We're here Sunny" excited na bumaba si Sunny sa kotse at nagtatakbo papunta sa front door. "calm down Sunny, we'll get there"

hinawakan ko siya sa kamay at masaya siyang naglalakad papasok, may pagkanta pa.

"PAPA!!" sigaw ni Sunny mula sa pinto kaya naman napatigil yung pag-sasayaw nila. Tapos hinarangan si Sunny nong ilang staffs kaya napa-kunot ako ng noo. Nilapitan ko ang anak kong napaupo na sa sahig.

"what's wrong?" kunot-noo kong tanong sa staff pero hindi sya sumagot kaya inulit ko yung tanong ko.

"Bawal pong i-disturb at the moment ang bangtan dahil dry run po ito for their dance practice video" tumaas ang kilay ko pero in the end tumango nalang ako.

"We'll sit there" itinuro ko yung couch sa gilid pero umiling siya "excuse me? hindi mo ba ako nakikilala?" umiling siya at ngumiti this bitch! "sorry po pero no outsiders allowed, lalo na pong bawal ang bata dito" parang tumaas ang dugo ko papunta sa ulo ko kaya napa straight ako ng tayo at nginisian siya.

"Okay then" bumaba ako para i-level ang mukha ko kay Sunny. "Baby, we'll wait for papa to finish ha?" naiiyak siyang tumango. Kaya inismiran ko yung babaeng staff, she's new here dahil hindi niya ako kilala. Oh well last day na niya ngayon.

Natatandaan ko ang name niya dahil sinilip ko talaga ang name plate niya. She's Chun-hae, oh well kung sino ka man.

Naghintay kami ng anak ko for who knows how long, nakatulog na nga siya paghihintay kaya naman iritang-irita ako dun sa bitchesang 'yon na nakangisi samin.

"it's a wrap!"sumigaw ang director kaya naman nagising si Sunny, kinusot niya pa ang mga mata niya. "mama, where's papa?" ngumiti ako at hinalikan ang noo niya

"He's almost done okay?" ngumiti si Sunny at tumango. Tapos pag-tayo ko ay nakita ko ang bitchesa na nag-abot ng tubig at towel sa asawa ko kaya naman napataas ang kilay ko.

Oh really "Jungkook"mahinahon pero madiin kong sabi kaya naman napalingon ang buong bangtan samin ni Sunny. Nabitawan ko naman ang anak ko dahil tumakbo ito papunta kay Jungkook.

Napangisi si Jimin "Serves you right" mahina pero rinig kong pang-asar ni Jimin dun sa bitch.

"YOOOOOOONNAAAAA!!" sigaw nila tapos niyakap nila ako kahit pawisan "ew, ang pawis niyo ha?" natawa naman sila sakin kaya bumitaw sila, tapos nakita ko naman na hinahalik-halikan ni Jungkook ang anak niya at nakita ko ang disgusto sa mukha nong babae.

Girl, hindi ka ba nainformed na kasal na ang pinapantasya mo?

"What's her name?" seryosong tanong ko kay Namjoon tapos bumuntong hininga siya "she's PDnim's niece kaya malakas ang hatak niya dito" tumaas ang dalawang kilay ko

"I want her out" nakangiti kong sabi pero madiin. Umiling si Namjoon kaya kumunot ang noo ko

"Sorry to disappoint you Yoona, kahit kami ay gusto na namin siyang umalis pero malaki ang utang na loob ni PDnim sa family ni Chun-hae kaya naitayo itong ent" bumuntong hininga nalang ako at tumango.

"ganyan ba talaga siya around Jungkook?" tanong ko habang nakikipag plastikan siya sa anak ko, samantalang kanina ay kulang nalang ipatapon niya ang anak ko.

"Oo, kaya nga inis na inis na din kami sa kanya dahil ayaw tantanan ang asawa mo. Pero don't worry hindi naman pumapatol si Jungkook" ngumiti ako "alam ko naman haha" maya-maya ay nakita kong lumapit ang asawa ko sakin habang karga niya ang anak namin.

Then I kissed him on his lips tapos nginisian ko si Chun-hae and she rolled her eyes on me bago lumabas ng practice room.

"OOOHHH" kantyaw nila kaya naman natawa din ako. Tapos ibinaba niya si Sunny tapos nagtatakbo si Sunny sa mga tito niya, then Jungkook hugged me.

"I missed you, Yoyo!" I hugged him "Namiss din kita Kookie, new chic huh?" natatawa kong sabi sakanya. Wala naman sakin kung may magkagusto sakanya eh, pero bakit feeling ko isa siyang threat.

My husband is a public figure kaya alam kong madaming may gusto sa kanya pero iba ang feeling ko dito sa babaeng 'to.

"Don't worry, may asawa at dalawang angel na ako. Kahit maghubad pa siya sa harap ko hindi ako matetempt sakanya" natawa ako kaya niyakap ko siya.

Sana nga Jungkook.

--

041820

SORRY FOR THE LATE UPDATE.

HIT VOTE IF YOU LIKE THIS CHAPTER AND COMMENT DOWN BELOW.

Stay at home, wash your hands and stay hydrated.

-Nenen



EUPHORIA (Book 2)Where stories live. Discover now