CHAPTER FIVE

109 4 1
                                    

ARGUMENTS

--

Jeon Yoonah's 

First day kong sasama sa practice nina Jungkook today and i'm very excited as in haha. Nakabihis na ako ngayon at hinihintay ko nalang na sunduin ako ni Jungkook. 

After 1 hour, wala pa ding bakas ni Jungkook dito kaya naman tinawagan ko na sya. 

"Hey where are you?"

'sorry I can't pick you up' my forehead creased. 

"why?" 

'hindi kasi ako makaalis, i'll send Taehyung to pick you up' tumaas ang isa kong kilay. 

"no, never mind I can manage" bumuntong hininga ako at piniling hindi mainis kay Jungkook. Chill Yoonah. 

Bumaba ako sa reception para mag patawag ng cab. "excuse me miss, I need one cab please?" the receptionist smiled and nodded.

"right away ma'am" tapos umupo na muna ako and I patiently waited. After 10 minutes lumapit sakin yung receptionist. 

"Ma'am, wala daw pong available na cab as of now" napaawang ang bibig ko, why? hindi pa naman ako papayagan ni Jungkook mag take ng cab from the outside. 

"oh, thanks" tumayo na ako at isinakbit ang bag ko at lumabas ako sa building kung nasan ang condo namin. 

"I guess I have to take the bus then" sarkastiko kong bulong sa sarili ko. Naglakad ako papunta sa bus station without any cover. 

'is that Yoonah?' napalingon ako sa grupo ng mga high school students na nakatingin sakin geez. Tinakipan ko ang mukha ko at dumiretso na sa bus station. 

15 minutes pa bago ako nakasakay tapos standing pa gee, walang vacant seat? I'm pregnant damn. 

"Miss?" lumingon ako at nakita kong may isang student na lalaking nag-approach sakin. 

"yeah?" he smiled at tinuro yung vacant seat. "you can take my seat" my eyes widened and I gave him a smile

"thank you so much" chivalry is not dead. 

1 hour, nasa harap na ako ng Big Hit entertainment. Pumasok naman agad ako at dumiretso sa practice room nila. 

"hey" I just barged in, kaya naman napatingin sila sakin. Lumapit naman agad si Jungkook sakin at pinunasan yung pawis ko. 

"geez I thought you're missing. Hindi mo i-tinext yung plate number ng cab na sinakyan mo" I raised my eyebrow. "Hindi ako nag cab, nag bus ako" tapos kumuha ako ng water dahil pakiramdam ko nanunuyo na ang lalamunan ko. 

"ano?! nag-bus ka?" tumango nalang ako sa kanya dahil ayaw ko nang makipag-argue. 

"diba sabi ko bawal kang mag-bus?" napansin naman ata ng BTS na tumataas na ang boses ni Jungkook kaya niyaya ni Rapmon na lumabas muna ang lahat. 

"Jungkook ayaw kong makipag-away sayo okay?" relaxed kong sabi sa kanya at uminom ako ng tubig. 

"Min Yoonah! kanina pa kitang kinocontact hindi ka sumasagot kaya naman sobrang kinabahan ako dahil hindi ko alam kung ano na ang nangyari sayo." itinikom ko ang bibig ko, Jungkook can be the perfect husband and he sometimes he can't. 

"Jeon Jungkook, you took my car keys. Kung nasakin lang sana ang susi ng kotse ko hindi ako mag bubus" kumunot ang noo nya at napapansin kong namumula na ang tenga nya sa inis. 

"It's not safe for you to drive" ibinaba ko ang baso ng tubig na hawak ko. "it's not safe to take a cab too" then I sighed

"Min Yoonah st----" I cut him off 

"I know bawal akong mag bus, bawal akong mag cab na hindi sa building natin galing, I can't drive my car either" Tapos tiningnan ko sya sa mga mata nya 

"Ano ba dapat ang ginawa ko? hindi sana tayo nag-aaway kung sinundo mo nalang ako" naningkit ang mga mata nya. 

"so kasalanan ko na hindi kita nasundo? Yoonah may trabaho ako" Tumayo ako 

"I know, kaya nga hindi kita pinilit diba?" 

"drop your sarcasm geez it's annoying" isinakbit ko ulit ang bag ko. 

"yeah thanks for the compliment i'm out" tapos umalis na ako at habang palabas ako ay nakita ko ang bestfriend kong aligaga na. 

"Hey hey" napansin nya ako at niyakap nya ako "damn, pagod na ako first day ko palang. So what's up pauwi ka na agad?" napailing nalang ako

"it's a long story, can we have a cup of coffee?" Celestia nodded 

--

"are you okay?" after kong mag-kwento yan lang ang sinabi nya sakin. "I am, and will always be" malungkot nya akong tiningnan.

"alam naman natin na madaming bawal sayo dahil alam mo naman yang asawa mo napaka-praning" bumuntong hininga ako dahil tama siya. 

"I know" then I sipped my milk, hindi ako pinaorde ng kape ni C, masama daw para sakin yon. 

"nag-aalala lang sayo yun girl okay? 'wag ka nang malungkot okay?" tumango ulit ako. 

"I need to go home, mukhang kailangan kong matulog" ngumiti si Celestia 

"ipapahatid kita kay Taehyung" napailing ako "no, masyado na syang madaming nagawa sakin and remember napagalitan sya dahil sakin?" napatango si Celestia

"okay then, ako nalang ang maghahatid sayo" ngumiti ako nang malaki 

"may trabaho ka" tumawa si Celestia "hindi nila ako tatanggalin, kasama ko ang isang stockholder ng Big Hit" napailing nalang ako at napatawa.

PAGKAUWI ko sa bahay ay ibinagsak ko na ang katawan ko sa kama at naiyak nalang dahil sa usapan namin ni Jungkook. I am pregnant and damn hormones. Pangalawang na namin ni Jungkook to after ng kasal namin. 

Noong una ayaw kong bitawan lahat ng trabaho ko, workaholic ako right? pinatigil nya ako sa lahat kaya nag-away kami. Sabi naman nya sakin kaya na daw nya akong buhayin pero gusto ko din naman tumulong lalo na at magiging dalawa na ang anak namin. 

Pero in the end sumang ayon nalang ako sa kanya dahil tama din naman sya. Ang sama din naman sa pakiramdam na mag-kaaway kami. Lumabas ako at pumunta sa kitchen para kumain ng cherries tapos binuksan ko na ang tv para manood ng doraemon. Hihintayin ko si Jungkook hanggang makauwi sya. 

Marupok na kung marupok pero hindi kami teenager na mag-jowa asawa ko siya. 

--

OCTOBER 9, 2019

Hit vote if you like this chapter and comment down below. 

_Weeendy

EUPHORIA (Book 2)Where stories live. Discover now