CHAPTER THIRTEEN

96 3 0
                                    

DADDY KOOK'S SIDE

--

JEON JUNGKOOK'S 

After kong maiparegister ang pangalan ni Rain ay tinawagan ako ng PDnim para mag-report sa kanya sa ent. I messaged my wife and told her na pupunta muna ako sa ent para i-meet si PDnim, andun naman sina Suga hyung. 

Pagkadating ko sa office niya ay nakita kong nag-babasa siya ng dyaryo kaya naman tumikhim ako. 

"Jungkook" nag-bow ako bago tuluyang pumasok ng office niya. "PDnim" 

"have a seat" umupo ako sa harap niya at ibinaba niya ang dyaryong binabasa niya. "So kamusta na ang mag-ina mo?"

"Yoyo is fine pero si baby Rain nasa incubator siya ngayon dahil kulang siya ng 1 month" malungkot kong sabi sa kanya kaya naman tinapik ni PDnim ang balikat ko.

"He will be fine" tumango ako at ngumiti "alam kong hindi alam ni Yoonah kung ano ang nangyari sa inyo ni Sunny sa Japan" napa-tayo ako nang tuwid dahil sa topic namin.

"Pwede mo bang ikwento ang lahat ng nangyari?" 

tumango ako 

flashback

1st day ko dito sa Japan ay nag pa-test na agad ako kung compatible ba ang bone marrow ko kay Sunny and fortunately compatible naman kami. Inasikaso ko lahat ng mga papeles with the help of my mother-in-law para mapa-operahan agad si Sunny dahil lalala ang leukemia niya. 

"Jungkook" tawag ni Eomma (mother-in-law) 

"Eomma" ibinaba niya ang hawak niyang kubyertos at hinawakan niya ang kamay ko "maraming salamat sa pag-aalaga sa anak ko at sa apo ko" hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya

"ma, wala 'yun hindi mo ako kailangang pasalamatan. Mahal ko ang mag-ina ko at gagawin ko ang lahat para maging okay ang lahat" nakita ko naman na bahagya siyang naiyak kaya naman inabutan ko siya ng tubig. 

"ayaw mo ba talagang ipaalam kay Yoonah?" umiling ako "ma, sensitive ang pag-bubuntis niya at ayaw ko naman na madagdagan pa ang stress niya kapag nalaman niya na may leukemia si Sunny. Alam naman natin kung gaano mag-overthink si Yoonah" tumango-tango si eomma

"I understand, maraming salamat talaga. Swerte ang anak ko sayo" nakangiting sabi niya sakin and I smiled back "ma, mas swerte ako sa anak mo. Alam mo yan" napailing nalang siya 

7th day ko dito sa Japan and ngayon ang schedule ng operation ni Sunny. Tinawagan ko si Yoonah na magiging busy kami and I told her that I missed her. Naka-admit na ako ng 1 day dito sa hospital para i-condition ang katawan ko at nabigla ako nang may tumakbong nurse papunta sa kwarto ko.

"Mr. Jeon" umupo ako ng tuwid at hinarap siya "may problema ba?" tumango siya 

"Hindi po kayang i-take ni Sunny ang operation ngayon. She's not in good condition dahil po nagkaron siya ng infection dahil sa effect ng chemotheraphy. Nabawasan po ang cell counts niya for certain infection-fighting white cells in the blood" ito ang balitang naging dahilan kung bakit nawala ako ng ilang buwan. 

Isang buwan na na-delayed ang operation ng anak ko dahil hindi maganda ang condition niya. I am here, patiently waiting at hindi ko masabi sa asawa ko kung anong nangyayari sa anak namin. Nag-aagaw buhay ang anak namin pero hindi niya alam.  

After operation 

"mama" pag-mulat ng mata ko ay nakita ko si mama at papa. "Anak!" nilapitan agad nila ako at tinanggal ang oxygen mask sakin. 

"anak, dalawang linggo ka nang walang malay" napakurap ako at napatingin sa calendar. "that long?" tumango si papa 

"Nagkaron ng side effect ang anesthesia sa katawan mo ---" hindi ko na naintindihan ang explanation ni mama dahil naalala ko ang asawa kong naghihintay sakin sa Korea. 

EUPHORIA (Book 2)Where stories live. Discover now