Chapter One

1.2K 47 10
                                    

/Charles/

"One milktea with oreo crumbles on top for Mcdreamy!" Rinig kong sabi ng crew at kinuha ang aking order.

Uupo na sana ako sa favorite spot ko nang biglang may uupo rin, napatingin ako sa mukha neto at bigla akong nanlamig..

"S-sorry! You want to sit he-?" Napatigil ako nang makita ng klaro ang mukha ng taong nasa harap ko, hindi ko maiwasang mapangiti.

"N-Niña?" Nauutal kong sabi, mukhang tangang nakangiti pa rin.

Seryoso ba'to? Si mismong Niña Esclito nasa harap ko? Yung Niña Esclito na super crush ko nung elementary? Weh Charles? Oh baka nananaginip ka nanaman ng gising?

"Um yes?" Nakangiti nyang sagot. Shit, ang ganda nya pa rin!

"Hindi mo ba ako naaalala? Ako'to, si Charles!" Masaya kong sabi.

Halata pa rin ang pagtataka sa mukha nya.. kaya ang ginawa ko ang kung ano sa tingin kong magpapaalala sa kanya.. hinati ko ang buhok ko sa gitna at ngumiti na parang bata.

"S-sorry, hindi ko talaga maalala eh.." sagot nya sabay pout. Aba'y sobrang ganda naman ng babaeng ito. Jusko!

"Okay lang, mataba pa ako noon kaya baka hindi mo na ako makilala." Natatawa kong sabi, "k-kamusta ka?" Tanong ko.

Nakatitig sya sa akin, "okay naman. Eto, bumili muna ng favorite kong milktea."

"Hmm good," sagot ko.

At natahimik kaming dalawa. Ito ang totoong example ng salitang "awkward". God, hindi ko alam ang gagawin. Biglang bumalik ang paghanga ko sa kanya and now that we're teenagers, I wonder kung ano na ang ganap sa buhay nya. And I can't help but ask myself, bakit pinakawalan pa kita?

"So.." bigla nyang sabi, "I guess I'll go ahead?" At nagsimula syang maglakad.

"Niña!" Sigaw ko bago sya makalayo. Hindi ko alam bakit pero deep inside me, tinawag ko sya.

Lumingon ito, "yes?"

Five years Charles. You wasted five years, and now is the chance. Huwag mo nang gawin ang katangahan mo dati.

Can we stay here? Kahit sandali lang?

Instead I said, "It's good to see you," nakakainis! Hindi ko masabi ang nasa isip ko. Natotorpe nanaman ako, kabadtrip.

And then she smiled, yung ngiting sobra kong na-miss. Totoo nga yung sabi nila na hinding-hindi mo makakalimutan ang iyong first puppy love. Sino nga ba ang makakalimot sa isang babaeng katulad nya?

"It's good to see you too," and then she dissapeared.

Olats mo Charles! Crush ka ng bayan pero sa isang babae hindi mo maayang umupo muna kahit saglit. But then I told myself..

She's not just a girl, you know. She's something and this time, I won't let her slip away.

-----------

So guys! What do you think? Should I proceed with the story? Haha. Share your thoughts please, highly appreciated! Thank you. And don't forget to like!! #KierViFTW

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon