/Charles/
"Oh Charles, Mark, at Niña! Buti naman at magkasama kayong tatlo! Halina kayo sa loob, maya-maya magsisimula na ang rehearsal." Salubong sa amin ni Kuya Jay.
From time to time, pasimple kong tinititigan si Niña. I don't know, can't help it. Hindi talaga nakakasawa ang ganda nya.
Walang anu-ano'y bigla nya akong tinignan at nahuli nya akong nakatitig sa kanya. She gave me a confused look, "bakit?" Tanong ne'to.
Agad naman akong umiwas, "w-wala! Bakit bawal na bang tumingin sayo ngayon?"
Napatawa sya ng mahina, "hindi naman. Grabe ka kasi makatingin." At pumasok na sya sa loob ng simbahan.
Huwag kang magba-blush Charles, huwag na huwag. Tama na yung nahuli nya akong nakatitig sa kanya. Pumasok na din ako sa loob. Agad ko naman hinanap si Niña at nawala nanaman ang ngiti sa mga labi ko nang makita syang kasama ulit si Mark.
Charles, huwag kang papaapekto sa sakit ni Mark. He's doing good, and wala kang masamang ginagawa. Kaya tuloy mo lang kung ano ang sinisigaw ng puso mo.
Lumapit ako sa kanila at biglang nagsalita, "oh! Ano topic natin dyan!?" Masaya kong tanong. Napatingin ako kay Mark at kita ko na medyo nabadtrip sya sa pagdating ko.
"Itong si Mark kasi kinukwento ang mga plans nya for his future. Nakaka-inspire kasi kahit ang bata pa natin, sya eh punong-puno na ng plano sa buhay. Sana kagaya ko din sya. Ako kasi go with the flow lang sa buhay."
Agad ko naman dinipensahan si Niña, "wala namang masama kung go with the flow ka lang sa buhay, ganon din kaya ako. Mahirap kasi na ang dami-dami mong plano sa buhay and then something will happen dahilan para hindi mo'to makamit, masasaktan ka lang. Kaya ako, I don't look at the future, I look at what's infront of me."
Pagkasabi ko ng mga huling salitang yun ay napatingin ako kay Niña. I don't know if napansin yun ni Mark but right now, I don't really care.
"Okay guys, please punta na kayo sa mga kanya-kanyang pwesto nyo, magstastart na tayo!" Biglang sabi ng wedding planner.
"Hey, galingan mo! Make me proud," sabi ko kay Niña.
Napatawa naman sya, "wow.. mama, ikaw ba yan?"
Napatawa na din ako, "hindi.. ako ang papa mo."
Lalong lumakas ang kanyang tawa, "ang corny Charles!!! Eww!" At naglakad na sya patungo sa pwesto nya, still laughing.
At sinundan ko lang sya ng tingin. Wala eh, ang ganda nya lang kasi talaga. Umupo ako sa isang tabi at maya-maya ay tumabi sa akin si Mark.
"Kamusta ka?" Tanong ko, not looking at him.
"Okay lang naman, still kicking." Pabiro nyang sagot.
Tinignan ko sya, "Mark, alagaan mo sarili mo.. if you ever need something, tandaan mong andito lang ako palagi."
Napatingin na din sya, at pansin ko somewhere in his eyes there's resentment. Alam kong tungkol to kay Niña kaya ganyan sya makatingin. Ano ba dapat kong gawin. Can't I have these two people in my life without one of them that I have to sacrifice?
"You know what.. or should I say who I need bro," bigla nyang sabi. Hindi ako kumibo.
"Funny how back then nung wala pa akong sakit eh sobrang playboy ko.. ngayon nagka-cancer ako, tsaka naman nakahanap ang puso ko ng katapat. You find that someone, who you can see your future with.. pero there's this possibility na mawawala ka rin naman. Ang saklap diba?" Bigla syang tumayo, "I need some fresh air bro, nahihirapan akong huminga dito.. ang init kasi.." at lumabas sya ng simbahan.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
FanfictionSometimes it's hard to figure out where you're supposed to be or what you want to do with your life. But along the way you will meet someone that could help you. And maybe, just maybe, they're the one who will change your life forever. All rights re...
