A/N: i encourage you to listen to all the songs I'm putting on this story. Like KierVi, I'm also a fan of music. This story is all about love, music, and family. Please let me know if you loved any of the songs I put here. Thank you.
/Niña/
Tahimik kaming naglalakad ni Charles, kanina pa sya walang kibo. Nakakapanibago.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.
Napatingin sya sa akin, kita ko agad ang lungkot sa kanyang mga mata, "dahil ba yan kay Mark?" Usisa ko.
Hindi sya sumagot at itunuon ang tingin sa daan. And I let him be. Sometimes all you need is someone to be there for you, kahit walang usap-usap, presence lang, okay ka na. And I guess, that's what Charles need.
"Alam mo, may gusto akong ipakita sa'yo.." bigla nyang sabi, looking at me.
"S-saan?" Taka kong tanong.
Ngumiti sya, "basta." At hinila ako.
Hindi ako gumagalaw, at nagmamatigas na sumama, lakas naman ng taong to. "Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko ulit.
Binitawan nya ako dahilan para halos ma-out of balance ako, at nakita ko na nagpipigil sya ng tawa.
"Ano nanaman ba ang trip mo Charles Kieron?" Irita kong tanong.
Lalong lumawak ang ngiti nya, "hanggang ngayon ba naman Niña Esclito wala ka pa ring tiwala sa akin?"
Hindi ako sumagot, "halika na, life is short you know, just trust me." Sabi nya.
Nagdadalawang-isip ako habang nakatingin sa kanya. I weighed my options: babalik ng apartment at matulog o sumama sa kanya malay ko kung saan.
"Nins, sasama ka ba o hindi?" Ulit nyang sabi at nagsimula nang maglakad palayo.
Napailing nalang ako at hinabol sya, "siguraduhin mong makakauwi akong ligtas!"
~~~~~~~~~~
"Tada!!!" Masayang sabi ni Charles nang makarating sa sinasabi nyang favorite tambayan nya.
Hindi ako kumibo at nakatingin lang sa kanya, "ano? Wala man lang.. wow! Ang ganda naman dito!" Sabi ne'to habang ginagaya ang boses ko.
"Ito na yun?" Pagbibiro ko.
Kumunot ang kanyang noo, "anong ito na yun! This is paradise, my friend!" Sigaw ne'to at umupo sa may mga bato.
Andito kami ngayon sa MOA Sea Side. Actually, dinadaan-daanan ko lang to, I never stay here to chill or what. Nilingon nya ako, "you coming or what?"
"Ayoko nga! Mamaya may humila sa akin dyan!" Sabi ko.
"Arte ne'to," natatawa nyang sabi. "Wala yan, ako bahala sa'yo. Loosen up!"
I sighed at umakyat at naupo sa tabi nya, "it's nice here diba?" Tanong ne'to.
I have to agree. Maganda nga dito. Mahangin, tahimik, makikita mo ang mga bituin, at napaka-presko ng hangin.
"Bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko.
Kibit-balikat sya, "I don't know, I just want to show you this place, baka if ever kailangan mong mag-isip o mag-relax, you can go here."
Napapansin ko na patingin-tingin sya sa akin kaya inunahan ko na, "may sasabihin ka?" Tanong ko.
Nagulat sya, "w-wala." Tipid nyang sagot at tumingin sa langit. "Actually, yes.." mahinang sabi ne'to.
"Close ba kayo ng papa mo?" Tanong nya.
Nagulat naman ako sa tanong nya. Anong kinalaman ni papa dito? But instead I remembered all the moments me and papa had when he was still alive, "oo, sobrang close.." sagot ko.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
ФанфикSometimes it's hard to figure out where you're supposed to be or what you want to do with your life. But along the way you will meet someone that could help you. And maybe, just maybe, they're the one who will change your life forever. All rights re...