/Charles/
Everything is so perfect at this moment, but I know this will pass and I feel sad. Pwede bang bumagal ang oras? Kahit ngayon lang?
"Ako naman ang may kailangan ng panahon ngayon. Para makalimutan ko na ang lahat ng sakit, para maalala ko lahat ng maganda at mabuti sa atin. Para bumalik ang Popoy na nawala noong naghiwalay tayo. I want my heart to stop breaking, Bash. Para kapag naging tayo ulit, kaya na kitang mahalin ng buong-buo, na walang takot kung masaktan man tayo ulit." Sabay na salita ne'to habang nanunuod kami ng movie.
"Wow, memorize ah," mangha kong sabi, smiling.
"What I told you, favorite ko to," then out of nowhere she looked at me, "bakit kahit alam mong mahal mo pa ang isang tao, hahayaan mo pa rin syang mawala sa buhay mo?" Biglang tanong ni Niña.
Napatingin ako sa kanya, at binalik ang tingin sa TV, "ewan? Baka napagod na? Baka hindi naman talaga sila para sa isa't-isa? Baka takot nang masaktan pa? Baka ayaw lang makasakit ng iba? There's a lot of reasons why, and it's kind of sad that it can make a person give up."
"Di'ba kapag mahal mo, ipaglalaban mo?" Tumingin ulit sya sa akin, "naniniwala ka ba dito?"
I looked at her. I like her so much that it makes my heart hurt because I can't say it aloud. Baka nga duwag talaga ako, kasi tama sya, kapag mahal mo ang isang tao, ipaglalaban mo ito kahit anong mangyari.
"Kung pwede naman, syempre ipaglalaban ko." Sagot ko.
"Bakit naman hindi maging pwede?" Tanong ne'to.
Huminga ako ng malalim, "I don't know? May mga bagay kasi na kahit gaano mo kagusto kung hindi naman pwede maging sa'yo, wala kang magagawa. Kasi baka sa huli, masasaktan ka lang."
I heard her laugh, "dyan tayo nadadale sa baka eh. Masyado tayong takot sa salitang yan. Masyado tayong advance mag-isip kaya kahit hindi naman tayo masasaktan, sinasaktan na natin ang sarili natin."
"Masisisi mo ba? May mga kanya-kanya tayong sakit na pinagdaanan sa buhay and maybe one of it is the reason why we're so afraid to take risks." Sagot ko sa kanya.
"Maybe.. pero mali pa rin, nagiging duwag ka na kung ganon. At kapag duwag ka, hindi ka magiging masaya sa buhay kasi palagi kang natatakot." Sabi ne'to. Aray naman Nins, wala namang personalan. Tinatamaan na ako sa mga sinasabi mo ah.
~~~~~~~~~~~~~~
"Nins, ano an-" naudlot ang sasabihin ko nang nakita syang tulog. Aba, iniwan ako sa ere.
Kita ko na parang hirap na hirap sya sa posisyon nya kaya isinandal ko sya sa sofa.
I looked at her, and I can't help but smile. She sleeps so peacefully na mapapaisip kang i-check ang pulso nya kung meron pa ba. Then inayos ko ang buhok nya, studying her beautiful face and remembering every single bit of it.
"May gusto akong sabihin sayo." Mahina kong sabi, "gustong-gusto kita, alam mo ba?" Napabuntong hininga ako, "syempre hindi, kasi torpe ako, kasi natatakot ako."
I slowly hold her hand and watch it fit into mine perfectly. The feeling of this makes my heart beats so fast, makes my stomach scream words I can't seem to let out, and it's the best feeling I ever had for so long. And I just want time to stop, at this moment. Sana magawa ko rin to habang gising sya, pero hindi eh. And it makes me more sad.
/Niña/
"Di'ba kapag mahal mo, ipaglalaban mo?" At napatingin ako kay Charles, "ikaw, ipaglalaban mo ba ang taong mahal mo?" Tanong ko.
"Oo, ipaglalaban ko.. kaya mahal kita Niña Esclito.."
Nanlaki ang aking mga mata, "A-ano?" Napalunok ako.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
FanficSometimes it's hard to figure out where you're supposed to be or what you want to do with your life. But along the way you will meet someone that could help you. And maybe, just maybe, they're the one who will change your life forever. All rights re...
