Chapter Five

462 18 4
                                        

/Niña/

"Ano yun?" Tanong ko paglapit ko kay Sam.

"Basahin mo to, bilis!" Excited nyang sabi.

Agad kong kinuha ang kanyang cellphone.

Magaling ka bang kumanta? Then it's you we are looking for! Send us your audition video in our official facebook page. Deadline until the end of August 2018.

"Insan! Ito na ang pagkakataon! Gora ka na!" Excited na sabi ni Sam.

Napatingin ako sa kanya, "pero Insan, sigurado akong maraming sasali.. mga magagaling at maganda ang magiging video nila."

Napasimangot sya, "nega ka talaga! Matagal pa ang end of August okay? Paghahandaan natin yan!"

Nakatingin lang ako sa post, "I don't know.."

"You can do it," it was Charles. Napatingin ako sa kanya, "I'll help." And he smiled. At walang anu-ano'y biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Oh ayan! Dalawa na kaming tutulong sa'yo! Choosy pa ba Insan? If you really want to pursue your dream, kahit anong mangyari, hindi ka susuko! Andito naman kami eh, susuportahan ka namin." Sabi ni Sam.

Napatingin ako sa kanilang dalawa. Hindi ko talaga alam.. bigatin ang competition na yun.. paniguradong maraming magagaling.. I don't stand a chance!

"Nins," biglang sabi ni Charles, "give it a try, we got your back, lalo na ako. I promise." And he smiled.

Hindi ko alam pero nang makita ko ang ngiti nya, gumaan ang pakiramdam ko. Nawala ang takot, biglang nagkaroon ng confidence sa sarili ko. Maybe this is what it feels when someone believed in you.

Napabuntong-hininga ako, bahala na si bathala. "Okay, let's do this."

/Charles/

"Saan tayo magsisimula?" Biglang tanong ni Niña.

I'm so happy at magiging parte ako ng big break ni Niña sa buhay nya. Manalo, matalo, it doesn't matter, for me, sya na ang panalo. Wow, corny! Pero seryoso, gagawin ko lahat, matulungan lang sya.

"First, kailangan natin ng equipments para irecord ang kakantahin mo.. then kapag okay na yun, gagawa na tayo ng audition video." Sabi Sam.

"Don't worry, meron akong equipments." Bigla kong sabi.

Napatingin silang dalawa sa akin, "
Bakit?" Tanong ko.

Biglang ngumiti si Niña, "naalala ko kahapon, habang nakapila tayo nung  bumili ako ng libro, narinig kitang kumakanta, infairness, maganda boses mo.. that's explain kung bakit ka may equipments.."

Nakatingin lang ako sa kanya. It amazed me how she see every little thing around her and remembered it. Minsan ka nalang makakakilala ng ganyang tao, and I'm so lucky I know one.

"Actually, hindi masyado." At napatawa ako, "it belonged to my papa. He used to sing, back when he was in college. He gave it to me."

"Ganon ba," sabi ni Niña, "siguro miss na miss mo na papa mo ano.."

"Anak, stay here okay? May bibilhin lang ako sa downtown." Sabi ni Mama at lumabas na ng bahay. Good boy ako kaya malaki ang tiwala sa akin ni mama na iwan lang akong mag-isa sa bahay.

Nakaupo lang ako sa sofa habang nanunuod ng cartoons. Maya-maya'y biglang may pumasok ng bahay. Akala ko si Mama, yun pala si Papa, nagmamadali ito.

"Papa? Akala ko po nasa work kayo?" Tanong ko.

Halata ang gulat sa mukha ne'to, "Charles, akala ko may lakad kayo ng mama mo?" Tanong ne'to, hindi mapakali.

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon