/Niña/
"Huy!? Okay ka lang?" Biglang tanong ni Samantha nang makita akong dumating sa apartment.
"Oo naman, bakit?" Sagot ko sa kanya. Hindi pa rin ako makamove-on sa nangyari kanina. Sino nga bang makakalimot sa pangalang, Charles Kieron?
"Palagi ka namang okay insan eh, kahit hindi, okay pa rin. Jusko!" natatawang sabi nya.
"Ewan ko sa'yo," nakangiti kong sagot, "pasok na ako. I need to sleep. Pakisabi nalang kay mama dumating na ako. Salamat."
"Tama yan, kailangan mong matulog. Mukhang lola ka na. Ako na bahala kay tita."
Hindi ko na pinansin si Sam at pumasok na sa aking kwarto. Hindi pa nangangalahati ang araw lanta na ako. Dumagdag pa si Charles na wala pa ring pinagbago.. buti nalang at sinabi kong hindi ko sya maalala. Sakit kasi sa bangs ang taong yun.. my elementary years were not so good because of him, number one bully kasi sya noon.
Naalimpungatan naman ako nang may marinig ako na parang tumutunog sa banyo, bumangon ako at tinignan ito.
"Oh my god!!" Napasigaw ako nang makita na bumabaha ang banyo dahil sa sirang gripo.
Agad kong pinuntahan si Tito Rex para humingi ng tulong. Ang malas naman ng araw na'to. Diretso na akong pumasok sa tinutuluyan nya dahil parang pamilya na rin naman ang turing sa akin ni Tito Rex, kaklase ni mama noong highschool.
"Tito, bumabaha po ang ba-"
Biglang nanlaki ang mga mata ko nang may makitang isang lalakeng nakatopless. Oh my god! Ang awkward!
"Sino ka?! Kawatan ka ano!?" Sigaw ko sabay kuha ng vase na nasa harap ko.
"Hoy! What the hell! What are you talking about!?" Sagot nya sabay suot ng t-shirt at lumayo sa akin, "put that down! I swear, please, put that down!"
Teka.. "Charles!?" Nagulat ako nang makita sya. Bakit andito ang taong to!? Wala na bang mas mamalas sa akin?
"Yes! And you're peeking on me!!" Ganti nya.
"Anong peeking!? Peeking mo mukha mo! Kapal mo talaga eh ano!? Bakit ka ba andito!?" Inis kong tanong.
"Dito ako titira, syempre! Eh ikaw?" Biglang umiba ang expression ng mukha nya, "akala ko ba hindi mo ako maalala? How come you know my name?" Sabay ngiti ne'to.
Bigla akong pinagpawisan. Oo nga pala, he's supposed to be a stranger to me. "A-ah, sinabi mo ang pangalan mo kanina! Hindi mo ba maalala? Kanina bigla kang sumulpot, pati ba naman ngayon?"
"Ewan, baka destiny tayo?" Sabay tawa ne'to. Hay jusko, bully pa rin!!
"Hoy! Kapal mo talaga! Sino ka rin para maging destiny ko?! Huwag kang mag-feeling dyan, okay?" Sabi ko habang tinignan sya ng masama.,"Wala akong oras para makipagkwentuhan sa'yo, nasaan si Tito Rex!?" Tanong ko sa kanya.
"I don't know, sabi nya may pupuntahan lang sya." Sagot ne'to.
Jusko!! Ngayon pa wala si Tito kung kailan kailangan ko sya! Dali-dali akong lumabas ng bahay nya at bumalik sa apartment ko. Anong gagawin ko? Baka umabot dito sa loob ang baha.
Pumasok ako ng banyo bago pa tumaas ang tubig at pilit na inayos ang gripo pero sobrang tigas neto at hindi ko kaya. Then out of nowhere, biglang may pumasok.
"Stay back, ako na bahala dito." Sabi nya at pilit na inayos ang gripo. Hindi ko nga sigurado kung alam nya ang ginagawa nya pero mukhang gusto nya talaga akong tulungan. Basang-basa na sya nang mahinto ang agas ng tubig. Lumabas sya ng banyo at tinignan ako ng diretso sa mga mata.

BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
FanfictionSometimes it's hard to figure out where you're supposed to be or what you want to do with your life. But along the way you will meet someone that could help you. And maybe, just maybe, they're the one who will change your life forever. All rights re...