Chapter Four

486 21 5
                                        

/Niña/

Tahimik kaming naglalakad pauwing apartment. Himala at behave sya ngayon at hindi ako inaasar.

Walang anu-ano'y biglang bumuhos ang ulan. Ang malas pa doon eh wala akong dalang payong.

"Oh eto, suotin mo tong jacket! Lakas ng ulan, silong muna tayo!" Nagulat ako nang biglang isuot sa akin ni Charles ang kanyang jacket.

"Okay lang ako," sabi ko.

"Huwag ka nang makulit, okay? Baka magkasakit ka pa." Pagpupumilit ne'to at naghanap kami ng masisilungan.

"Thank you," mahina kong sabi.

Napatingin sya sa akin, "no big deal," at ngumiti eto.

We stood there silently, waiting for the rain to pass.

"So, mag-isa ka lang sa apartment mo?" Bigla kong tanong.

"Yup, si Mama kasi nasa Canada." Sagot nya naman.

"Papa mo?"

He smiled, "wala na sya," and then he looked at me again, I saw in his eyes.. pain..

"Ay, sorry.." nahihiya kong sabi.

"It's okay, matagal na yun.."

"Are you okay now?" Sincere kong tanong.

"Yes, I have to. Para kay Mama, para sa sarili ko. Pero sometimes, hindi maiwasang maalala ang nakaraan, but it's part of what we are you know, how we live our lives, it'll make us a better person." Seryoso nyang sagot.

Hindi ako nakasalita. Wow, kapag pala seryoso ang pinag-uusapan nyo, he's very sincere. And I can't help it, napahanga nya ako. He's so genuine with his words and actions that sometimes he don't even know how much it affects other people, including me.

"Tumigil na ang ulan, let's go?" Bigla nyang sabi. Nawala naman ako sa iniisip ko.

"Tara," sagot ko.

Nang makarating sa aparment, tumigil ako sa harap ng pinto namin at hinarap sya, "ah, thank you nga pala sa pagsama sa akin ha, I really appreciate it." At ngumiti ako.

"Wala yun, maliit na bagay." At napangiti din sya.

And we stayed like that for I don't know how long hanggang sa may marinig akong boses, "sino kaya ang unang matutunaw? Titigan challenge?" It was Sam, nakatingin sa may bintana.

"S-sige Nins, I'll go ahead.. goodnight sa inyo," nahihiyang sabi ni Charles at umalis na sya.

"Bye," sabi ko at pumasok na sa loob.

"Anong ganap yun insan?" Kinikilig na tanong ni Sam.

"Tumigil ka nga," inis kong sagot.

"Sungit naman!" Sabi ne'to sabay batok sa akin.

"Aray! Problema mo!" Sigaw ko.

"Ikaw Maria Niña, tigilan mo ako sa kaartehan mo ha, mas matanda ako sa'yo!" Gigil nyang sabi.

"Beastmode?" Hindi ko mapigilang matawa.

"Alam mo namang nagmomoment ako dito, sinisira mo! Kilig na kilig pa naman ako sa inyo kanina, huwag mong i-spoil, okay?" At bigla nanaman syang napangiti na parang baliw.

"Ewan ko sa'yo," sabi ko at pumasok na ng kwarto. Kilig mukha nya.

/Charles/

Pagpasok ko ng apartment ay parang biglang sumama ang aking pakiramdam. Nahihilo ako at parang biglang nanghina ang aking katawan.

Kinuha ko ang thermometer na pabaon sa akin ni Mama. Chineck ko ang aking temperature.. and guess what? May lagnat ako. Tsk, pahamak na ulan to.

Kahit hinang-hina ako eh pinilit kong tumayo para kunin ang aking jacket at bibili ako ng gamot doon sa may kanto.

Pababa na ako ng hagdan nang may makasalubong ako.. it was Niña.

"Oh Charles, saan punta mo?" Tanong ne'to.

Pilit akong ngumiti, "dyan lang sa labas, magpapahangin."

"Eh umaambon pa ah, mababasa ka nanaman." Sagot ne'to, "teka, parang namumutla ka?" Kunot-noo nyang tanong.

"I-I'm okay," agad ko namang sagot.

"Hindi eh, " sabi nya sabay hawak sa may leeg ko, checking me. "Eh may lagnat ka! Ang init mo kaya!"

"Okay lang ako Nins, seryoso.."

"Mukha mo, halika muna sa amin, inom ka ng gamot." At hinila ako papunta sa kanila.

Pagkapasok sa loob ay agad syang may kinuha sa may cabinet nila, kumuha ng isang tablet ng gamot at binigay sa akin.

"Oh ayan, inumin mo para bumiti pakiramdam mo." Sabi nya. Napatingin ako sa kanya.

"Hindi lason yan, okay?" Bigla nyang dugtong.

Napatawa ako, "Thank you," sabi ko sabay inom ng gamot.

"Nurse kasi si Mama kaya may konting alam ako sa mga gamot, so don't worry.." bigla nyang sabi.

"Ganon ba. Kaya pala hindi ko sya makita. I know how nurses work, palaging wala sa bahay.." sabi ko. Hindi maiwasang maalala si Papa. Kagaya ng mama ni Niña, nurse din ito.

"So.. pahinga ka muna dyan? Feel at home ha?" Sabi nya. Aba, ang bait nya ata ngayon?

"Ikaw ata tong may lagnat eh," natatawa kong sabi.

"At bakit?" Tanong nya.

"Ang bait mo kasi sa akin ngayon, hindi ka nagsusungit." Sagot ko.

"Hindi mo kasi ako inaasar, syempre, bawi-bawi lang yan.." natatawa nyang sabi. When I see her smile, parang bigla akong bumalik ng pagkabata.

Nakatingin lang ako sa kanya. Five years since I felt this strange feeling whenever I look at her. And now, it's getting stronger, I don't know why. But one thing is for sure, only this girl, made me feel this way.

"Want to know to know bakit palagi kitang inaasar dati?" Bigla kong tanong sa kanya.

"Bakit?"

I can't help it, napangiti ako, "cute mo kasi kapag nagagalit ka.. palaging nagsasalubong ang kilay mo sabay pamewang pa!" At napatawa na ako.

Bigla nya akong hinampas, "aba, sinong hindi maiinis eh grabe ka mang-asar!" Napatawa din sya, looking at me.

Bigla akong nagseryoso, "pero kidding aside.."

Napalunok ako.. just say it, Charles.

"Yun lang ang naiisip kong way dati para mapa-"

"Insan! Halika dito! May ipapakita ako sa'yo!" Biglang sigaw ni Sam.

Asar. Kung kailan ready na akong sabihin sa kanya. Napabuntong-hininga ako. Maybe, this is not the right time. Naalala ko tuloy ang sabi sa akin ni lolo noong golden anniversary wedding nila ni lola..

"Kapag dumating na ang taong para sa'yo.. kahit ano man ang mangyari.. kahit ilang beses kayong maghiwalay, patuloy at patuloy pa rin kayong pagtatagpuin. All you need is patience, trust, and believe in love."

At baka nga Nins, hindi pa ngayon ang tamang panahon.. but I know for sure, ikaw na ang taong para sa akin. And I will keep the faith.

--------

Famcakes, I'm so sorry ngayon lang nakapag-update.. sobrang busy lang sa work.. hope you understand haha.

Please don't be a silent reader and leave a comment. And please do like my story. I'll really appreciate it. Thank you!! Xx

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon