Chapter Twelve

394 15 4
                                        

/Charles/

"You ready?" Sabi ko pagkababa namin ng taxi.

"Sobra!" Excited nyang sabi, "teka, what time dadating si Mark?" Tanong ne'to.

"Ah.. hindi sya makakapunta, remember the other day? Hanggang ngayon mahina pa rin sya at hindi pinayagan ng dad nya. Gusto sana pumunta pero hindi talaga pinayagan." Explain ko.

"Ay, ang sad naman. Hindi bale, ivivideo ko nalang at ipapanuod ko sa kanya." Sabi ne'to.

"That's better," sabi ko at ngumiti sa kanya.

Inilabas ko ang concert ticket at lalong lumaki ang kanyang ngiti, she really have this smile na sobrang nakakagaan ng pakiramdam.

Should I blame her for giving me the most beautiful smile or me that's being so soft when it comes to her? I don't even know.

"So hilig mo din ang pag-suot ng beanies?" Bigla nyang tanong.

Napahawak ako sa ulo ko at napatawa, "ah oo.. lalo na yung gawa ni mommy, comfortable kasi.."

"Ako rin, share lang!" Masaya nyang sabi.

"What's with you today? Ang hyper mo ah." Taka kong tanong. I like the excited Niña, masyadong masayahin, nakakagood-vibes.

"Bakit ba? It's a beautiful day Charles!" Natatawa nyang sabi. Napapailing nalang ako habang nakatingin sa kanya.

We stopped on our tracks, and we stood right infront of Music Museum, kung saan magco-concert si TJ Monterde. I looked at her and she looked at me. Then out of nowhere, bigla syang tumawa at hindi mapigilan ang excitement which makes me laugh too. Hay nako, mahal ko na yata talaga si Niña Esclito.

"Ito na ata yung pwesto natin," sabi nya nang makapasok na kami sa loob. Bigla syang umupo, sabay dukot ng pagkaing binili namin sa labas.

"Feel at home ah," natatawa kong sabi, "baka hindi pa nagsisimula ang concert ubos na foods mo."

"I don't care, basta mapapanuod ko si TJ my loves ngayong gabi.." at sumubo ng popcorn.

Umupo na ako sa tabi nya at tinignan sya ulit. Kitang-kita ko sa mga mata nya ang saya. I should be happy too pero bigla nanaman akong nakaramdam ng selos.. Mark made her very happy, like genuinely happy. Ako? Nganga pa rin.

"Oh my god..." bigla nyang sabi at tinuro ang stage. I looked at it closely pero hindi ko maklaro dahil sa mga light effects.

Nagulat ako nang bigla syang tumayo at sumigaw, "TJ!!! I love you!" Mangiyak-ngiyak nyang sabi.

"Huy, okay ka lang?" Natatawa kong tanong.

She looked at me and yes, there are tears, actual tears, "oo.. sobrang saya ko lang Charles, sobra.."

And I can't help but smile.. I feel lucky that I get to see her so happy, hindi na bale kung sino man ang dahilan ne'to, ang mahalaga, ako ang kasama nya sa panahong alam kong hinding-hindi nya makakalimutan. And that's enough.

/Niña/

Guitar starts to play and that's when I got lost with music. That's what I learned about it, put your soul to the song you're listening or singing and it'll take you somewhere magical. And it actually did.

Ano ang iyong pangalan
Nais kong malaman
At kung may nobyo ka na ba
Sana nama'y wala

Di mo ako masisisi
Sumusulyap palagi
Sayo'ng mga mata
Oh kay ganda oh binibini

Napatingin ako kay Charles and I also see he's enjoying the concert as much as I do. Masarap talaga kasama ang isang taong alam mong pareho kayo ng hilig.

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon