Chapter Thirteen

398 13 3
                                        

/Charles/

"Oh my God Charles, OMG talaga!!!" Excited nyang sabi habang kinukurot ang tagiliran ko. Ganito ba talaga to kapag sobrang masaya? Napaka-brutal!

"Maghunos-dili ka huy!" Natatawa kong sabi.

"Kinakabahan kasi ako! Okay ba damit ko? Eh itsura ko? Maayos naman? Hindi ba haggard?" Taranta nyang tanong habang inaayos ang sarili.

Hinawakan ko sya sa balikat, "hey, you look great, okay? Chill ka lang!"

"Anong chill?! Seryoso ka ba Charles Kieron? Paano ako magchi-chill kung mami-meet ko si TJ Monterde?" Sigaw nya.

Napatingin sa amin ang mga tao. Parang lalamunin na ako sa hiya. Oo ang cute nya kapag nagkaka-ganito pero baka dahilan pa ito para pagalitan kami.

"Next," biglang sabi ng organizer at tinuro kami. Nagsimula na akong maglakad papasok pero hindi gumagalaw si Niña.

"Huy!" Sabi ko at hinila sya.

"Charles, totoo ba to?" Bigla nyang tanong at tinignan ako sa mga mata.

I can't help but smile at her, she's so cute. Alam kong iniisip nya na baka panaginip lang to kaya dahan-dahan kong hinawakan ang kanyang kamay and I smiled at her, "yes, totoo to, okay? Kaya halika na and you're going to meet TJ.."

She smiled back at me at pumasok na sa loob, holding her hand tightly.

/Niña/

"Shit! Si TJ! Si TJ!" Mahina kong sabi nang makapasok kami sa loob. Oh my God, totoo ba to? Si TJ Monterde ba talaga tong nasa harap ko?

"Hello!" Masayang sabi ni TJ pagkakita sa amin.

Unang lumapit sa kanya si Charles at kinamayan ito. Grabe, paano nya nakakaya to? At napaka-kalma nya lang! Napansin kong napatingin sa akin si TJ, nagtataka. Shit, mukha akong tanga.

"Nins?" Mahinang sabi ni Charles at lumapit sa akin, "it's okay.. hindi ito panaginip.. halika, let's meet him okay? Sige ka, baka pagsisihan mo pa." He take my hand at lumapit na kami kay TJ.

"Hello sa'yo.." bati sa akin ni TJ.

"H-hello," nauutal kong sagot. Grabe, nahihiya talaga ako.

"You nervous?" Tanong nya habang nakangiti. Grabe, ang gwapo!

"K-konti po," sagot ko. Anong konti Niña? Sabihin mong sobra!

"Bakit naman? Tao din naman ako ahhh.." biro nya at lumapit sa akin at niyakap ako, "it's nice to meet you."

Shet mga mamshie! Ang bango-bango nya! Nakakainlove! Total package ikanga!

"Thank you for inspiring me to be better in music," sabi ko habang nakayakap sa kanya..

"And thank you for believing in me," sagot ne'to. Kumalas sya sa yakap at tinignan ako, "huwag kang titigil okay? Tuloy mo lang yan.. I know you can do it.. let's make it happen together okay?"

"Okay," at napangiti ako.. grabe, hindi ko na kinakaya ang kilig. Ang bait nya!

"P-pwede picture tayo?" Nahihiya kong tanong. Huwag kang mag-blush Niña!

"Syempre naman!" Sagot ne'to.

"Ako na magpipicture!" Biglang sabi ni Charles at kinuha ang phone ko.

Lumapit ulit ako kay TJ at bigla nya akong inakbayan, "ang supportive ng boyfriend mo ah. Swerte mo!"

Bigla akong nanlamig. Ano daw? Boyfriend? Seryoso ka TJ? Boyfriend agad?

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon