/Niña/
"B-busy ka ba ngayong araw?" Nahihiyang tanong ni Charles nang makasalubong ko sya sa labas.
"Hmm, wala naman.. bakit?" Taka kong sagot.
"Sakto!" Sabi nya sabay ngiti, "pwede mo ba akong samahan?"
"At saan tayo pupunta?" Sungit kong sabi.
"Grabe sya! Ang sungit!" Natatawa nyang sabi, "Huwag ganon Nins.. dapat masaya nating sinasalubong ang umaga, okay? Para happy ang life!" Masaya nyang sabi, with all the actions pa. Anong nakain ng taong to?
Napailing nalang ako at tinignan sya, "alam mo, hindi ka pa rin nagbabago.. ikaw pa rin ang Charles na sobrang makulit at maingay."
"Believe me Nins, I changed. Yung Charles dati? Wala na yun.. Behave na ako ngayon.." at ngumiti ito.
"Siguraduhin mo, kundi ibabalibag kita.." natatawa kong sagot.
"Hahahaha! Favorite line mo noon.. hay nako, good old times." Napailing sya habang nakatingin sa akin.
"Bakit?" Tanong ko, grabe kasi makatitig. Jusko. Parang matutunaw ako eh.
Lalong lumaki ang kanyang ngiti, yung ngiting lumalabas ang dimples nya.. and yes, it was so cute..
"Wala lang.." sagot ne'to, "so sasamahan mo ba ako?"
"Saan nga kasi?" Tanong ko.
"Basta, okay? Just trust me.." at bigla syang sumeryoso.
Huminga ako ng malalim, "siguraduhin mo na may kwenta tong lakad natin kundi ibabalibag na talaga kita for real."
Napatawa sya ng malakas, "grabe ka talaga Niña Esclito."
~~~~~~~~~
"Huy! Kanina pa tayo dito! Ano ba talagang gagawin natin dito sa simbahan!?" Inis kong sabi, kanina pa ako naiinip.
Anong gagawin namin dito? Hindi naman linggo.. wala ring misa na magaganap.
"Shh! Just five more minutes, okay?" Sabi nya.
"Charles kasi, ano nga?" Irita kong sabi.
"Papakasal tayo, okay? Inaantay nalang natin ang pari." At tumingin sya sa akin, "kaya huwag ka nang mainip, hindi naman kita tatakbuhan eh.."
*PLAAAAAK!*
"Aray naman Niña!!!!" Sigaw nya, habang kinakamot ang braso nyang hinampas ko.
"Anong kasal ang sinasabi mo!?" Inis kong sigaw.
"Joke lang naman kasi!" Sabi ne'to habang nagpipigil ng tawa, "sorry na.. kulit mo kasi eh, sabi ko wait lang at malalaman mo din."
"Jusko talaga Charles, sakit ka sa bangs kahit kailan..." buntong-hininga ko sabay irap sa kanya.
"Charles?" Napalingon ako nang marinig ang tumawag sa kanya.
"Kuya Jay! Ate Giann!" Masayang sabi ni Charles at lumapit sa kanila sabay beso.
"Sorry at natagalan kami ha, sobrang traffic lang kasi.." sabi ng lalake, Jay daw ang pangalan..
"Okay lang po yun!" Sagot ni Charles at bigla akong hinila.
"Sya nga po pala si Niña Esclito, kaibigan ko.. at sya po ang kakanta sa kasal nyo!" Masayang sabi nya.
Nanlaki ang mga mata ko. Wait what? Anong kasal? Ako kakanta? Kakanta sa kasal?
/Charles/
"Charles Kieron! Anong kalokohan to!" Gigil nyang sabi sa akin nang mahila ako palayo kela kuya Jay.

BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
FanfictionSometimes it's hard to figure out where you're supposed to be or what you want to do with your life. But along the way you will meet someone that could help you. And maybe, just maybe, they're the one who will change your life forever. All rights re...