/Charles/
"Sam!" Sigaw ko nang makita syang pababa ng hagdan, "where's Niña?" Tanong ko.
"Nasa loob, katok ka nalang!" Sagot nya at umalis na.
*Knock knock knock*
Mga isang minuto pa ata akong naghintay bago nya buksan ang pinto, "Charles? Kailangan mo?" Halata sa mukha ne'to ang gulat.
Napakamot ako ng ulo, nakalimutan nga nya. "Aish! Nakalimutan mo? Ngayon tayo susukatan ng damit for the wedding diba!?" Inis kong sabi.
"Ay! Oo nga pala! Hala, nakalimutan ko nga. Give me fifteen minutes?" Sabi ne'to, giving me puppy eyes. Cute talaga kahit kailan.
"Ano pa ba magagawa ko? Bilis na!" Sabi ko. Nako, paniguradong male-late kami. Traffic pa naman.
Pumasok muna ako ng apartment nila at nag-antay.
Busy ako sa paglalaro ng Mobile Legends nang may marinig akong tumutunog na cellphone. Hinanap ko ito at natagpuan sa may ilalim ng sofa. Phone ata ni Niña to, I checked the Caller's name at parang biglang may kumirot ng konti sa dibdib ko.
Mark calling...
Bakit may number sya ni Mark? Matagal na ba silang magkausap? Bakit hindi ko man lang alam?
Huminga ako ng malalim. Charles, huwag kang over-acting, okay? Keep it cool. Keep your shit together.
"Nins! May t-tumatawag sa phone mo!" Sigaw ko.
Walang anu-ano'y biglang bumukas ang pinto ng banyo nila. She's wearing a bath robe, basang-basa sya, at may sabon pa ang buhok ne'to. Lumapit sya sa akin at kinuha ang phone nya.
"Mark! Napatawag ka?" Rinig kong tanong nya sa kabilang linya. "P-paalis na kami ni Charles, we'll be there soon! Okay, bye!" At in-end nya na ang call.
Hindi ako kumibo at nakatingin lang sa kanya. I can feel my face turning red.
"Bakit?" Mataray na tanong ne'to.
Napalunok ako ng wala sa oras, "w-wala!" Sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya.
Ngumiti syang nang-aasar, "ikaw Charles ha," at bumalik na ng banyo.
Naiwan akong nakatulala. What just happened? Parang ang bilis naman ata. Pero just let me say this, walang halong malisya, okay? Napaka-sexy pala ni Niña, I saw the curves of her body habang suot ang bath robe nya, wet look makes it even more sexier. Ewan, gandang-ganda lang talaga ako sa kanya. Iba ang beauty nya sa lahat ng babaeng nakilala ko.
"Let's go?" Nawala ako sa iniisip ko nang bigla nanaman syang sumulpot.
"Para kang kabute, bigla-bigla nalang sumusulpot!" Sabi ko habang nakatingin sa kanya, amazed.
Napatawa sya, "masanay ka na, okay? There's more to come." Sagot ne'to at hinila ako patayo, " tara na! Dami pang hanash eh."
~~~~~~~~~~~
It's almost twenty minutes at nag-aantay pa rin kami ng bakanteng jeep. Badtrip, late na late na talaga kami. Yari ako kay Kuya Jay ne'to.
"Sorry na Charles," biglang sabi ni Niña.
"Wala yun," sagot ko, hindi sya hinarap.
"Alam ko namang badtrip ka eh, "talagang nakalimutan ko lang.. kaya Charles, sorry ulit.
Hindi ko napigilan at hinarap din sya, "Nins, don't say sorry okay? Okay lang.." at ngumiti sa kanya. I know that's all she needs. And she smiled back at me.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
FanfictionSometimes it's hard to figure out where you're supposed to be or what you want to do with your life. But along the way you will meet someone that could help you. And maybe, just maybe, they're the one who will change your life forever. All rights re...