Chapter Twenty

424 19 6
                                        

/Charles/

"Nins.." pilit kong pinipigilan ang aking mga luha, "it's not right.. merong masasaktan."

"At dahil dyan okay lang na masaktan ako?" Napapa-iling na sya, and she was crying so hard, "alam mo, napaka-duwag mo." And she walked away.

Charles, ano? Hahayaan mo nanaman syang mawala sa'yo? At magsisisi ka nanaman sa huli? Hindi ko na kinaya kaya napaiyak nalang din ako.

Biglang may humawak sa balikat ko, tinignan ko ito at nabigla ako. It was Mark.

"B-bro? A-ano ginagawa mo dito? H-hindi ka dapat nagpa-pa-pagod." Sabi ko sabay punas ng luha ko and composed myself.

"Okay lang ako bro.. hindi lang ako magiging okay kapag nalaman kong hindi mo pinaglaban ang taong mahal mo dahil lang sa akin.. dahil lang sa isang kaibigang may sakit."

"Anong pinagsasabi mo?" Taka kong tanong.

"Matagal ko nang pansin na may gusto ka kay Niña, at kanina ko lang na-confirm na mahal mo nga nung marinig ko ang usapan nyo, and I'm sorry about that."

Inakbayan nya ako, "alam mo Charles, you don't love someone and let them go.. don't do it for the sake of others.. kahit sino pa yan.. at kahit na ako pa yan."

"Ayaw kong masaktan ka Mark, mahalaga ka sa akin. Isa ka sa mga malapit kong kaibigan at ayaw kong maging dahilan kung bakit mas lalo ka pang masasaktan." Sagot ko naman.

"Ano ka ba? There's nothing worst than having a cancer, kaya okay lang ako." Ngumiti sya sa akin, "I'll get to decide what's gonna hurt me.. okay na akong malaman na sa isang kagaya mo mapupunta si Niña. You're a good guy, Charles. So please go after her."

Nakatingin lang ako kay Mark, "p-paano ka?"

"Ako? I'll be fine.. if it's not meant for me, bakit ko ipipilit diba? Please, utang na loob, huwag ka nang pabebe, sundan mo na sya and fight for that love!" Sabi ne'to habang tinutulak ako nang mahina.

Nakatingin lang ako sa kanya, "go before I change my mind," natatawa nyang sabi.

Hindi ko na napigilan at napaiyak na talaga ako. Niyakap ko si Mark, said thank you at agad na hinabol si Niña.

~~~~~~~~~~~~~~

Nakita ko sya and she's still running. Napangiti ako dahil sa wakas, masasabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya binilisan ko lalo ang aking pagtakbo at nang mahabol sya ay hinawakan ko ang kanyang kamay at nagpatuloy sa pagtakbo.

Nagulat naman sya at napatingin sa akin, "teka, anong ginagawa mo! Bitawan mo nga ako!" Sigaw nya.

"No! I will not let go hanggang hindi ka titigil sa pagtakbo at kakausapin ako." Sagot ko.

Hindi sya nakinig sa akin at patuloy pa rin ito sa pagtakbo, "please Charles, huwag mo na akong pahirapan pa!"

Bigla akong huminto, dahilan para mapahinto din sya. Basang-basa na kami ng ulan pero wala akong pakealam. Mas gusto ko pa nga to eh, parang nasa teleserye lang. Astig diba? Pwede na bang maging next KathNiel o di kaya LizQuen?

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon