/Niña/
"Oh anak, ang aga-aga eh nakasimangot ka?" Biglang tanong ni mama.
Nawala ako bigla sa aking iniisip, "ma, wala to.."
"Sigurado ka ba? Tungkol ba yan kay Charles? Aba nak, simula nung dumating yang pamangkin ni Rex, palaging mainit ang ulo mo. Gusto mo kausapin ko ang Tito Rex mo na layuan ka ng batang yan?" Seryosong tanong ni mama.
Agad namang nagising ang diwa ko, "h-hindi po! Okay lang po kami ni Charles, ma. Masakit lang po ulo ko kasi hindi po ako nakatulog ng maayos kagabi."
Nanlaki ang mga mata ni mama, "Niña Esclito!"
"Ma naman! Kung ano po yang iniisip mo, hindi ganon, okay!?" Agad kong sabi. Itong si mama, kung anu-ano ang iniisip!
"May pinagdadaan po kasi si Charles, ma. He needed a friend last night. Kawawa naman po kasi sya lang mag-isa. Hope you understand." Dugtong ko.
Napabuntong-hininga si mama, "okay nak, sabi mo eh. Ayaw ko lang na maagrabyado ka sa huli, naiintindihan mo?"
Niyakap ko sya, "huwag kang mag-alala ma, alam ko po kung kailan titigil. Just trust me, pwede po ba?"
"Okay, anak." Sagot naman ni mama.
*Knock! Knock! Knock!*
"Ako na po!" Biglang sigaw ni Sam, at pumunta sa pinto.
/Charles/
"Charles? Kailangan mo?" Sabi ni Sam nang buksan nya ang pinto, halata pa rin ang pagka-badtrip sa akin.
"Andyan ba si Niña?" Tanong ko.
Tinignan lang ako ni Sam, head to foot. Nailang ako konti, aalis sana ako nang maisip na bakit ako matatakot? I have good intentions to Niña kaya walang masama sa paglapit sa kanya, "look, I know you're dissapointed, pero Sam, hindi na mauulit yun. Gusto kong bumawi kay Niña, okay? Give me another chance. And also I need your help."
Hindi agad sya sumagot, nakatingin lang sa akin. After like a minute, ngumiti nalang sya bigla, "sige na nga. Anong tulong ba kailangan mo?" Tanong ne'to.
"You know how to cook diba?"
"Ipagluluto mo ang pinsan ko?" Excited na tanong ni Sam. Sa wakas, hindi na sya galit sa akin.
"Yes, I will." Sagot ko.
"Okay! Let's get it on!" Sabi nya, "Nins, andito si Charles!" Dugtong nya at hinila ako papasok ng apartment nila.
"M-magandang u-umaga po sa i-inyo," nauutal kong sabi nang makita ang mama ni Niña.
Grabe, ang seryoso naman nya. Katakot. Nafi-feel ko na parang ayaw nya sa presensya ko.
"C-Charles?" Takang sabi ni Niña, smiling at me.
Nakita ko lang ngiti nya eh naging okay at panatag na ako. Hinga ng malalim Charles, kaya mo'to. Focus ka lang kung paano ka makakabawi kay Niña, and the rest will follow. Tiwala lang sa kagwapuhan mo!
Lumapit si Niña sa akin, "napadalaw ka?" Tanong ne'to.
Napakamot ako ng ulo, hindi ko alam ang sasabihin sa kanya, nahihiya pa rin ako sa nangyari kagabi, "a-ah tumawag sa akin si Kuya Jay, mamaya may rehearsal daw sa simbahan."
"Ganon ba, okay sige. Anong oras ba?" Tanong nya ulit.
"After lunch pa naman." Tumango naman sya, at mukhang nag-aantay na may sabihin pa ako, kaya sinunggaban ko na, "and aayain sana kita sa apartment ko? M-maybe we can practice for your audition?" Nahihiya kong tanong.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
Fiksi PenggemarSometimes it's hard to figure out where you're supposed to be or what you want to do with your life. But along the way you will meet someone that could help you. And maybe, just maybe, they're the one who will change your life forever. All rights re...