Chapter Twenty Two

384 13 3
                                        

/Charles/

"Teka, steady lang kasi.." sabi ko nang ayusin ang camera. Niña's making her audition video, and I'm helping out.

"Makaka-steady ba ako kung grabe na ang kaba ko?" Bigla nya namang sagot.

"Ba't ka kinakabahan? It's just the two of us here.." sabi ko, and that's when I realized that we were literally alone in my apartment.

"Basta, kinakabahan ako.. period.." sagot ne'to at patuloy pa rin sa paggalaw.

Lumapit ako sa kanya, yung sobrang lapit dahilan para tumigil sya sa kakagalaw, "sige ka.. kapag hindi ka nag-stayput, hahalikan talaga kita."

Bigla naman nyang tinakpan ang kanyang mga labi, at umiwas ng tingin. Napatawa ako ng malakas, "minsan talaga assuming ka ano?"

Hinampas nya ako ng malakas, "alam mo ikaw, hindi ka nakakatulong!"

Napakamot nalang ako sa balikat dahil sa sakit ng hampas nya. Bigat talaga ng kamay ng babaeng to.

"Oh sige hindi na. Pero huwag ka na din kabahan, please? Ako na magsasabi sa'yo.. you got this. Okay?" Ulit ko sa kanya.

And she's just looking at me, yung tingin na alam mong malalim ang iniisip. And I looked back at her. Napangiti ako, and then slowly, she's smiling too.

Hinawakan nya ang kamay ko, "thank you, bub. Lagi mong pinapatibay ang loob ko." Sabi ne'to.

"Syempre naman, ikaw pa ba? I'll be always be here for you, bub." Sagot ko.

"Okay, ready na ako!" Masaya nyang sabi.

And then she started to sing. Tumingin ako sa camera, and focused it to her. Kahit sa camera, nangingibabaw talaga ang ganda nya.

"Teka lang.." bigla kong sabi. Nagulat naman sya, "bakit? May mali ba ako? Taka nyang tanong.

Umiling ako, "just want to say that.. you're so beautiful, and I love you."

I think I caught her off guard kasi hindi sya nakasagot and she's like frozen to her seat. Hindi ko mapigilang hindi matawa, "sorry kung nabigla kita. I have this thing na kapag may gustong-gusto akong sabihin, I really need to let it out. And you're worth every words I say out loud."

Tumayo sya at lumapit sa akin, "alam mo bang never akong nawawalan ng mga sabihin.. not until you came."

She smiled at me at hinawakan ang kamay ko, "ikaw ang unang taong nagparamdam sa akin ng ganito, and I can't find the words to say how much you mean to me." She squeezed my hand, "sorry kung hindi ako nakakasagot agad.. pero sana malaman mo na you always makes my heart skip a beat. And I think that's the same when you say you love someone."

I smiled at her too, "yes, I think so too.."

/Niña/

"Pinsan, samahan mo naman ako.." biglang sulpot ni Sam na akala mo eh may-ari ng apartment.

"Saan naman?" Tanong ko habang nililigpit namin ni Charles ang mga gamit.

"May bibilhin lang ako sa mall, at kailangan ko ng say mo.." sagot ne'to.

"Okay, sige.." tinignan ko si Charles, "bub, gusto mo sumama?" Tanong ko.

Bago pa man makasagot si Charles  eh sumingit si Sam, "teka.. bub? Anong bub?" Taka nyang tanong.

Nararamdaman kong namumula ang aking mga pisngi, hindi agad ako nakasagot kaya si Charles na ang nagsalita, "bubby.. bub for short. Tawagan namin." At napangiti sya, at nagpatuloy sa pagliligpit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon