Chapter Three

652 26 5
                                        

A/N: kung may nababasa kayong lyrics, try nyong pakinggan ito while reading, promise, mas nakakakilig. Wala lang, based on experience haha. Enjoy reading!

/Charles/

"Opo, alam ko na po okay? Kaya chill lang po kayo dyan ma. I'm all good. Besides andito naman si Uncle Rex to guide me." Sagot ko kay mama. As usual, nagpapanic nanaman sya.. asking me if I'm okay, kung kaya ko ba talaga, etc.. typical pinoy mother. What to expect..

After I end the call, bigla akong napalingon sa may tugtog.. lumapit ako sa kabilang kwarto and then I realized, kela Niña pala ito.

What if we rewrite the stars?
Say you were made to be mine
Nothing could keep us apart

Wow, ang ganda pala ng boses nya, that caught me by surprise. And looking at her, alam kong nag-eenjoy sya. Oblivious with the world outside, being herself.. and I can't help it, napangiti ako.

You'd be the one I was meant to find
It's up to you
And it's up to me
No one can say what we get to be
So why don't we rewrite the stars?
Maybe the world could be ours, tonight

"Maganda ba ang view?" Nagulat ako nang biglang may nagsalita, "Ako nga pala si Samantha, pinsan ni Niña. And you are?"

"A-ah C-Charles." Sabi ko, napalunok ako bigla.

Napatawa sya, "huwag kang mag-alala, hindi ako nangangagat.. sagutin mo tanong ko."

"Anong tanong?" Taka kong tanong.

"Kung maganda ba ang view?" Nakangiti nyang sabi. "Pero no pressure Charles, hindi ko na aalamin."

"What are you talking about?" Shit, Charles, huwag kang magbu-blush.

"Okay, here's the deal, kunwari biglang sumama ang pakiramdam ko at hindi ko sya masasamahan sa lakad nya, at dyan ka na papasok Charles, sasamahan mo sya." Tuloy-tuloy na salita nya na akala mo eh nagpaplano ng tactics sa isang basketball game.

"A-ah, H-hindi ko maintindihan?" Anong trip ng babaeng to?

Tinignan nya ako ng diretso sa mata, "gusto mo ba ng tulong o hindi?"

I was caught off guard, "a-ah eh, kasi.."

Napatawa sya, "okay lang yan Charles, I know how you feel.. kaya focus na tayo sa plano, game ka ba?"

"Teka naman kasi Samantha," sabi ko sabay punas ng aking pawis sa noo. Ibang klase din tong pinsan nya eh.. walang preno-preno.. prangka kung prangka..

"So you think na may gusto ako kay Niña? At boto ka sa akin for her kaya here you are helping me? Is this what it's all about?"

Akmang susuntukin nya ako kaya bigla akong napaatras, "ginigigil mo ako eh! Oo o hindi lang naman kailangan kong sagot.. dami mong sinabi, sobra ka pa sa chicks eh!"

"Okay! Okay! Jusko naman, hayaan mo munang iprocess ko ang lahat, pwede ba? Nagmamadali?"

"So ano? Game ka ba sa plano ko?" Tanong ulit ne'to.

I don't know what's going on pero I guess destiny's finding its way right? And who am I to ignore it.. besides, I really want to get to know her.

"Okay, let's do this." Sagot ko at napatingin ulit sa kanya. Hindi ko alam kung saan patungo to, pero handa akong gawin ang lahat mapalapit lang sa kanya.

/Niña/

"Pero Sam, you promised me!" Tampo kong sabi sa kanya nang sabihin ne'to na hindi nya ako masasamahan kasi masama raw pakiramdam nya.

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon