Chapter Eighteen

311 14 5
                                        

/Charles/

Halos tumakbo na kami habang papunta sa kwarto ni Mark. All this time, naka'y Niña lang ang atensyon ko. She looked so worried. I shake my head, tsaka mo na isipin ang pag-amin Charles, ang importante sa ngayon si Mark.

"Kuya Jay! What happened!?" Alala kong tanong.

Lumapit bigla si Kuya sa akin at niyakap ako tsaka sya naiyak, "si Mark... Charles, si Mark.."

"Pwede ba kaming pumasok?" Tanong ni Niña.

Umiling si Kuya Jay, "malala ang kondisyon nya ngayon. Pwede nyo lamang syang tingnan sa may pinto. Limited muna ang mga bisita ngayon."

"How is he kuya?" Tanong ko ulit.

Kuya Jay looked at me and shook his head at lalong napaiyak. So it only means na hindi talaga mabuti ang kalagayan nya. Naninikip ang dibdib ko. Ang hirap. Gusto ko nalang tumakbo at tumakas.. kani-kanina lang eh okay naman ang lahat. Bakit sumabay pa to?

Biglang lumabas ng kwarto ang mama ni Mark, "Jay, yung kapatid mo..." sabi nya habang humahagulgol.

"Bakit ma?" Tanong ni Kuya Jay.

"He's resisting the meds na binibigay ng nurse. Pagod na pagod na daw sya. Wala na rin daw saysay ang buhay nya. Habang tumatakbo ang oras eh lalong lumalala ang kondisyon nya kapag hindi agad nainom ang gamot! Gusto nya lang daw makita si Niña, and I don't even know that person!" At nagpatuloy ito sa pag-iyak.

"N-Niña?" Ulit ni Kuya Jay, at napatingin ito sa kanya. "Ma, ito po si Niña.." lumapit ito sa kanya.

Napatingin naman ang mama ni Mark kay Niña, nilapitan ito, "iha, totoo ba ang sinabi ni Jay?" Tanong ne'to.

Tumango naman si Niña at lumapit kay Tita, "can you help us? I'll talk to the doctor na kung pwede papasukin ka sa loob. Please convince Mark na lumaban pa, huwag pang sumuko. Can you iha?"

Nakatingin lang ako sa kanila. I don't know what to say. Sobrang masakit ang nakikita ko ngayon. Maya-maya ay pumayag si Niña na pumasok at ang doctor naman ni Mark ay pumayag din.

Nang masigurado na pwede nang pumasok si Niña ay tinignan nya ako, I faked a smile at her at sinabi na dito lang ako. Pumasok na sya sa loob. Lumapit ako sa may pinto and there I saw Mark, sobrang lala na talaga ng kalagayan nya. May tubo na nakalagay sa may ilong nya. Sobrang payat na ne'to. Ang putla nya at kitang-kita na wala na syang lakas. Parang ilang araw pa lang ang nakaraan eh okay naman sya.

Ang mga sumunod na nangyari ay hindi na kinakaya ng puso ko. Para bang himala na um-okay ng konti ang lagay ni Mark nang makita nya si Niña. Umupo ito sa tabi ni Mark, holding his hand at hinahaplos ang buhok ne'to. Then out of nowhere, I saw the two of them smiling at each other. Grabe, ang sakit pala. Yung gustong-gusto mong lumaban, pero mali. May masasaktan.

~~~~~~~~~~~~

Nakaidlip ata ako sa may bench kasi nagising ako nang may umalog sa akin. And it was Niña.

"Huy," mahinang sabi ne'to, "sorry at naghintay ka.."

I smiled at her, "okay lang yun. How's mark?" Tanong ko.

"Critical pa rin pero medyo um-okay naman ng konti ang kalagayan nya. Need pa rin i-monitor 24/7." Sagot ne'to.

Tumayo ako, "tara? Hatid na kita pauwi?" Tanong ko.

Hindi agad sya sumagot, para bang nag-iisip, then finally sabi nya, "I think dito lang muna ako.. baka hanapin ulit ako ni Mark."

Sapul sa puso. Para akong sinampal. Masama na kung masama pero wala na sa loob ko ang mag-alala kay Mark. Masyado akong nasasaktan para isipin pa ang ibang tao. Sa totoo lang, pigil na pigil na ang luha ko. Tonight's supposed to be special for me, for Niña. But then I guess ako lang ang may pake.

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon