Chapter Seventeen

284 13 11
                                        

/Charles/

"Sam! Sam!" Sigaw ko nang makita syang lumabas ng apartment nila. Aba't halos tatlong oras na ata akong nag-aantay.

"Oh bakit?" Taka nyang tanong.

"Huwag kang tatawa, okay?" Seryoso kong sabi sa kanya, "I think I'm gonna tell Niña today that I love her."

Kuminang naman ang kanyang mga mata, "hala! Seryoso!? Oh my God Charles!" Sigaw ne'to.

"Ssssssssshhhhh!" Agad ko syang pinatahimik, "baka marinig ka! Okay, so I need another favor."

"Para sa pinsan ko, sige, ano yun?" Tanong naman nya.

Sinabi ko sa kanya ang plano ko. Abot tenga ang ngiti nya habang ini-explain ko sa kanya ang mga mangyayari.

"Sasama ako?" Tanong nya ulit.

"Aba syempre, siguradong hindi papayag yun kapag wala ka!" Sagot ko.

"Sige.. so haharanahin mo sya?" Tanong ne'to.

Pinipigilan kong ngumiti. Kung ano man ang outcome ne'to, bahala na si batman. Hindi ko na kayang itago pa kay Niña ang nararamdaman ko. I need to tell her what I'm feeling bago pa sumabog puso ko.

"You'll see.." Sagot ko naman.

"Ay bongga! May pa you'll see ka pang nalalaman ha! Sana meron ding taong gagawa ne'to sa akin!"

"Darating din yan one day, all you need is patience and just believe." Sabi ko.

"I know.. so.. simulan na natin?" Tanong ni Sam.

"Game!" Masaya kong sagot.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Ma, okay lang po ako dito.. opo.. huwag kang mag-alala, hindi ko po pinapabayaan ang sarili ko. Yes ma.. ang babait po ng mga tao dito.. okay ma, ingat ka rin po dyan! Miss na miss na po kita! I love you po!" And I hung up. Itong si mama, pabigla-biglang tumatawag eh.

"Alam mo Charles, sobrang nakakapogi para sa aming mga babae ang mga lalakeng close sa kanilang mama." Biglang singit ni Sam.

I looked at her, "ganon ba?" Napatawa ako, "I didn't know that. Sadyang close lang kami ni Mama. Kaming dalawa nalang kasi, so as much as possible I need to protect and take care of her."

Nakatingin lang sa akin si Sam at napapa-iling, nagtaka naman ako, so I asked her, "bakit?"

"Wala lang, minsan kasi hindi ko maiwasang malungkot kapag nakakakita ako ng taong sobrang nagmamahal. Napapaisip tuloy ako, kailan kaya ako magiging ganito?" Sagot ne'to.

"Sa totoo lang Sam, itong nangyayari sa akin ngayon, hindi madali. Hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao, minsan kailangan mong masaktan muna bago maging masaya. And love is a choice, kaya dapat handa kang sumugal. Gets mo ako? Basta yun na yun.." sabi ko.

"Sabagay, ah basta! Tama na ang senti! Gawin na natin to!"

/Niña/

Nagising ako sa isang ingay. Bigla akong kinabahan. Sa panahon kasi ngayon, kahit tanghaling tapat eh nagagawa pang mag-akyatbahay ng mga masasamang tao. Tumayo ako at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kwarto ko.

Huminga ako ng malalim. Hay nako Niña, nag-ooverthink ka nanaman. Dumiretso ako ng kusina. Binuksan ko ang ref at nagulat ako nang may humawak sa balikat ko.

"Aaaaaaaaah!" Sigaw ko at nilingon kung sino ito. It was Sam.

"Ang oa naman ne'to!" Sambit nya, "ako lang to Niña! Huwag kang eksaherada! Ayan, kape pa!"

Rewrite The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon