/Niña/
"Huy Charles, okay ka lang ba talaga?" Alala kong tanong pagkarating namin ng apartment.
Ngumiti sya, "yes, I'm fine! Now go home, and sleep. Huwag mo akong alalahanin."
To be honest, amoy na amoy sa hininga nya ang beer. Ilan kaya ang nainom ne'to at nalasing ata? Medyo naiinis ako kasi he's not supposed to be drinking! Hindi umiinom ng beer ang Charles Kieron na kilala ko.
Napansin ko na pilit nyang binubuksan ang pinto pero hindi nya mapasok ang susi sa butas kaya agad ko itong kinuha at pinagbuksan na sya.
"Charles, ang bigat mo!" Sabi ko sabay buntong-hininga.
Namangha ako nang makapasok kami sa loob ng kanyang apartment. Grabe, makikita mo talaga ang hilig nya sa musika. Everywhere I look, there's music. Posters, Merchandises, CDs, name it! Makikita mo lahat.
Hiniga ko sya sa kanyang sofa bed, tinignan sya at hindi maiwasang maawa sa kanya. He's alone right now, kung kailan nasasaktan sya, and I feel so bad. Pero kailangan ko nang umuwi, paniguradong hinahanap na ako ni mama. Palabas na sana ako ng apartment nya nang bigla nya akong hawakan sa kamay, "Nins?" Mahina nyang sabi.
"Bakit?" Taka kong tanong.
"Can you stay at my place? Kahit ngayong gabi lang?" Sabi nya habang nakapikit. Epekto ba to ng kalasingan nya?
I was caught off guard. Hindi ako nakasagot at nakatingin lang sa kanya. He looked so peaceful. I asked myself, should I stay?
"Nins, please?" Bigla nanaman syang nagsalita, and this time he's looking straight into my eyes.
"A-ah Charles, gusto ko man na samahan ka pero I-I think it's a bad idea.. baka anong isipin ng tito mo, and baka hinahanap na ako ni ma-"
Say you'll never go
Say you'll never go out my way
Say you'll never go
For we can still go on and make it through
Just say you'll never go
Out of nowhere, bigla syang kumanta ng malakas. Bigla akong nanlamig! Juskolord, kainin na po sana ako ng lupa! Agad akong lumapit sa kanya ang tinakpan ang bibig ne'to.
"Okay, okay, okay! I'll stay! Jusko naman Charles!!!" Sabi ko at umupo sa tabi nya.
Napailing na lamang ako habang napangiti, pasalamat sya't maganda ang boses nya kundi baka nabatukan ko na sya.
Sinundan nya ako ng tingin habang nakangiti. Sarap kotongan ng mukha ne'to kapag nalasing! Panigurado akong wala na'tong maaalala bukas.
"Thank you for staying," bigla nyang sabi.
"Ikaw ba naman kantahan ng napakalakas sa kalagitnaan ng gabi, may magagawa ka ba?" Sagot ko naman.
And that made him laugh, kahit papano nawala din ang inis ko. It's good to see him finally laughing, alam kong temporary lang ang tawang yan pero atleast nakalimutan nya kahit sandali ang nangyari.
Bigla syang sumeryoso, "you know what Nins? Ever since dumating ka ulit sa buhay ko, days were better.. I'm more alive.. happy.. and I feel like everything's gonna be okay, basta andyan ka lang.." and then he smiled, looking me in the eyes.
Hindi ako naka-imik. I don't know what to react kasi alam kong lasing lang sya, na hindi nya rin naman maalala ang kanyang mga sinabi, and if I take it seriously, maho-hopia lang ako, and it'll be awkward between us. Ayaw kong mangyari yun.
I snorted, "epekto lang ng beer yan Charles!" Sabay tawa.
"Sana nga epekto lang ng beer to Nins, sana ganon lang talaga kadali.." agad nya namang sagot.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
FanfictionSometimes it's hard to figure out where you're supposed to be or what you want to do with your life. But along the way you will meet someone that could help you. And maybe, just maybe, they're the one who will change your life forever. All rights re...
