/Charles/
"Bro, ang ganda nya, seryoso!" Mahinang sabi ni Mark nang lumapit ulit sa akin.
"Yes she is, kaya chill ka lang dyan, para kang chicks." Pilit kong tawa.
Mahirap palang magkunwari na okay lang sa'yo, na kunwari masaya ka, pero deep inside, selos na selos ka. I used to be so cool when it comes to girls.. but this time is different. And I can't even show my feelings.. I mean, sino ba naman ako kay Niña? Siguro sa paningin nya isa lang akong bully na kaibigan, and it sucks.
Kakalimutan ko muna tong nararamdaman ko at nilapitan si Niña, "so the wedding is in a week, kaya kailangan mo nang magpractice at mamemorize ang kakantahin mo." Sabi ko sa kanya.
"In a week?" Ulit nya, "wow, malapit na pala.. thank you ha?" Sarcastic nyang sabi.
"You're welcome din po," sarcastic ko ring sagot.
She rolled her eyes at sumimangot, "hindi ko alam kung masasayahan o magagalit ako sa ginawa mo."
Napangiti lang ako, "I know, pero para din naman to sa'yo. Now, go practice.."
Bumuntong hininga sya, "yes, sir.."
Sinundan ko sya nang tingin habang papunta sya sa may gilid ng altar at binati ang makakasama nyang banda. I sighed.
Siguro hindi naman talaga ako nahuhulog sa kanya, baka infatuation lang to at lilipas din, I shouldn't be letting this get me, she's a friend and that's it. Kailangan kong tandaan to. Kasi itong nararamdaman ko ngayon, ito ang magiging dahilan para mag-away kami ni Mark. And worst, baka mawala nanaman si Niña sa buhay ko.
"Lalim ng iniisip mo ah," biglang sulpot ni Mark.
Napalingon ako sa kanya, "nag-aalala lang ako sa'yo.. seryoso kasi Mark, what happened?"
Sumeryoso ang mukha nya, "tong buto ko kasi, epal, binigyan ako ng cancer.. I was diagnosed with bone cancer last year.." napabuntong-hininga sya, "kaya hindi ko masabi sa'yo bro kasi ako mismo hindi ko matanggap. Ang hirap. Parang biglang gumuho ang mundo ko."
Napansin ko na nakatingin sya kay Niña, at ngumiti ito, "pero mukhang gumawa naman ng paraan si Lord na despite ganito ang sitwasyon ko, binigyan nya ako ng rason para lumaban."
Timing could not be worse, lumapit si Niña sa amin, "break daw muna kami." Sabi ne'to. Halata sa mukha nya na sobrang nag-eenjoy sya. And I looked at Mark, at hindi ko nanaman maiwasang magselos. Stop it Charles.
"Uh, nagugutom ba kayo? Tara hanap tayo ng meryenda sa labas ng simbahan, libre ko." Biglang sabi ni Mark.
"H-huwag na! Nakakahiya.." agad namang sagot ni Niña.
"O-oo nga, huwag na Mark," sagot ko naman. Ang totoo, ayaw ko lang makitang magkasama sila.
"Oo nga ka dyan! Ba naman Charles, matagal-tagal na din tayong hindi nakapag-bonding, pumayag ka na." Nilingon nya si Niña, "at ikaw, huwag ka nang mahiya.. mabait ako bilang kaibigan."
Tinignan ko ang magiging reaction ni Niña. And she smiled at him. Kita ko ang sincerity ng ngiti nya kay Mark, ngiting hindi ko nakita kapag ako ang kausap nya.
"Sige na nga," sagot ne'to at sumunod kay Mark.
/Niña/
Nakasunod lang ako sa kaibigan ni Charles. Hindi ko maiwasang maawa sa kanya. Ang hirap siguro ng sitwasyon nya ngayon. Hamakin mo, at a very young age, magkakaroon ka ng ganyang sakit. Kapag ako siguro ang ganyan, gumuho na ang mundo ko at magkukulong nalang sa bahay. Pero sya, kitang-kita ang saya sa mga mata. Excited para sa kasal ng kuya nya. Willing to cooperate para magkaroon sila ng perfect wedding.

BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars
FanfictionSometimes it's hard to figure out where you're supposed to be or what you want to do with your life. But along the way you will meet someone that could help you. And maybe, just maybe, they're the one who will change your life forever. All rights re...