Napasimangot si Marge nang pagpasok niya sa dining room ay nakita si Tristan na kumakain ng almusal kasama ang kaniyang pamilya. Ang aga-aga.....nandito na naman ang tukmol na ito.....paniguradong sisirain na naman nito ang araw niya.Agad na napangiti si Tristan ng makita siya at agad tumayo upang ipaghila siya ng upuan................of course sa tabi pa nito talaga. At ang Mama at Papa naman niya ay napangiti pa sa ginawi ng lalaking ito...............ang kakambal niya......ayon walang pagbabago........walang pakialam na patuloy lang sa pagkain.
"Good morning babe..........kain ka na"
Sinimangutan lang ni Marge si Tristan at naupo na.
"Ang aga-aga pa nandito ka na agad........ang yaman-yaman mo, dito ka lagi nakikialmusal......."
"Margareth......", saway ng Mama niya na nagpasimangot lang lalo kay Marge.
Si Tristan naman ay napangiti lang.
"Mas masarap kasing magluto si Tita kaysa sa cook namin sa bahay", anitong kinindatan ang Mama niya.
"Hmmmppppp........", irap ni Marge dito bago binalingan ang ina.
"Ma.........dapat sinisingil mo na ang lalaking ito ng share sa pamalengke".
"Ano ka ba naman Margareth........mahiya ka nga kay Tristan..........hijo huwag mong pansinin iyang si Marge.......kumain ka lang"
Pinanlisikan ng mata ni Margareth si Tristan na ngumisi lang. Pahamak talaga ang lalaking ito..............siya pa tuloy ang napagsabihan.
Nakasimangot na umabot ng pagkain si Margareth habang nag-iisip ng paraan kung paano makakaganti sa katabi. Lihim siyang napangiti nang may naisip.
Pasimpleng kinuha ni Margareth ang baso niya ng orange juice at uminom bago ibinaba uli iyon. This time malapit sa kaniyang siko............alam na niya kung paano makakabawi sa kulugong lalaking ito. Bihis na ito............naka-puting polo at tie na..............ibig sabihin papasok na ito sa opisina...................pero paano kung bigla itong mabuhusan ng juice........
Umabot ng toast si Marge at pasimpleng sinagi ang baso................at tulad ng inaasahan...............buwahahaha...........
"Oh........shit..........shit........", mabilis na tumayo si Tristan habang pinupunasan ang natapunang polo.
"Opssss sorry", labas sa ilong na wika ni Marge.
"Ano ka ba naman Margareth, hindi ka nag-iingat..........", sita ng Mama nila.
Ang Papa naman ni Margareth ay agad tumawag ng maid upang walisin ang bubog at linisin ang juice sa sahig.
Si Ryder.........seryosong nakatingin lang kay Marge.............nag-iwas ng tingin si Marge sa kakambal, mukhang alam nito ang ginawa niya.
"Naku Tristan......pasensiya ka na kay Margareth........hindi kasi nag-iingat eh"
"It's okay Tita..........it's just a shirt", anitong binalingan siya.
"Are you hurt?", tanong nitong tumalungko at tiningnan ang binti niya.........may mga tumalsik kasing bubog nang bumagsak ang baso.
Napalunok si Marge nang makita ang genuine na pag-aalala sa mga mata ni Tristan. Tumikhim siya at iniiwas ang binti sa kamay nito...........bakit ba siya nakakramdam ng guilt..........
BINABASA MO ANG
COFFEE LAND : MARGARETH (Ang Kahera)
RomanceOne coffee shop, four friends and their journey to love.... I'm Margareth Jade Cavanaugh, beautiful, rich, sexy, witty....lahat na ng adjectives pwedeng ikabit sa akin. Maliban pa diyan, isa akong kilalang designer, here and even sa ibang ban...