Chapter 17: embarassed

266 4 1
                                    

Tuwang-tuwang inilibot ni Marge ang tingin sa paligid. Naroon sila sa Teddy Bear Museum, ang unang destinasyon nila sa Jeju. Dahil unang araw pa lang naman nila sa paglilibot, inuna nila ang malalapit sa hotel nila. Isa na nga dito ay ang kinaroroonan nila ngayon.

Kahit saan ka tumingin ay puro teddy bear, iba't-ibang laki at nanggaling sa iba't-ibang lugar. Kahit na sino ay tiyak na matutuwa kahit ano pa ang edad kapag nakarating sa lugar na ito. Anyone will be amazed by the thousands of bears on display that will surely bring out the child in you.

"Ang ganda", humahangang wika ni Marge habang nililibot ng tingin ang paligid.

"You seem to be enjoying yourself babe", naaliw na wika ni Tristan na nasa tabi lang niya at nakikitingin sa tinitingnan niya.

"This one here is painstakingly handcrafted and it is exquisitely made. Just look at the handiwork, halatang pinaghirapan", ani Marge na nilapitan ang isa sa mga nakadisplay na teddy bear.

"They have all kinds of teddy bear here. I think the smallest teddy bear can be found here", Tristan said while looking around.

"They're just so pretty", ani Marge na nagsimula na namang mag-ikot.

"Oh.....look over there....", ani Marge na nagmamadaling lumapit sa nakakuha ng atensiyon nito.

Si Tristan ay amused na sumunod lamang dito. He's happy na natutuwa si Marge sa paglilibot sa museum na ito. Mukhang natutuwa ito sa mga nakikita. He made a mental note to buy her a very huge teddy bear pagbalik nilang Pilipinas.

"Tristan, this one looks like Monalisa", Marge said breathlessly.

"They all look the same to me", natatawang sabi ni Tristan.

"Hmmmppp..... hindi kaya", nakaingos na sagot ni Marge.

Tumawa lang si Tristan at inakbayan si Marge habang patuloy sila sa pag-iikot.



"I'm glad that you're enjoying yourself. So after this, where do you want to go next?", tanong ni Tristan nang makalabas na sila ng museum.

"Mount Hallasan?"

"That would be for tomorrow babe. Right after we eat, saan ang sunod nating pupuntahan?,  nakangiting tanong ni Tristan.

"I don't know, but I read something about this controversial park here in Jeju...", hesitant na wika ni Marge.

Mukha namang nakuha agad ni Tristan ang ibig niyang tukuyin dahil agad na kumislap ang kapilyuhan sa mga mata nito.

"You mean, the famous Jeju Loveland?", nakangising wika nito. Kitang-kita ang kapilyuhan sa mukha nito na nagpapula kay Marge. Ramdam niya ang pag-iinit ng kaniyang mga pisngi dulot ng tingin ni Tristan.

"Curious lang naman ako", agad na depensa ni Marge na nag-iwas ng tingin. Ang Jeju Loveland kasi ay ang sikat na park kung saan ang mga makikita ay mga sculpture na puro patungkol sa sex. It is a park intended for matured people and most especially for lovers because of all the erotic things in there.

Napahalakhak si Tristan sa reaksiyon ni Marge kaya naman hinapit niya ito palapit sa kaniya at tumatawang isinubsob ang mukha sa leeg nito.

"Wala naman akong sinasabi babe.....ikaw naman defensive ka na agad".

"Don't think anything about it.....nandito na rin lang tayo sa Jeju, gusto kong puntahan lahat ng sikat na pasyalan dito", ani Marge na tinampal si Tristan sa balikat.

"Pakawalan mo nga akong lalaki ka", aniyang kumawala mula sa pagkakayakap nito.

"High blood ka na naman babe, ang totoo gusto ko ring pumunta doon, naunahan mo lang akong mag-aya and besides, nahihiya akong yayain ka sa ganoong lugar, baka isipin mo pang binabastos kita. But since, you're the one who asked, I guess it's okay".

"Hmmmppppp..... baka kung anong kapilyuhan ang iniisip mo", nagdududang wika ni Marge sabay tingin kay Tristan.

"Hala! Inosente ako babe. Gaya mo, curious lang din ako"

"Inosente.....never na mag-a-apply sa iyo ang salitang iyan", nakairap na wika ni Marge na ikinatawa lang lalo ni Tristan.

"May mga statue daw doon ng iba't-ibang sex positions, sigurado kang gusto mong pumunta?"

"I'm old enough for that stuff", determinadong wika ni Marge.

"Okay, if you say so", naaliw na sagot ni Tristan.

"Don't tell me, I didn't warn you"

"No, I won't. Ikaw yata ang hindi sigurado", naghahamong wika ni Marge.

"Babe, I'm sure I'm not the one who's virgin here", nakangising sagot ni Tristan.

Naniningkit ang mga matang tiningnan ni Marge si Tristan, malinaw na nakalarawan sa mukha nito ang amusement. Inirapan lang ito ni Marge at nagpatiuna ng naglakad patungong bus stop.




Nakahalukipkip si Marge habang matalim na tinititigan si Tristan na halos matumba na sa kakatawa habang sapo-sapo ang tiyan.  Naroon sila sa bus stop at naghihintay ng bus na magdadala sa kanila sa Yeomiji Botanical Garden.

"Aray naman babe", angal ni Tristan habang hinahaplos ang brasong kinurot ni Marge.

Hindi na nakapagpigil si Marge sa pagtatawa nito sa reaksiyon niya sa mga nakita sa Jeju Loveland, kaya naman kinurot niya ito upang tumigil na sa kakatawa.

"Magtigil ka ngang lalaki ka, hindi ka na nakakatuwa. Sa nakakaeskandalo naman talaga ang mga nanduon", nakasimangot na sagot ni Marge.

"Your look back there is priceless. You could have seen your face, it's redder than a tomato babe.....I did warn you about what you'll likely to see there".

"Oo na.......magtigil ka na nga"

Hindi niya kinaya ang mga nakadisplay sa park kaya naman wala pa silang sampung minuto ay nag-aya na siyang umalis. Kaya naman ang kasama niya ay kanina pa pinagtritripan ang pamumula ng kaniyang mukha dahil sa mga nakita at sa katotohanang hindi niya kinayang ikutin ang buong park.

"Oh babe, you're so cute. Kung hindi ko lang alam na naiilang ka sa mga nakikita mo, iisipin kong may napakataas kang lagnat sa sobrang pula ng mukha mo."

"That place is so erotic......it's no place for innocents", nakasimangot na wika ni Marge.

"I think it's educational".

"I don't think, you need more lesson.....", mahinang wika ni Marge ngunit narinig pa rin ni Tristan na muling nagpahalakhak dito.

"I'll take that as a compliment. Anyway, at least, masasabi mong napuntahan mo once in your life, di ba?", ani Tristan na inakbayan na siya.

"One of my unforgettable experience for sure", napapangiti ng sagot ni Marge.

"Don't worry, wholesome na itong susunod na pupuntahan natin. There's nothing more wholesome that a garden full of flowers, is there? No more male body parts anywhere you look", nakangising wika ni Tristan.

"Tristan"

"Yes babe?"

"Stop!"

"Pikon ka na naman babe, ikaw....."

"Don't start again...."

"Sige na nga, baka tuluyan ka ng magalit sa akin"

"Mabuti naman nahalata mo. Malapit na kitang layasan kapag hindi mo pa ako tinantanan."

"Ang init na naman ng dugo mo sa akin. Halika na nga at baka sakaling gumanda ang mood mo sa pupuntahan natin", anitong inalalayan na siyang sumakay sa humintong bus.

COFFEE LAND : MARGARETH (Ang Kahera)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon