Galit na galit si Tristan sa ginawa ng ama, ngunit sa halip na komprontahin agad ito tungkol sa interview ay inuna niya munang puntahan si Margareth. Gusto muna niyang makatiyak na maayos ang nobya. Alam niyang nasaktan ito sa ginawa ng ama, kahit pa alam nitong walang katotohanan ang mga sinabi nito. Still, the fact that his father denied knowing anything about him and Marge will surely hurt her. Liban pa sa tila pagpapalabas nito na isa lamang si Marge sa mga babaeng nali-link sa kaniya.
"I'm sorry about that interview", aniya nang makalapit dito. Hinila niya ito at niyakap ng mahigpit.
"Paano mo nalaman?"
"Lenard called me. You know it's all a lie right?", aniyang naniniguro.
Tumango si Marge at bahagya itong nginitian.
"What do you plan to do about this?", tanong ni Ryder sa kaibigan.
"I have to settle this with my father once and for all. Hindi na ako makakapayag na gumawa na naman siya ng hakbang para ipitin ako."
"Tristan", tawag ng daddy ni Marge. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ang magulang ng girlfriend.
"I'm sorry Tito, I'll fix this", nahihiyang hinging paumanhin niya.
Marahang tumango ang daddy ni Marge at nginitian naman siya ng mommy nito.
"I know you, alam kong mahal mo si Marge, but you have to settle whatever problem you have with your father, otherwise maiipit si Marge at masasaktan. I asked you not to hurt my daughter, but you are hurting her now", her father said sternly.
"I know Tito, and I'm sorry. I swear, aayusin ko po ito".
Nakakaunawa namang tumango ang mga magulang nito. Muli niyang hinarap si Marge.
"Pupuntahan ko lang si Papa, we need to talk and I also want him to talk to someone. Nang malaman ko ang tungkol sa interview, agad kong kinontak ang taong ito at pinakiusapang magpunta sa bahay. Naghihintay na siya sa akin sa harap ng bahay. After this, everything will be fine, I promise", aniyang masuyong tinitigan ang kasintahan.
"Who?", mahinang tanong ni Marge.
"Tommy's real father", bahagyang may ngiting sagot niya sa kasintahan.
Narinig ni Ryder ang sagot niya kaya napabaling ito sa kaniya.
"That man?", tanong niya kay Tristan.
"Yes, luckily mabilis kumilos ang PI na nirekomenda ni Lenard. He was able to track him down and get a DNA test between the two. Mabuti na lang at nakikipag-cooperate din siya. Itinatago kasi ni Suzette ang anak niya sa kaniya.", paliwanag ni Tristan.
"I would like to see that woman's face once her scheme is revealed", Ryder said with a smirk.
"Unfortunately bro, ako lang ang makakakita. Ayaw ko ng madamay si Marge kaya ako lang ang haharap sa kanila. My father seems so sure of his scheme that he also called me, ordering me to go home. Pag-uusapan daw namin ang kasal. He even took the initiative to invite that woman to stay at the house. Kaya nakatitiyak akong nasa bahay si Suzette. That would make everything easier, I guess".
"Are you sure, ikaw lang mag-isa ang kakausap sa kanila?", nag-aalalang turan ni Marge.
"Don't worry babe, everything will be okay. Pupuntahan kita mamaya, when all these shenanigans are over", he assured her.
He kissed her on the forehead before leaving. He just raised his hand when Ryder wished him luck. This time, he will settle everything with his father. Kung pagkatapos nito ay itatakwil pa rin siya nito dahil sa pagsuway rito ay okay lang sa kaniya. At least nakatitiyak na siyang, hahayaan na siya nito at ni Marge sa pagkakataong ito. Hindi naman siya nag-aalala, dahil sa kabila ng sinabi ng ama, lingid sa kaalaman nito ay malaki na ang ipon niya, idagdag pa ang bago nilang negosyo nina Ryder at Lenard. Kaya niyang buhayin si Marge at ang magiging anak nila kahit di pa ito magtrabaho habang buhay. Hindi ito maghihirap sa piling niya. He can give her the lavish life that she's used to.
Determinado ang mga hakbang na pumasok si Tristan sa loob ng bahay nila. Siya na munang mag-isa ang pumasok sa loob. Ang taong kasama niya ay naghihintay muna sa labas. Mamaya ito magpapakita kapag nagmatigas pa rin si Suzette at i-deny ang findings ng PI.
"So, you still have sense left in you at sumunod ka rin sa sinabi ko", bungad ng ama sa kaniya.
"I'm not here to discuss any wedding Pa. I'm here for another reason", seryosong sagot ni Tristan.
"Are you really going to blemish my name by making a liar out of me", mataas ang boses na wika nito.
"That's your fault Pa, after all you really did lie. Everything you said in that interview are all nonsense, all a lie. Pati si Margareth, idinamay niyo pa".
"You!", galit na wika nito.
"I will not let you destroy my name. I already made a public announcement, do it or I will really disown you", banta nito.
"I don't care anymore Pa. You can have your money for all I care. Maybe you think that I don't have a money of my own, pero nakakalimutan mo yatang maliban sa suweldo ko sa kompanya na pinagtrabahuhan ko, I also earn big as a model. And I know, you knew that I have a business venture with my friends".
"That's nothing with what you'll lost"
"Maybe, pero hindi ako maghihirap. "
"Paano ang pamangkin mo?", singit ni Suzette na kasunod ng ama niya kanina. "Hindi ko siya ipapaampon sa inyo at ilalayo ko siya. Wala kayong karapatan sa kaniya, and I swear himdi ko na siya ipapakita sa inyo", nakahalukipkip na banta nito.
"Gawin mo ang gusto mo", Tristan glared at her.
"Alam niyo ang kondisyon ko Pa. Kung buhay si Tommy, ibibigay niya ang lahat sa anak niya. Titiyakin niya na bahagi kami ng anak ko ng pamilyang ito. Sisiguraduhin niya na makukuha ng anak ko ang nararapat sa kaniya", anitong bumaling sa ama ni Tristan.
"Don't worry Suzette, ikakasal kayo. Magiging legal na Montefalco si Tommy"
Bahaw na napatawa si Tristan na umani ng masamang tingin mula kay Suzette.
"Bilib din naman ako sa iyo no Suzette, pinaninindigan mo talagang anak ni kuya si Tommy".
"Dahil iyon ang totoo"
"Really?", sarkastikong sagot ni Tristan.
"Oo, si Tommy ang ama ng anak ko. Nakakalimutan mo yatang, dapat ay ikakasal na kami bago siya mamatay"
"Yes, bago siya mamatay dahil sa kagagawan mo", puno ng galit na baling ni Tristan dito. At least, Suzette blanched a little ng makita ang galit niya.
"Ano bang pinagsasasabi mo, naaksidente si Tommy, ano naman ang kinalaman ko doon"
"He met an accident because he was not in his right mind at the time because of rage. He was so angry while driving because he caught you cheating on him"
"Anong kalokohan na naman ba iyan?", anitong umiwas ng tingin.
"Ano na naman ba ito Tristan?", galit na tanong ng Papa niya.
"That woman Pa is a scheming bitch, she cheated on my brother pagkatapos ay ipapaako niya ang anak ng ibang lalaki kay kuya. Wala naman na nga si Kuya para ibisto siya kaya pinaniwala niya tayo sa kasinungalingan niya"
"Hindi ko alam ang sinasabi mo", ani Suzette.
"Kung ganun, Hindi mo rin ba kilala si Jonathan Delgado?", naghahamong tanong ni Tristan.
----------------------------------------
BINABASA MO ANG
COFFEE LAND : MARGARETH (Ang Kahera)
RomanceOne coffee shop, four friends and their journey to love.... I'm Margareth Jade Cavanaugh, beautiful, rich, sexy, witty....lahat na ng adjectives pwedeng ikabit sa akin. Maliban pa diyan, isa akong kilalang designer, here and even sa ibang ban...