Chapter 26 : Fair

238 4 1
                                    

Maagang gumising si Marge, gusto niya kasing samantalahing maglakad-lakad sa tabing dagat habang hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw. Pangalawang araw nila ni Tristan sa Batangas.  Itinuloy na nila ang bakasyon nila pagkatapos ng kasal ni Jenneth at ng kapatid niya. Ang buong akala niya ay kung saang malayong lugar na naman siya dadalhin ng lalaki. Naisip pa nga niyang baka sa ibang bansa uli, kaya nagulat talaga siya nang sabihin nitong sa Batangas ang punta nila. Nakabili  pala ito ng resthouse sa Batangas at iyon ang nais nitong ipakita sa kaniya.

Nang tanungin niya ito kung bakit ngayon lang nito nabanggit ang pagkakaroon ng sariling beach house sa Batangas  sa kabila ng ilang taon na nitong pag-aari iyon ay sumagot lang ito na hindi  pa raw kasi dumating ang tamang panahon na ipakita nito iyon sa kaniya. Gusto raw nitong ipagmalaki iyon sa kaniya sa panahong hindi na niya iisiping nagyayabang lang ito. Well, tama naman ito sa bagay na iyon.

Ang isa pa raw rason ay dahil nga private property nito iyon, wala silang kasama doon maliban sa katiwala nito. Baka daw hindi siya makapagpigil at gahasain niya ito na umani nang sandamakmak na kurot mula sa kaniya.

Naabutan niya sa kusina si Manang Glory, ang kasambahay ni Tristan at tinanong niya kung gising na ba ang lalaki. Aayain niya sana ito sa dalampasigan, ngunit ayon sa matanda ay umalis daw ang lalaki at nagpuntang bayan.  Napakibit-balikat na lang siya, marahil ay may binili lang ito sa bayan. Although nagtataka siya kung ano ang sadya nito sa pag-alis. Ang alam niya ay fully stocked ang bahay since nag-abiso ito ng pagdating nila at kung sakali mang may kailangan ito, maaari naman nito iyong iutos na lang.

Since, there's nothing she can do about it, siya na lang mag-isa ang mamasyal sa tabing-dagat. Sinabihan siya ni Manag Glory na mag-almusal muna, ngunit tumanggi siya at nagsabing pagbalik na lang niya. Hindi naman siya masyadong magtatagal.

Tahimik na nakatayo si Marge habang nilalaro ng alon ang mga paa niya. Pinagmamasdan niya ang payapang dagat. Maganda ang lokasyon ng beach house ni Tristan, pino ang buhanginan na medyo may kaputian. Since pribado ang beach front at medyo may kalayuan sa ibang resort, malinis  ang paligid. Ang tanging natatanaw niya di kalayuan ay tila mga residente lang sa lugar na iyon at hindi mga turista.

May natanaw siyang pinagkakaguluhan ng mga tao di kalayuan sa kinatatayuan niya. Naglakad siya palapit sa mga nagkukulumpulang mga tao, naku-curious kasi siya sa pinagkakaguluhan ng mga ito. Nang makalapit ay nakita niyang mga bagong hangong lamang dagat pala ang mga iyon. Nang dumating sila kahapon ay sea foods na ang inihanda ng katiwala ni Tristan sa kanila, pero sa kabila niyon ay natakam pa rin siya nang makita ang mga iyon.

Sayang at hindi siya nakapagdala ng pera, ipapahatid na lang siguro niya sa resthouse at ipapakuha na rin doon ang bayad. Pero bago pa siya tuluyang makalapit ay may tumawag na sa pangalan niya. Nang lumingon siya ay ang tumatakbong si Tristan ang nakita niya. Paglapit nito ay  agad itong umakbay sa kaniya at ngumiti habang medyo hinihingal pa.

"Sabi ni Manang, nasa tabing-dagat ka daw kaya ako sumunod".

"Saan ka ba galing?"

"May inasikaso lang ako saglit, may gusto ka ba sa mga huli ni Manong?", anitong hinila siya palapit.

Nang makapili sila sa mga huli ng mangingisda ay  nakisuyo sila kung maaring ihatid na lang sa resthouse upang makuha na rin ang bayad doon ay pumayag naman ito. Kilala pala nito ang katiwala ni Tristan. Sinabing ihahatid na lang nito ang mga binili nila pagkatapos nitong pagbilhan ang mga nakapaligid dito, nangako naman itong sisiguraduhing maihahatid ang pinili nila at hindi maipagbibili sa iba.

Hindi na muna sila bumalik sa bahay agad at naglakad-lakad muna.

"Sabi ni Manang, hindi ka pa raw nagbe-breakfast. Let's go back babe, mainit na rin at nagugutom na ako, hindi pa rin ako kumakain".

"Ang aga mo kasing maglakwatsa".

"Sumaglit lang ako sa bayan, may binili lang. Ikaw talaga babe, saglit lang ako mawala sa paningin mo, nami-miss mo na agad ako".

"Yan diyan ka magaling, if I know may kinatagpo ka lang diyan sa kung saan-saan", nakataas ang kilay na wika niya.

"Ikaw talaga babe, wala kang tiwala sa akin. Alam mong patay na patay ako sa iyo. Umorder lang kami ni Manong Pilo ng mga materyales para doon sa aayusing bakod, napansin ko kasi kahapon na medyo gumuho iyong isang parte sa may  east side. Nabangga daw pala ng umatras na truck kahapon bago tayo dumating, naunahan ko lang tanungin si Manong bago niya masabi sa akin", paliwanag nito.

"Bakit, ang aga naman?".

"Para makabalik ako agad at hindi mabawasan ang oras ng bakasyon natin. This is supposed to be our vacation, I don't want to spend it overseeing some repairs", nakangiting paliwanag nito.

Umingos lang si Marge, sweet talaga ang mokong, kahit malakas mang-asar.

"Aayain sana kita ng lunch sa Antonio's since malapit lang ang Tagaytay rito pero  mukhang mas trip mo yong mga seafoods na pinili mo".

"We could go there tomorrow", aniyang nilingon ito.m

"Yeah, I guess, so what do you want to do today?"

"Hmmm, I don't know."

"Gusto mo bang mag-swimming uli?"

"Wala akong planong magpaitim. Pwede siguro kung maagang-maaga or mamayang hapon".

"Gusto mong mag-ikot sa bayan. I saw a fair sa plaza on my way home, would you like to take a look?"

"I'm thinking more of just lazing around and watch a movie", ani Marge.

"Babe, you can do that in Manila. Let's go to the fair, I'm actually curious kung anong meron".

"Ikaw lalaki, gusto mo talagang maggala no?"

"Come on babe, pagbigyan mo na ako. Let's go to the fair after lunch, okay?", ani Tristan na nagpapa-cute pa.

"Ang init-init kaya!", reklamo ni Marge.

"Sige na please".

"Oo na, oo na. Kapag ako hindi nag-enjoy diyan, ipapasyal mo akong Japan. I'd really love to go there during Sakura season".

"Iyon lang pala, mag-enjoy ka man o hindi, we'll go to Japan to see all that trees", pangako ni Tristan.

"Sagot mo!"

"Kailan ba hindi?", natatawang sagot ni Tristan. "Halika na nga, kumain na tayo. Naamoy ko na yong kape na ginagawa ni Manang", anitong hinila na siya sa kusina.

Gaya nga ng napagkasunduan nila, pagkapananghalian ay nagpunta silang plaza. Taliwas naman sa inaasahan ni Marge, kahit na mainit ang panahon, nag-enjoy naman siya sa pag-iikot. Inikot niya lahat ng booths, mula sa iba't-ibang local products galing sa iba-ibang lugar sa bansa at sa mga iba't-ibang pagkain. Sa katunayan nga ay umorder siya ng hinabing tela na gawang sagada mula sa isa sa mga traders na nadoon. Tinawagan niya ang assistant niya upang ito na ang bahalang umayos ng order niya at sa delivery noon sa shop niya. Gagamitin niya iyon sa susunod na collection niya.

"Maybe, I should visit Sagada para tumingin pa ng mga native products nila for my next design. Sasama siguro ako kay Jenneth sa susunod na punta niya sa coffee farm nila", aniya habang nag-iikot pa sila.

"Bakit mo pa hihintayin ang sunod na punta ni Jenneth doon. Bagong kasal iyon, baka matagalan pang magpunta iyon ng bundok. We can just go there if you like", suhestiyon ni Tristan.

"Di naman marami ang free time mo sa lagay na iyan".

"Huwag mong problemahin ang oras ko, for you, I have all the time", anitong inakbayan siya".

"You and your flattery", nakasimangot na sagot niya. Kinurot lang ni Tristan ang pisngi niya at iginiya na siya sa iba pang booth na nagkalat sa plaza.

--------------------------------------------

COFFEE LAND : MARGARETH (Ang Kahera)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon