"So...................hindi na pala nagpaligoy-ligoy pa ang kakambal ko. Kasal agad ang inalok sa iyo", nanunuksong wika ni Marge kay Jenneth.Naroon silang apat sa cafe ngayon para sa kanilang bonding. Since umuulan at konti ang parokyano, doon sila sa dining area nakapuwesto sa halip na sa opisina. Kasalukuyan nga nilang ginigisa ang newly engaged na kaibigan.
"Bakit pa daw namin patatagalin, kung sigurado naman kami sa nararamdaman namin para sa isa't-isa", paliwanag ni Jenneth.
"Asus.............sabihin mo, atat lang kayong dalawa..............", tukso ni Marge.
"Inggit lang yan Neth..........inunahan niyo kasi sila ni Tristan", singit ni Chantal.
"At bakit naman napasok sa usapan ang pangit na iyon?", nakasimangot na baling ni Marge kay Chantal.
"At bakit hindi?", nakataas ang kilay na sagot ni Chantal.
"May nabalitaan kaming kaganapan dito noong isang araw", patuloy ni Chantal.
"Anong balita naman iyan....", tanong ni Marge na nag-iwas ng tingin.
Mukhang naidaldal na ng mga staff nila na maghapong nasa cafe si Tristan at hindi sila nag-away maghapon. In fairness, nag-enjoy siya sa company nito ng buong araw. Tawa siya ng tawa sa mga hirit nito at nag-effort talaga itong hindi siya asarin maghapon.
Hindi sumagot ang tatlo at nang tingnan niya ay nakatingin ang mga ito sa kaniya at may nanunuksong ngiti sa mga labi.
"Bakit ganiyan kayo makatingin?", tanong ni Marge sa tatlong kaibigan.
"Maghapon ka daw sinamahan ni Tristan dito sa cafe noong weekend", pananalakab ni Faith.
"So........", balewalang sagot ni Marge.
"Let me rephrase that..........maghapon ka niyang sinamahan at pumayag ka at hindi kayo nag-away buong araw", ani Faith.
"So.......", si Marge uli. Mabuti na ang umaktong balewala lang ang nagyari upang hindi na siya tuksuhin ng mga ito.
"So.....so......so ka diyan", si Chantal.
"Bago iyan..........hindi kayo nag-away maghapon?", tanong Jenneth.
"Nakipagkasundo ang loko....."
"Ows.........nakipagkasundong, paano?", usisa ng tatlo.
"Teka nga, bakit ba ako ang inuurirat niyo.........si Jenneth ang topic natin dito".
"Bilis umiwas sa topic ah......", tukso ni Chantal.
"Tigilan mo ako Chantal, kung hindi ko pa alam...............ikaw ang nagsabi kay Tristan kung saan ang date namin ni Damien".
"Uy......wala akong kinalaman diyan.........kung makapagbintang ka naman", kaila ni Chantal na nakangisi.
Halata namang nagsisinungaling ito, pero hindi na nagkomento si Marge. Kakampi kasi ni Tristan ang mga kaibigan. Tiwalang-tiwala ang mga ito sa pagmamahal daw nito sa kaniya.
"Kampi talaga kayo sa Tristan na iyon", nakasimangot na wika ni Marge.
"Ano ba ang ipinakain sa inyo ng impaktong iyon?", patuloy na pagmamaktol ni Marge.
"Speaking of the devil", si Faith na nakatingin sa pintuan ng cafe nila.
Nakita nilang papasok sina Ryder at Tristan nang tumingin sila sa tinitingnan ni Faith. Kahit medyo nabasa ng malakas na ulan sa labas ay mukha pa ring lumabas sa magazine ang itsura ng dalawa, lalo na si Tristan na magaling magdala sa sarili. Kaya nga ito sikat na modelo dahil sa galing nitong dalhin ang sarili.
BINABASA MO ANG
COFFEE LAND : MARGARETH (Ang Kahera)
RomanceOne coffee shop, four friends and their journey to love.... I'm Margareth Jade Cavanaugh, beautiful, rich, sexy, witty....lahat na ng adjectives pwedeng ikabit sa akin. Maliban pa diyan, isa akong kilalang designer, here and even sa ibang ban...