Chapter 12 : Temptation

206 3 1
                                    

"Palitan mo na muna kaya iyang shirt mo", ani Marge nang makasakay sila sa sasakyan ni Tristan.

"Ikaw babe ha......gusto mo lang yatang makita ang katawan ko. Pinagnanasaan mo na ba ako sa lagay na iyan?", tukso ni Tristan habang kinukuha ang spare shirt niya sa backseat.

"Lokong ito............bakit naman kita pagnanasaan..........may kanasa-nasa ba sa iyo?"

"Meron..........my gorgeous body", agad na sagot ni Tristan.

"Asan?", nakaismid na sagot ni Marge.

Napangisi si Tristan at  biglang may naisip na kalokohan. Mabilis na  hinubad nito ang t-shirt at ibinalandra ang katawan sa harapan ni Marge.

Hindi agad naiiwas ni Marge ang tingin at sa namumulang mukha ay hindi napigilang pasadahan ng tingin ang kabuuan ng upper torso ni Tristan. Hmmm.....tama nga siya.....all muscles........bato-bato ang katawan ng lalaking ito. God......save her from temptation........baka kung anong kamunduhan ang maisipan niyang gawin kung ganito kagandang katawan ang nakabalandra sa harap niya.

"Like what you're seeing?", tanong ni Tristan na may himig ng panunukso.

Tumikhim si Marge at nag-iwas ng tingin.

"Magdamit ka nga at baka malamigan ka, sipunin ka pa", paiwas niyang sagot.

"You're blushing babe......at bakit hindi ka makatingin sa akin. Aminin mo, you find me attractive".

"Umayos ka Tristan.........iiwanan kita dito", aniyang hindi pa rin tumitingin dito.

Ayaw niyang makita ang magandang katawan nito at baka ma-tempt na talaga siya. Mabuti na ang hindi nakatingin dito......iwas temptation.

"You may look now"

"Do you have your shirt on?"

"Yes babe, I'm decent enough.....you can look at me now", panunukso ni Tristan.

Nakasimangot na hinarap ito ni Marge.

"Umayos ka......", banta niya rito.

"Opo......ito na nga po, aayos na. Saan mo mo nga pala gustong mag-dinner?", tanong ni Tristan na ini-start na ang sasakyan.

"Sa bahay na tayo kumain, nagluto daw si Mama. Nagtext siya kanina".

"Okay........bilisan na nating umuwi kung ganun", nakangiting wika ni Tristan na pinatakbo na ang sasakyan.




Maaga pa lang ay nasa hotel na sila Marge na siyang venue ng fashion show. She have to be there early to make sure that everything goes on smoothly and without a hitch. Kanina pa siya paikot-ikot lalo na ng magdatingan na ang mga bisita.

The event is packed with well known people. Halos lahat ng taong kilala mula sa mundo ng fashion, politics and even showbiz, ay naroon sa fashion show niya. Kinakabahan siya kahit na matagal na siya sa fashion industry.

"Hey, you look stressed", pukaw ng tinig sa likuran niya. Naroon siya sa backstage at kasalukuyang sinisilip ang mga bisitang nagsisimula ng umupo. Ilang sandali na lang kasi ay magsisimula na ang show.

Napangiti si Marge nang mabosesan ang nagsalita. Nilingon niya si Tristan at pinasadahan ng tingin. Suot na nito ang isa sa mga creations niyang irarampa nito. It is an office attire at aaminin niyang bumagay rito ang suot. Again he is temptation personified, kahit na kapitapitagan ang hitsura nito sa suot. Ano ba iyan......mula nang makita niya itong nakahubad.......nahaluan na ng kamunduhan ang image nito sa kaniya.

COFFEE LAND : MARGARETH (Ang Kahera)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon