Humahangang pinagmamasdan ni Marge ang tanawin sa paligid ng Mt. Hallasan nang maramdaman niyang lumapit si Tristan sa kaniya. Marahil ay tapos na itong kumuha ng mga larawan.
"The view here is breathtaking", Marge said reverently.
"Yes, it is", mahinang sagot ni Tristan sa sinabi niya na nakapagpalingon sa kaniya rito. Ngunit sa halip na sa paligid nakatingin ay sa kaniya nakatutok ang mga mata nito nang sabihin ang mga katagang iyon.
Agad na nag-init ang pisngi ni Marge sa matiim na titig ng lalaki kaya inirapan na lang niya ito.
"Hindi ka naman nakatingin sa view", nakaingos na wika ni Marge.
"I have the most beautiful view right here beside me, why should I look somewhere else?", sagot naman ng lalaki na ayaw mang aminin ni Marge ay nagpakilig sa kaniya.
"Nambola ka na naman".
"Of course not, nagsasabi ako ng totoo", mabilis na depensa ni Tristan.
"Hmmmppp.......ewan ko sa iyo"
Marahang siyang hinawakan ni Tristan sa mga balikat at ipinihit paharap dito.
"Look at me", seyosong sabi nito at hinuli ang kaniyang mga mata.
Matiim na nakatitig sa kaniya ang lalaki na nagpabilis ng tibok ng puso ni Marge. Tila ba nahihipnotismo siya ng titig nito at hindi niya maialis ang mga mata sa pagkakatitig ni Tristan sa kaniya.
" Tell me babe, mukha ba akong nambobola?"
Marahang napailing si Marge nang makita ang kaseryosohan sa mukha ng lalaki. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin dito kaya kitang-kita niya ang pagliwanag ng mukha nito at pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Tristan. Ayaw man niyang aminin ngunit ang puso niya ay nagre-react sa mga kilos ng lalaki. Mukhang hindi na nga yata niya mapipigilan, nahulog na nga ng tuluyan ang puso niya sa lalaki.
"I'm glad you believe me babe. For me, you are the most beautiful thing I've ever seen. Please believe me that I will always speak of the truth and will never patronize you", seyosong pahayag ni Tristan sa kaniya. Makikita ang sinseridad sa tinuran nito na tila ba nanunumpa ito ng pangako panghabambuhay.
"Thank you", sincere na sagot ni Marge sa kabila ng lakas at tibok ng kaniyang puso.
Magkahinang pa rin ang kanilang mga mata at wala silang pakialam sa mga tao sa kanilang paligid. Afterall, sila man ay may kaniya-kaniya ring mundo. Karamihan kasi sa mga naroon ngayon sa tuktok ng bundok ay magkakapareha at iilan lamang ang hindi.
Unti-unting bumaba ang mukha ni Tristan palapit sa kaniya. Alam niyang nasa isang publikong lugar sila ngunit wala na siyang pakialam. Right at that moment, silang dalawa lang ni Tristan ang nag-e-exist. Ipinikit ni Marge ang kaniyang mga mata at hinintay ang paglapat ng labi ni Tristan sa kaniyang mga labi.
Ngunit sa halip na sa kaniyang mga labi ay sa noo siya nito hinalikan at saka siya ikinulong ng mahigpit sa mga bisig nito at isinubsob ang mukha sa kaniyang buhok.
"I hope we are somewhere else private", marahang bulong ni Tristan kay Marge habang yakap ito at napabuntong hininga.
"I really want to kiss you, but not here where we'll be watched by many people", paungol na litanya niya habang nakabaon pa in ang mukha sa buhok ni Marge. Narinig niya ang bahagyang pagtawa ni Marge kaya inilayo niya ito sa katawan niya upang makita ang mukha nito.
"Wait till we have some privacy", nagbabantang sabi ni Tristan nang makita ang naaliw na ngiti ni Marge.
Tumaas ang kilay ni Marge sa sinabi ni Tristan at sumilay ang nanunuksong ngiti sa mga labi nito.
BINABASA MO ANG
COFFEE LAND : MARGARETH (Ang Kahera)
RomansaOne coffee shop, four friends and their journey to love.... I'm Margareth Jade Cavanaugh, beautiful, rich, sexy, witty....lahat na ng adjectives pwedeng ikabit sa akin. Maliban pa diyan, isa akong kilalang designer, here and even sa ibang ban...