Habang busy sa rehearsal sina Tristan ay abala naman sila Marge sa pag-aayos sa venue. Kanina pa siya paroo't parito kasama ang mga staff niya kaya naman pagod na pagod na sila.Sumalampak ng upo sa sahig si Marge, pagod na pagod na siya..............kailangan na niyang magpahinga.
"Here"
"Thanks" , pasasalamat ni Marge bago tiningala si Tristan na siyang nag-abot ng tubig sa kaniya.
"Mukhang pagod na pagod ka na. Pwede mo namang ipaubaya iyan sa mga staff mo", ani Tristan na umupo sa tabi niya.
Sabay silang tumingin sa ibang mga models nasa stage pa.
"Bakit ka nandito, di ba dapat nandoon ka?", nguso ni Marge sa stage.
"Wala ka talagang bilib sa akin babe, hindi ako kailangang tutukan ng husto katulad ng mga iyan".
"Mayabang......"
Ngumisi lang si Tristan. Maya-maya ay tumayo ito at inilahad ang kamay sa kaniya.
"Punta muna tayong cafe niyo.........nagugutom na ako".
"Tumatakas ka sa rehearsal niyo......", seryosong wika ni Marge ngunit inabot naman ang kamay ni Tristan at nagpahila rito patayo.
"Saglit lang naman tayo ..........we both need a break. Malapit na rin naman ang lunch time".
"Hmmmpppppp......saglit at magbibilin lang ako", ani Marge na nilapitan na ang mga staff niya.
Si Tristan naman ay lumapit sa runway organizer nila at nagpaalam. Agad naman siyang pinayagan nito dahil hindi siya sakit ng ulo. Kaya nang matapos nagbilin si Marge ay umalis na sila.
"Bago to ah.........magkasama kayo!", ani Jenneth na dinatnan nila sa cafe kasama ang kakambal ni Marge.
"Galing kaming rehearsal.............magla-lunch lang kami", paliwanag ni Marge.
Naupo na sila ni Tristan sa mesang kinuupuan ng dalawa.
"O bro, kailan pa nagkaroon ng kiddie drinks dito sa cafe?", tanong ni Tristan ng nakangisi.
Kasalukuyan kasing sumisipsip ng chuckie si Ryder.
Napasimangot si Marge nang mapansing may tatlong tetra na, na wala ng laman.
"Di ba kuya, may hangover ka.......ang alam ko kape ang makakatulong sa iyo at hindi choco drink", segunda ni Marge.
"Saka pag nasobrahan ka na naman ng matamis, hirap ka na namang matulog mamaya kaya tigilan mo na iyan", sermon pa niya sa kapatid.
"Shut up you two", seryosong sagot ni Ryder na inilayo ang isa pang tetra pack kay Marge.
Napailing na lang si Marge at tinawag si Miles.
"Choco Java frap please Miles at saka carbonara.............ikaw?", tanong ni Marge na bumaling kay Tristan.
"Caramel macchiato, spaghetti and tuna turnover please", nakangiting sagot nito.
Habang hinihintay ang pagkain nila ay binalingan ni Marge ang kaibigan.
"Kunin mo na 'yong gown mo for your engagement party sa shop. Tapos ko na, i-fit mo na rin para kung may kailangang i-adjust magawa na"
BINABASA MO ANG
COFFEE LAND : MARGARETH (Ang Kahera)
RomanceOne coffee shop, four friends and their journey to love.... I'm Margareth Jade Cavanaugh, beautiful, rich, sexy, witty....lahat na ng adjectives pwedeng ikabit sa akin. Maliban pa diyan, isa akong kilalang designer, here and even sa ibang ban...