Naiinis na itinapon ni Marge ang papel kung saan siya gumuguhit ng bagong design para sa bagong clothing line na ilalabas niya. Pero kanina pa siya gumagawa ng iba-ibang sketch ay wala siyang magustuhan................she only have a month to present the newest line of Margareth Creations................ang kaniyang negosyo.Naiinis na inilabas niya ang laptop niya.................manonood na nga lang muna siya ng anime............Baka sakaling ma-relax ang utak niya at makaisip siya ng mga bagong designs. Binuksan niya ang folder kung saan naka-save ang mga anime na paborito niyang panoorin.
"Hmmmm........Kaichouwa Maid Sama.........na-miss ko ito........maulit nga uli", bulong ni Marge sa sarili.
Mahilig talaga siyang manood ng anime mula pa noong bata siya. Hanggang paglaki at ngayon nga ay may sarili na siyang negosyo pero hindi language rin nawawala ang pagka-hook niya sa anime.
Mas trip pa nga niya ang mga ito kaysa sa kung ano-anong drama na ipinapalabas sa TV.
"Makagawa nga ng bagong uniform ng mga staff namin sa café", nakangiting wika ni Marge na pinause saglit ang pinapanood at mabilis na iginuhit ang design na hawig sa uniform nina Misaki sa maid latte.........gumawa din siya ng butler custome......para terno.
Nang matapos ang sketch ay tinawag niya ang assistant at sinabihan itong dalhin iyon sa production nila. Alam na ng assistant ang gagawin......ito na ang bahala sa mga kailangang measurement at kung ilan ang gagawin.
Sanay na ang mga tauhan niya sa mga topak niya kaya hindi na nagugulat ang mga ito sa mga ipinapagawa niya at mga trip niya sa buhay.
Maid custome ang bagong uniform ng mga staff nila sa Coffee Land, ang cafe na itinayo nilang apat na magkakaibigan.
"Iyan ba ang 2018 collections mo?", tanong ng kaibigang si Chantal nang maupo ito sa harap niya.
Nakita nito ang sketch na ginagawa niya. Napangiti si Marge nang makita ang kaibigan sa maid uniform nito.
Naroon siya sa cafe, hindi para magduty kundi para tumambay at tapusin ang mga designs na ilalabas niya. Nare-relax kasi siya at gumagana ang creative juices niya kapag nasa cafe siya.
"Bagay sa iyo........", aniyang itinuro ang suot ni Chantal na nagsisilbing waitress ngayon.
"Tinopak ka na naman at ang uniform dito ang napag-tripan mo", nakasimangot na sagot ni Chantal.
Sa kanilang apat ay tanging si Faith lamang ang nakakaligtas sa pagsusuot ng mga uniform na gawa niya...............kaya ang madalas na magreklamo sa kaniya ay sina Jenneth at Chantal.
"Maganda naman ah......"
"Oo......para kaming anime", nakaismid na sagot ni Chantal.
"Ang cute niyo nga eh", nakangising wika niya.
"Balik tayo sa tanong ko...........yan ba ang bagong collection?"
"Yup", aniyang itinuloy ang ginagawa.
"Kailan mo yan ire-release?"
"Next month..........ikaw ang photographer ha"
"Aba dapat lang ano..............kaibigan mo ako.............alangan namang sa iba mo pa ipapagawa"
"Thank you.......", nakangiting sabi ni Marge.
"Kailan ang photo shoot?"
"In three weeks time............tapos na ang production team ko by that time"
"Itawag mo sa secretary ko..........Baka makalimutan ko"
"Napa-schedule ko na", matamis na ngumiti si Marge kay Chantal na umismid lang.
BINABASA MO ANG
COFFEE LAND : MARGARETH (Ang Kahera)
RomanceOne coffee shop, four friends and their journey to love.... I'm Margareth Jade Cavanaugh, beautiful, rich, sexy, witty....lahat na ng adjectives pwedeng ikabit sa akin. Maliban pa diyan, isa akong kilalang designer, here and even sa ibang ban...