"Pinuntahan ako ni Tito Ed sa cafe kanina", ani Marge pagkasakay na pagkasakay niya sa sasakyan ni Tristan. Sinundo siya nito mula sa mall kung saan sila dumiretsong magkakaibigan mula sa cafe.
Kitang-kita niya ang pagtiim-bagang ni Tristan sa kaniyang sinabi.
"I'm sorry babe, I'll talk to him".
"Wala din namang mangyayari unless you can convince him na kalimutan na ang plano niya. Ano na ba ang nangyari sa pagpapaimbestiga mo?"
"Nakipag-usap na ako sa bagong PI , iyong ni-recommend ni Lenard".
"What happened to the first one?"
" He got himself killed bago pa niya maibigay ang result sa akin. We're supposed to meet pagbalik natin, kaso naging komplikado at delikado ang isang kasong hawak niya".
"Kawawa naman".
"Yeah"
"Sa office nila, hindi ba niya naiwan ang result?"
"Mula ng tanggapin niya iyong new case that week kasabay ng pag alis natin, di pa siya nagrereport uli sa opisina nila. So no one new what happened sa pinaiimbestigahan ko."
"So how long bago may maghanap itong bagong PI?"
"He said he needed at least a week or two. May pressing case siyang hawak pero ineexpect niyang matapos iyon this week. So probably, by next week may result na"
"Well, wala naman tayong magagawa kundi maghintay. Siguro naman, hindi ka pa nagagawang maipakasal ni Tito Ed by that time".
"The hell babe, no matter what happened I will never allow that to happen", seryosong sagot ni Tristan na sinimangutan siya.
Napangiti naman si Marge at bahagya itong tinapik-tapik sa balikat upang marelax ang mahigpit na pagkakahawak nito sa manibela.
"Hey"
Hinuli lang ni Tristan ang kamay niya at hinalikan bago muling itinuon ang pansin sa pagmamaneho. Tahimik lang sila hanggang sa maihatid siya nito sa bahay nila.
"Pasok ka muna"
"Next time babe, I need to talk to my father. I'll call you later".
"Take it easy, okay".
"Don't worry. Sige na pumasok ka na".
Madilim ang mukhang pumasok si Tristan sa bahay nila. Agad niyang pinuntahan ang ama sa study nito upang kausapin.
"Bakit kailangan niyo pang kausapin si Marge? What do you think to accomplish by doing that?"
"I'm just warning her".
"Warning her! Ilang ulit ko bang uulitin Pa, hindi ko pakakasalan si Suzette".
"And I'm saying you have no choice on the matter".
"You're wrong, I do have a choice".
"Really Tristan", his father look at him mockingly.
"Ipagpapalit mo ba talaga ang kompanya at lahat ng karanyaang ito para kay Marge? She's used to being rich, kapag pinili mo siya, maibibigay mo pa rin ba ang nakasanayan na niyang buhay kung tatanggalin ko na sa iyo ang lahat ng ito?"
"I've told you already I don't care about your wealth. Go ahead, ibigay niyo lahat sa inaakala niyong apo niyo ang lahat ng ito, I will not even question the legality of it. But you can never make him a legal Montefalco, I will not permit it, not at my expense", aniya bago talikuran ang ama.
"Tristan, bumalik ka rito"
Hindi ito pinapansin ni Tristan na tuloy tuloy lang lumabas ng study ng ama"
![](https://img.wattpad.com/cover/148085143-288-k693813.jpg)
BINABASA MO ANG
COFFEE LAND : MARGARETH (Ang Kahera)
RomanceOne coffee shop, four friends and their journey to love.... I'm Margareth Jade Cavanaugh, beautiful, rich, sexy, witty....lahat na ng adjectives pwedeng ikabit sa akin. Maliban pa diyan, isa akong kilalang designer, here and even sa ibang ban...