"Di ba okay na kayong mag-ama, bakit nandito ka na naman at nakikialmusal?", nakataas ang kilay na tanong ni Marge nang datnan si Tristan sa kusina.
"Marge, ano ka ba. Di ka na nahiya", saway ng mommy niya.
Ang magaling na lalaki naman ay tumawa lang at tumayo upang ipaghila siya ng upuan. Nakaingos na umupo siya sa upuan sa tabi nito.
"Good morning babe", bati nito saka siya hinalikan sa pisngi bago bumalik sa pagkakaupo.
"So bakit nga ang aga-aga, nandito ka? Dapat talaga My, sinisingil niyo na to eh".
"Ikaw talaga babe, wala pa rin akong ligtas sa iyo no. Buti na lang makapal ang mukha ko at alam kong love ako nina Tita, kaya kahit sungitan mo ko eh okay lang".
"Hmmmppp, sino namang nagsabing love ka nila, nanaginip ka na naman. Hindi ka nila love, di ka naman niya anak", pagtataray niya.
"Don't worry, malapit na"
Malakas na tumikhim si Ryder upang kunin ang atensiyon nila.
"Kung maglalambingan lang kayo, pwedeng sa labas na lang, baka di ako matunawan", seryosong wika nito na nakasimangot pa.
"Joke ba yan bro?"
"Hindi, seryoso ako"
"Naiinggit ka lang yata eh", nakangising wika ni Tristan.
"Of course not and besides if you are going to propose to my sister, can you at least do it in a more appropriate surrounding", poker face na sabi nito.
Natigilan naman si Tristan bago narealize ang sinabi ng kaibigan. Napatingin siya sa mga magulang ng kasintahan at nakita niya ang nagpipigil na ngiti ng mga ito.
Napatikhim siya at binalingan si Marge na nakataas ang kilay na nakatingin sa kaniya.
"Ahmmm", napapakamot sa ulong wika niya.
"So?", ani Ryder uli.
"I'm not proposing yet though I have every plan to, but not like this", nahihiyang sagot niya. Nagpaismid naman ang kaibigan at nalukot naman ang mukha ni Marge. Buwisit na Ryder to, panira ng diskarte.
Tumawa lang ang Daddy nila nang makita ang discomfort niya.
"Tama na nga iyan Ryder, let the poor man redeem himself sa harap ng kapatid mo".
His friend just smirk kaya naman pasimpleng sinipa niya ito na sinipa din siya pabalik.
"Kain ka na babe", aniyang binigyan na ng pagkain si Marge. Iningusan lang siya nito bago nagsimula ng kumain.
Plano naman talaga na niyang magpropose sa bakasyon nila sa susunod na buwan. Pagkatapos ng kasal ni Ryder, aalis agad sila ni Marge para sa bakasyon nila. Ang totoo, alam na ng buong pamilya nito ang plano niyang pagpo-propose dahil nagpaalam na siya kanina habang hindi pa bumababa si Marge, kaya nga medyo madulas siya sa pag sagot dito kanina na hindi naman pinalagpas ni Ryder. Kaya nga nangingiti na lang ang magulang ng mga ito at ang kaibigan naman ay nang-aasar ang ngiti.
Bago sila matapos kumain ay tumunog ang cellphone niya. Napangiti siya nang makitang iyon na ang hinihintay niya.
"Tito, pwede ba nating i-switch ang TV?", tanong niya. "There's something that I want you to see".
Nagtataka man ay pinabuksan ng ama ni Marge ang malaking TV sa dining room nila, sa channel na sinabi niya. Pagbukas ng tv ay patapos na ang report ng news anchor, pagkatapos niyon ay binanggit nito na may special news sila.
BINABASA MO ANG
COFFEE LAND : MARGARETH (Ang Kahera)
RomanceOne coffee shop, four friends and their journey to love.... I'm Margareth Jade Cavanaugh, beautiful, rich, sexy, witty....lahat na ng adjectives pwedeng ikabit sa akin. Maliban pa diyan, isa akong kilalang designer, here and even sa ibang ban...