Matapos makapagbihis ay sumampa si Marge sa kama niya at binuksan ang laptop niya, manonood muna nga siya ng anime since busog pa naman siya kaya mamaya na siguro siya magdi-dinner.Namimili siya ng anime na panonoorin nang tumunog ang cellphone niya. Nagtaka siya ng makitang si Tristan ang tumatawag.
"O napatawag ka?", agad na tanong ni Marge nang sagutin ang tawag nito.
"Busy ka?", tanong ni Tristan.
"Bakit?"
"Makikipagkuwentuhan lang sana.....", nananantiyang sabi ni Tristan.
"Hmmmmm, gusto mo lang yatang mang-asar"
"Hindi ah.......hindi pa kasi ako inaantok kaya naghahanap ako ng makakausap, that is kung hindi ako nakakaistorbo".
"Sus, nagpaliwanag ka pa"
"Seriously.........."
"So, ano naman ang pag-uusapan natin?", nakangiting tanong ni Marge.
Himala na hindi siya naiirita ngayon kay Tristan, sa halip ay tila natutuwa pa siya na tumawag ito.
Hindi puwede ito, nagsisimula na yatang makapasok si Tristan sa puso niya.
"Kahit na ano..........the truth is I just want to hear your voice".
Maririnig ang sincerity sa boses ni Tristan nang sinabi iyon at naramdaman ni Marge ang pagsikdo ng puso niya sa narinig.
"Mambobola ka lang yata"
"No.......honestly I just really want to hear your voice".
"Magkasama lang tayo kanina".
"I suddenly missed you.........your voice lightens up everything", ani Tristan.
Bakit sa pandinig ni Marge ay tila may bahid ng lungkot ang tinig nito.
"Nag-away na naman ba kayo ni Tito Ed?"
"Let's just say that, we will never get along well anymore"
"Tristan, he is your father..............imposibleng hindi na kayo magkakaayos. Mag-usap kayo ng maayos....."
"Huwag mo ng problemahin iyon. Let's talk about something else", pag-iwas ni Tristan sa tinatakbo ng usapan.
Hindi naman na nagpumilit si Marge nang matantong ayaw nitong pag-usapan ang sitwasyon nito sa ama.
Sa isip ay naghahagilap ng puwede nilang mapag-usapang dalawa.
"About that vacation in Siargao", simula ni Marge.
"Pumapayag ka na ba babe?"
"Tigilan mo na nga ang pagtawag sa akin ng babe.....ang tigas ng ulo mo"
"So babe.........payag ka na?", muling tanong ni Tristan na binalewala ang sinabi niya.
Napahilot na lang sa sentido niya si Marge.......ang kulit talaga........ang tigas ng ulo. Wala ng pag-asa ang lalaking ito.........hopeless case na kumbaga.
"Oo na, but not this month, busy pa ako. Isa pa engagement party nina kuya sa month-end"
"No problem babe, next month then, I'll have it arranged", pagsang-ayon ni Tristan.
"Bakit ba kasi, lagi na lang date ang hinihingi mong bayad. Kaya ko namang bayaran ang talent fee mo, mayaman kaya ako", nakataas ang kilay na sabi ni Marge kahit pa hindi siya nakikita ni Tristan.
Natawa si Tristan sa sinabi niya na nagpaismid lang sa kaniya.
"Hanggang ngayon ba naman babe, hindi mo pa rin alam ang sagot diyan?"
BINABASA MO ANG
COFFEE LAND : MARGARETH (Ang Kahera)
RomansOne coffee shop, four friends and their journey to love.... I'm Margareth Jade Cavanaugh, beautiful, rich, sexy, witty....lahat na ng adjectives pwedeng ikabit sa akin. Maliban pa diyan, isa akong kilalang designer, here and even sa ibang ban...