Maagang nagligpit ng mga gamit si Marge. Uuwi siya ng maaga ngayon, dahil may date siya kay Damien. Excited siya para sa date na ito kagabi pa, kaya naman na-tolerate niyang kasama si Tristan kagabi.Isa pa, halos hindi naman date ang ginawa nila ni Tristan kagabi..........mas interesado kasi silang panoorin ang kakambal niya at si Jenneth. Nahuli nila ang dalawa na nagde-date, nagkataong naroon ang mga ito sa restaurant kung saan siya dinala ni Tristan.
Nabaling ang atensiyon niya nang tumunog ang cellphone niya. Nang makitang si Chantal ang tumatawag ay agad niya iyong sinagot.
"Marge........"
Agad na inilayo ni Marge sa tenga ang cellphone dahil sa lakas ng boses ng kaibigan.
"Ano ba, mabibingi ako sa iyo.............."
"Ay sorry..........anyway, nag-email ako sa iyo. Iyong mga kuha kahapon, piliin mo na ang materials na gagamitin mo".
"Bukas ko na titingnan, may date ako ngayon".
"Aba.....himala.......hindi ka yata naiinis ngayon na magbayad kay Tristan".
"Bayad na ako kagabi........iba ang ka-date ko ngayon".
"Hoy babae......ikaw ha......lumalandi ka.......sino iyan?"
"Si Damien......."
"Iyong bokalistang iyon?"
"Yup............istorbo ka kaya.........nagre-ready na akong umuwi. You know, I need my beauty rest for later".
"Baka naman kung saan ka dalhin ng lalaking iyan..........hindi natin iyan kilala".
"Kung makapagduda naman ito..............mabait si Damien"
"Hindi pa rin natin siya kilala kaya wala pa rin akong tiwala sa kaniya. Saan kayo magde-date, mabuti na ang merong may alam kung saan kayo pupunta".
"Sus..........nagpapaka-mother hen ka na naman"
"Saan nga kayo magde-date?"
"Magkikita kami sa Louie's Kitchen, nabanggit ko kasing mahilig ako sa pasta......."
"Umuwi ka kaagad pagkatapos ng dinner niyo"
"Opo inay", natatawang sagot ni Marge sa kaibigan.
Naiintindihan naman niyang concern lang ito sa kaniya. Ganoon silang apat sa isa't-isa.
(Wala siyang kamuwang-muwang na naibenta na siya nito kay Tristan)"Make sure to take a look doon sa e-mail. Ihahabol kong tapusin iyan bago ako mag-Bali", bilin ni Chantal bago nagpaalam.
Naiiling na ibinaba ni Margareth ang cellphone niya. Ang mga kaibigan talaga niya, ang we-weird kung minsan. Well, pare-pareho lang naman sila, minsan matino, minsan may saltik sa utak.
Uuwi na nga siya at maghahanda sa date niya.
"Thanks Chantal, I owe you. Don't worry I'll make sure, Margareth won't know na ikaw ang nagsabi sa akin", ani Tristan sa kausap bago ibinaba ang phone
Tinawagan siya ni Chantal upang ipaalam kung saan ang date nina Marge at Damien. Wala pa naman siyang kailangang gawin ngayon kaya magtatrabaho na muna siya. Mamaya................ibang usapan na iyon. Hindi siya papayag na may umaaligid na ibang lalaki kay Margareth.
Tiyak na magagalit na naman sa kaniya si Margareth at mabubugbog na naman siya. Anyway, it's worth it............... at least, wala siyang karibal. Kailangang eksakto ang timing niya mamaya.................ayaw naman niyang masira ang image ni Margareth dahil sa kalokohan niya.

BINABASA MO ANG
COFFEE LAND : MARGARETH (Ang Kahera)
RomanceOne coffee shop, four friends and their journey to love.... I'm Margareth Jade Cavanaugh, beautiful, rich, sexy, witty....lahat na ng adjectives pwedeng ikabit sa akin. Maliban pa diyan, isa akong kilalang designer, here and even sa ibang ban...