Hindi agad nakahuma si Marge nang maramdaman ang pagdampi ng mga labi ni Tristan sa mga labi niya. Bago pa makapag-isip ay naramdaman niya ang paggalaw ng mga labi nito at bago niya mamalayan ay kusa ng pumikit ang kaniyang mga mata at nag-paubaya na siya sa halik na ipinagkakaloob ni Tristan sa kaniya.
Saglit lamang ang halik na iyon, pero nayanig yata ang mundo niya. Saglit yatang huminto sa pag-ikot ang mundo at naglaho ang lahat maliban sa halik na iyon. Nang lumayo ng bahagya si Tristan sa kaniya ay nagmulat ng mga mata si Marge at ang sumalubong sa paningin niya any ang nakangiting mukha ni Tristan. Marahan nitong hinahaplos ang kaniyang labi habang titig na titig pa rin sa kaniya.
"There, I think that settles that", Tristan said with a smug expression on his eyes.
Since, wala naman siyang maapuhap na isagot sa tinuran nito ay nag-iwas na lang siya ng tingin habang ramdam niya ang pag-iinit ng kaniyang pisngi. Dinampot na lang tuloy niya ang inumin niya sa mesa niya at iyon ang pinagdiskitahan. Bumalik naman na sa pagkakaupo si Tristan habang naaliw pa rin na nakatitig sa kaniya. Inirapan na lang niya ito dahil hindi pa rin nagpa-function ang utak niya. Dapat magalit siya sa ginawa ng lalaki, pero di niya makapa sa puso na gawin iyon. Deep in her heart, she wanted that kiss and she knew that Tristan also knew it for sure, that explains the still smug expression that he wore.
Ayaw na yata ni Marge lumabas ng hotel room niya. They are supposed to go shopping today, kaso hindi niya pa rin alam kung paano haharapin si Tristan. After that kiss last night, inubos lang niya ang drinks niya at nag-aya na siyang umakyat sa mga kuwarto nila. Hindi na niya inimik ang lalaki at sa awa ng Diyos, hindi nang-asar ang damuho.
Hindi rin siya pinatulog ng halik na iyon kaya ngayon ay nangangalumata siya dahil sa puyat. Buwisit kasing lalaki iyon, naghahalik na lang basta. Maliban pa sa naligalig siya sa halik na iyon ay napagtanto niyang tuluyan na ngang nakapasok sa puso niya si Tristan. Or mas tamang sabihing na-realize niyang matagal na pala niyang mahal si Tristan, na pilit lamang niyang tinatabunan ng inis ang nararamdaman niya sa lalaki. Paano niya ngayon haharapin ito?
Bumalik na lang kaya siya sa pagtulog at magkunwaring masakit ang ulo. Bahala si Tristan na mamasyal mag-isa. Babalik na sana siya sa pagkakahiga nang makarinig ng pagkatok sa pinto niya. Hindi niya iyon pinansin sa pag-asam na huminto ito sa pagkatok at umalis na lang. But Tristan would not be Tristan if he is not persistent.
"Babe, I know gising ka na, please open the door. Huwag ka ng magtago diyan, napaghahalataan ka tuloy na affected ka masyado sa halik ko", panunukso nito na agad nagpainit sa ulo niya. Bago pa niya namalayan ay nagdadabog na binuksan na niya ang pinto.
"Sa lahat naman ng lalaki, ikaw talaga ang pinaka-conceited", nakahalukipkip na bungad ni Marge sa natatawang si Tristan.
"Good morning babe", nakangising bati nito at pumasok na sa kuwarto niya.
"Labas", nakapamaywang sa sabi ni Marge habang nakatingin sa lalaki na prenteng nakaupo sa sofa na nasa kuwarto niya.
"I see you're already dressed. Let's have breakfast then mamasyal na tayo".
"Mamamasyal akong mag-isa", nakasimangot na sagot ni Marge.
"Are you running away from me babe?", nakataas ang kilay na tanong ni Tristan na tumayo na at lumapit sa kaniya.
Bago pa makahuma si Marge ay hinapit na siya ni Tristan palapit sa katawan nito. Itinukod ni Marge ang mga braso sa dibdib nito upang maglagay ng distansiya sa pagitan nila.
BINABASA MO ANG
COFFEE LAND : MARGARETH (Ang Kahera)
RomanceOne coffee shop, four friends and their journey to love.... I'm Margareth Jade Cavanaugh, beautiful, rich, sexy, witty....lahat na ng adjectives pwedeng ikabit sa akin. Maliban pa diyan, isa akong kilalang designer, here and even sa ibang ban...