Chapter 9: Drunk

228 5 1
                                    


Nakina Ryder uli si Tristan, mabuti na lang at walang date ang kaibigan kaya naaya niya itong makipag-inuman sa kaniya. Hindi naman lingid dito ang problema niya.

"Naipaliwanag mo na ba kay Tito na may iba kang gusto", tanong ni Ryder kay Tristan.

"I tried bro, but my father won't hear of it".

"What does he have against my sister?".

"Personally......wala. They actually like Marge.............but they badly wanted to have Tommy be a member of the family legally. Siguro kung sa ibang pagkakataon, they'd be ecstatic to have Marge for a daughter in law".

"Nakatitiyak na ba kayo na anak nga ng kuya mo Si Tommy?"

"Hanggang ngayon, ayaw pumayag ni Suzette na ipa-dna ang bata".

"Did you tell them about the man na nakita mong kayakap ni Suzette noong kamamatay ng kuya mo?".

"My father do not listen to anything I say na maaring makapagpalabas na hindi niya apo si Tommy. For him, Tommy is the extension of his beloved son........my late brother", madilim ang anyong sabi ni Tristan sabay tungga sa baso ng alak na hawak niya.

"Why don't you make your own investigation".

"I already contacted a private investigator the other day. I need to know, if Tommy is really a Montefalco".

"Matagal mo na sanang ginawa iyan", ani Ryder na napapailing.

"I know, but I don't want  my parents be disappointed kung sakaling hindi anak ni kuya si Tommy".

"But, what if he is a Montefalco, will you marry Suzette?"

"Hell no! You know I love your sister...........I will marry no one else,  but her".

"Then do something about it.........."

"I'm doing all I can, believe me.......this time.........I will not let my father dictate me on this matter".

"How about my sister, what do you plan to do with her?"

"This time, I'll court her properly.........seriously"

"Good, I hate to think that you're just fooling around with her".

"You know I'll never do that to Marge", seryosong wika ni Tristan.

Tumango lang si Ryder, alam naman niya ang totoong damdamin nito sa kakambal. Wala siyang dapat ipag-alala sa bagay na iyon. Since wala naman siyang magagawa sa problema nito,  dadamayan na lang niya sa pag-inom ang kaibigan. Naaawa siya rito, dahil sa sitwasyon nito sa sariling pamilya, pero laban ito ng kaibigan at ang tanging magagawa niya ay ang tulungan ito sa sandaling kailanganin nito ng tulong.



Maagang umuwi si Marge upang makapagpahinga, bukas kasi ay siguradong pagod sila para sa preparation ng fashion show para sa bagong collection niya. Rehearsal bukas at sa susunod na araw ay ang fashion show na.

Speaking of rehearsal, kanina pa siya nag-text kay Tristan upang i-remind ito sa rehearsal ngunit hindi pa ito nag-rereply. Nakakapagtaka dahil kadalasan ay sumasagot agad ito sa kaniya.

COFFEE LAND : MARGARETH (Ang Kahera)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon