Prologue

784 14 0
                                    


"Hoy, may crush ka ba sa kakambal ko?", tanong kay Tristan ng kaibigang si Ryder.

Agad na napalingon ang binatilyong si Tristan sa kaibigan mula sa pagtitig sa kapatid nitong si Margareth. Bagong lipat lang ang pamilya nila sa subdivision na iyon kung saan kapitbahay nila ang mga ito.

They became friends instantly kahit pa nuknukan ng sungit at suplado ni Ryder at mahal yata ang bayad sa ngiti nito dahil sa basketball........pareho silang mahilig magbasketball at nagpupunta sila sa clubhouse upang maglaro.

Namumulang binawi ni Tristan ang tingin mula sa kapatid nito. Naroon sila sa garden sa bahay nina Ryder at tanaw sa kinauupuan nila ang swing kung saan naroon si Margareth.

"Wala ah.......", agad na pagtanggi niya kay Ryder.

Mahirap na at baka magalit ka ang kaibigan sa kaniya kapag nalaman ang totoo na matagal na siyang may crush kay Margareth.

"Alam mo obvious na obvious ka......kanina pa kaya kita pinapanood sa pagtitig kay Marge.....magde-deny ka pa", seryosong sabi ni Ryder. As usual.....poker faced na naman ang kaibigan.

"Kasi.......", napapakamot sa ulong sabi ni Tristan.

"Save it..........masyado pa tayong mga bata nina Margareth.........saka na kapag nasa tamang edad na tayo at gusto mo pa rin siya.............lsaka mo sabihin sa akin"

"Hindi ka galit?"

"Basta huwag muna ngayon", babala ni Ryder.

"Pero puwedeng magpapansin?"

"Goodluck sa iyo", nakaismid na sabi ni Ryder.

"Makikita mo Ryder......papansinin din ako ng kapatid mo"

"Kung hindi mo sana siya binuhusan nung experiment mo sa klase......eh di hindi iyan galit na galit sa iyo"

"Aksidente yon bro....."

"Not on my sister's book........that stinky formula made you her most hated person"

"Papansinin din niya ako........makikita mo......."

"Sabi ko nga........goodluck!"

"Kuya, aalis ka?", tanong ni Tristan nang maabutan ang kuya  Tommy niyang pababa ng hagdan at bihis na bihis.

Idol niya ang kuya niyang ito......matalino kasi, mabait at mahal na mahal siya. Eight years ang pagitan nilang magkapatid.......akala ng parents niya hindi na masusundan ang kuya niya kaya naman sorpresa talaga sa mga magulang ang pagdating niya. Pero sa kabila ng agwat ng edad nila ay close silang magkapatid.

"Oo, dadalawin ko ang Ate Suzette mo", anitong tinutukoy ang girlfriend.

"Ganun ba, pwedeng humingi muna ng advice?"

Lumapit ang kuya niya sa kaniya at inakbayan siya habang naglalakad sila palabas ng bahay.

"Shoot....."

"Kuya.....paano magpapansin sa crush mo?"

Ginulo ng kuya niya ang buhok niya.......

"Napakabata mo pa.....crush na agad........"

"Crush lang naman.....sige na kuya........ang sungit kasi"

"Sino ba?"

"Secret........"

"Aba at marunong ka ng magsikreto ngayon"

"Kuya.......", angal ni Tristan.

"Una..........maligo ka.............Amoy pawis ka na......Huwag kang lalapit sa crush mo na mabantot........dapat lagi kang mabango".

Sumimangot lang si Tristan, kakatapos kasi nilang maglaro ng basketball ni Ryder.

"May option ka........puwedeng magpakabait ka sa kaniya or you can tease her in a nice way just to make an impression........I suggest you take the second option when it comes to Margareth", tumatawang sabi ng kuya niya na sumakay na sa motor nito.

Gulat na napatingin si Tristan sa kapatid. Natawa naman ito nang makita ang reaksiyon niya.

"Masyado kang obvious little brother", anitong ginulo uli ang buhok niya.

"Pumasok ka na sa loob at maligo......kapag nakita ka ni Mama, mapapagalitan ka na naman 'nun", anitong umalis na.

Kasalukuyan silang naghahapunan nang makatanggap ng tawag ang Papa ni Tristan mula sa isang pulis...

Ganun na lang ang gulat nila nang malamang naaksidente ang Kuya Tommy niya......ayon sa mga pulis......nabangga daw ito ng truck.......lasing daw ang driver nito at nawalan ng kontrol sa truck na minamaneho. Dead on the spot ang kuya niya.

Ganun na lamang ang labis na paghihinagpis ng buong pamilya nila sa sinapit ng kapatid. His brother is supposed to leave next week to take his Masteral sa US upang paghandaan ang pagmanage sa negosyo nila......pero ngayon lahat ng iyon ay naglaho bigla.

Malaki ang pagbabagong dulot ng aksidente sa kanilang pamilya.....lalo na sa Daddy niya. Kung noon ay okay lang dito kahit hindi magseryoso si Tristan......nagbago iyon nang mawala ang kuya niya. His father suddenly became strict and wanted him to follow his brother's footstep.......he wanted him to be like his brother........

Pero ang masakit......kahit anong pilit ni Tristan na pantayan ang kapatid......tila kulang pa rin para sa Papa niya...............kailan kaya mauunawaan ng ama niya na iba siya sa kuya Tommy niya.......

COFFEE LAND : MARGARETH (Ang Kahera)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon