Chapter 15 : I'm serious

219 4 1
                                    


Pinagmamasdan ni Marge ang kakambal at ang fiancée nito habang nagsasayaw at masaya siya sa nakikitang kaligayahan sa mukha ng dalawa. It's his brother's engagement party at kasalukuyang nagsasayaw ito at si Jenneth habang titig na titig sa isa't-isa. She heaved a sigh at nakangiting sumipsip ng champagne mula sa hawak na kopita.

She's happy that her brother and her friend found happiness in each other. They will be wed in two months time, though ma-mi-miss niya ang kakambal kapag umalis na lumipat na ito sa magiging bahay nito at ni Jenneth,  masaya siya na finally makakasama na nito ang babaeng matagal ng minamahal.

"They look so in love", ani Tristan na tumabi sa kaniya.

Nilingon ito ni Marge bago nakangiting muling ibinaling ang paningin kina Jenneth.

"Yes they are", nakangiting sagot niya.

"Akala ko, hindi na magkakalakas ng loob si Ryder na manligaw", maya-maya ay sabi ni Tristan.

"He will come around eventually. He's so inloved with Jenneth, that he is eventually bound to make a move".

"I envy your brother", mahinang wika ni Tristan.

Nagtatanong ang mga matang tumingin si Marge sa lalaki. Tumingin sa kaniya si Tristan at matipid na ngumiti.

"Mabuti pa siya, nakuha na ang babaeng gusto niya. Ako, hanggang ngayon hindi mo pa rin pinaniniwalaan".

Napipilan si Marge sa sinabi ni Tristan.

"Tristan...."

"I know.....kasalanan ko rin kung bakit hindi mo ako sineseryoso. Lagi kong idinadaan sa biro ang lahat. But this time, I want you to know that I'm serious about you Margareth........I always am", madamdaming pahayag ni Tristan.

Saglit na naghinang ang kanilang mga mata at malinaw na nakikita doon ni Marge ang katotohanan sa sinasabi nito.

"I......"

"Shhh.....", awat ni Tristan sa sasabihin ni Margareth.

"You don't need to say anything.......I just want you to know. And maybe, this time, if you'll let me........I want to court you properly".

"You will do that?"

"You don't know what I'm willing to do just to prove to you I'm serious about you......if you'll just give me the chance", matiim na pahayag ni Tristan habang titig na titig sa kaniya.

Marge was mesmerized by the intensity reflected in Tristan's eyes. Ramdam niya ang mabilis na pagkabog ng kaniyang dibdib. Mukhang hindi na talaga niya mapipigilan ang muling pagkahulog ng loob dito.

"Show me then", mahinang wika ni Marge habang nakatitig din sa binata at tipid na nginitian ito.

Lumapad ang pagkakangiti ni Tristan matapos marinig ang sinabi niya at kitang-kita ni Marge ang pagliwanag ng mukha nito.

"Thank you", sincere na wika ni Tristan.

Ngumiti lang si Marge at muling ibinalik ang tingin sa dance floor. Nagsasayaw pa rin sina Ryder at Jenneth, ngunit kung kanina ay silang dalawa lang sa dance floor, ngayon ay may mga iba na silang kasamang nagsasayaw.

Maya-maya pa ay nawala sa paningin ni Marge ang mga nagsasayaw dahil natakpan na ito ng bulto ni Tristan na ngayon ay nasa harap na niya.

"Dance with me?", nakangiting alok ni Tristan sa kaniya at inilahad ang kamay habang matiim na nakatitig sa kaniya.

Tila nahihipnotismong inabot ni Marge ang kamay ni Tristan at nagpaakay dito sa gitna ng dance floor.


COFFEE LAND : MARGARETH (Ang Kahera)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon