Masakit ang ulo ni Tristan nang magising kinabukasan. Inilibot niya ang tingin sa paligid, mukhang naroon siya sa guest room sa bahay nina Ryder. Mukhang sa dami ng nainom niya kagabi ay doon na siya nakatulog. Napangiwi siya ng bumangon, ang sakit ng ulo niya. May rehearsal pa naman siya ngayon.Tumayo na siya upang maghilamos, kailangan na niyang lumipat sa bahay nila upang makaligo at makapagbihis. May konting oras pa siya upang maghanda sa rehearsal nila.
Paglabas niya ng kuwarto ay nasalubong niya si Marge na mukhang pababa na rin. Bigla itong nag-iwas ng tingin ng makita siya na ipinagtaka niya.
"Good morning babe", bati niya rito at ngumiti sa kabila ng sakit ng ulo niya dulot ng hangover.
"Good morning, kumain ka na sa baba at uminom ng gamot upang mawala ang sakit ng ulo mo", anitong nagpatiuna na sa pagbaba.
"Hey, galit ka ba? Don't worry pupunta ako sa rehearsal", aniyang umagapay dito.
Hindi ito umimik at nagpatuloy lang sa paglakad. Wala nang nagawa si Tristan kundi sumunod dito.
"Good morning po Tito, Tita", bati ni Tristan sa parents nito.
"Gising ka na pala, halika na kumain ka na at magkape, sigurado may hangover ka. Naparami yata ang inom niyo ni Ryder", anang Mama nila.
Alanganing napangiti si Tristan at umupo na sa tabi ni Marge. Napansin niyang wala si Ryder.
"Si Ryder po?"
"Maagang umalis, may breakfast date yata sila ni Jenneth".
"Ganun po ba, sa pagkakaalam ko po Tita, wala kayong lahing Intsik".
"Ha.....?", nakakunot noong tanong ng Mama ni Marge, habang ang Papa naman niya ay napangiti na mukhang nakuha agad ang banat ni Tristan.
"Ang aga po kasing umakyat ng ligaw ni Ryder, parang intsik".
"Loko ka talagang bata ka. Hala kumain ka na, bago ka umuwi."
Umabot ng pagkain si Tristan at inabutan si Marge sa tabi niya.
"Ang tahimik mo babe..............you should eat..........sasabak tayo sa trabaho ngayon".
"Kaya mo ba? Kahit mamayang hapon ka na lang pumunta sa rehearsal".
"Don't worry babe.........hangover lang ito".
"Kung bakit kasi naisipan niyong mag-inuman, alam mong buong araw ang rehearsal ngayon", nakasimangot na sita ni Marge dito.
"Tama na nga 'yan, kayong dalawa", ang Papa ni Marge.
"Kumain na kayo.............ikaw naman Margareth, huwag mo ng pagalitan iyang si Tristan, nagkatuwaan lang sila ng kapatid mo".
"Oo nga naman babe, huwag ka ng magalit..........please", anitong nagpacute pa sa kaniya.
"May magagawa pa ba ako?", nakasimangot na wika ni Marge.
"Sabay na tayong umalis, hintayin mo na ako", ani Tristan na binilisan na ang pagkain.
"Ayan, gamot, inumin mo.....", ani Marge na ibinigay sa kaniya ang ipinakuhang gamot sa kasambahay nila.
"Aww babe.............concern ka talaga sa akin", biro ni Tristan.
"Nag-aalala lang ako sa fashion show ko", nakaismid na wika ni Marge.
BINABASA MO ANG
COFFEE LAND : MARGARETH (Ang Kahera)
RomanceOne coffee shop, four friends and their journey to love.... I'm Margareth Jade Cavanaugh, beautiful, rich, sexy, witty....lahat na ng adjectives pwedeng ikabit sa akin. Maliban pa diyan, isa akong kilalang designer, here and even sa ibang ban...