Chapter 23 : Truth

206 4 1
                                    

Kitang-kita ni Tristan ang pagkawala ng kulay ni Suzette ng banggitin niya ang pangalan ng lalaking tunay na ama ni Tommy. But to give her her due, mabilis itong nakabawi sa pagkabigla at nakataas ang mukha na sumagot ito sa kaniya.

"At sino naman 'yan para makilala ko?", nakataas ang kilay na tanong nito.

"I don't know", kibit-balikat na balik sagot ni Tristan. "I just thought that maybe you know him, since he was the one you are with, that night that my brother went to your apartment. The one whom you are having sex with, when my brother arrived".

"Totoo ba yan Suzette", ang Mama niya na kababa pa lang at mukhang narinig ang sinabi niya.

"O....of course not Ma. Hindi ko alam kung saan napulot ni Tristan ang kuwentong iyan. Paano naman ako magkakaroon ng ibang lalaki eh si Tommy ang boyfriend ko that time", kaila nito.

Tumingin ang Mama niya sa kaniya na tila ba pinagpapaliwanag siya.

"Cut the crap Suzette. Magsisinungaling ka pa talaga".

"Dahil hindi totoo ang sinasabi mo", angil nito sa kaniya.

"I hired a PI to investigate what happened that night and to know the parentage of your son. Since ayaw mong pumayag sa DNA test, I thought that you might be keeping something. And guess what, I was right. My brother was not Tommy's father."

"Ano naman ang basehan mo sa kuwento mo? Sa pagkakaalam ko ako ang ina ni Tommy, kaya alam ko kung sino ang ama niya", hamon nito. He have to give it to her, paninindigan pa rin talaga nito ang kasinungalingan para sa pera.

"I happen to have proof actually", aniya at inilabas ang cellphone at may tinawagan.

"Pwede ka ng pumasok", iyon lang ang sinabi niya at ibinaba na ang telepono bago binalingan ang ama.

"Nakausap ko si Jonathan Delgado at inamin niyang nahuli nga sila ni kuya ng gabing iyon. Galit na galit daw si kuya ng umalis sa apartment ni Suzette. And the PI I hired was also able to get a police report where some witnesses to the accident said that my brother was driving his motorcycle too fast that night. He was driving recklessly kaya naman hindi niya naiwasan ang truck na nakasalubong niya, idagdag pang lasing din ang driver ng truck na iyon", paliwanag niya.

Nanghihinang napaupo ang Mama niya sa sofa habang ang ama naman ay wala pa ring imik na nakatingin sa kaniya. Tumingin siya sa pintuan ng pumasok ang isang lalaki doon. Kitang-kita niya ang tuluyan ng pamumutla ni Suzette ng mapagsino ang pumasok.

"Pa, Ma I want you to meet Jonathan Delgado. He have a proof na siya ang ama ni Tommy. He have with him a result of their DNA test".

"Good evening po Maam, Sir, pasensiya na po sa gulong ito. Alam ko po hindi man direktang kasalanan namin ang pagkakamatay ng anak niyo, may kinalaman kami doon. Humihingi po ako ng tawad, kahit pa medyo huli na. Humihingi din po ako ng tawad sa panloloko ni Suzette".

"Ano ba ang pinagsasasabi ng lalaking iyan at sino ba siya. Pa, do something about this", pagsigaw na ani Suzette.

"Tumahimik ka Suzette", mataas ang boses na wika ng ama ni Tristan.

"Pero..."

"Tama na Suzette, sobra na ang ginagawa mo. Pati ang anak natin ginagamit mo sa panloloko mo", sagot ni Jonathan.

Muling bumaling si Jonathan sa mga magulang niya, si Tristan naman ay nagtungo sa minibar sa living room nila. He badly needed a drink. Hindi na siya kailangan para ipaliwanag ang lahat. Kay Jonathan na nakaatang ang responsibilidad na iyon. Manonood na lang siya sa mga kaganapan. Sana lang matapos agad ang dramang ito upang mapuntahan na niya agad si Marge. Baka sobrang nag-aalala na iyon.

"Matagal na kaming magkakilala ni Suzette, ako ang boyfriend niya bago pa niya nakilala ang anak niyo. Sa kagustuhan niyang yumaman, hiniwalayan niya ako at pinili si Tommy. Pero mahal ko siya at alam ko na ako talaga ang mahal niya. Kaya naman hindi ako huminto, lalo na ng malaman ko na aalis si Tommy para mag masteral sa ibang bansa. Nang araw na mangyari ang lahat, sa wakas napapayag ko si Suzette na balikan ako. Hihiwalayan niya na sana si Tommy ng araw na iyo, pero inabutan niya kami sa isang maselang tagpo. Galit na galit siyang umalis. Nagulat na lang kami ng malaman naming naaksidente siya. Natakot si Suzette kaya nakiusap siya sa akin na lumayo muna. Pero nabuntis siya at nakita niya ang pagkakataong iyon para yumaman. Tiyak nga namang hindi ninyo pababayaan ang bata kung malalaman niyong apo niyo ito. Tama nga siya, kaya naman pinanindigan na niya na anak ni Tommy ang bata. Pati sa akin ay itinago niya ang katotohanan. Pero malakas ang paniniwala kong anak ko si Tommy, kaya naman ilang ulit kong pinilit na aminin niya ang totoo. Pero ayaw niya talagang umamin kaya naman gumawa ako ng paraan para mapatunayang ako ang ama ng bata. Kaya lihim akong kumuha ng sample nang minsang pumunta ako sa bahay niya at naabutan ko doon ang bata. Sa tulong ng PI na kinuha ni Tristan, mabilis kong nakuha ang result. Heto ang result ng DNA", anitong inabot ang result sa Papa ni Tristan.

"Perfect match, ngayon Suzette paano mo pa iyan pasisinungalingan? Itinago mo ang anak ko at ipinagkakait mo pa rin hanggang ngayon ang katotohanan sa aming mag-ama. Tama na Suzette, parang awa mo na, gusto kong makasama ang anak ko, gusto kong makilala niya ako". 

Namumula ang mukhang bumaling ang ama kay Suzette na namumutla na. Nawala na rin ang tapang sa mukha nito.

"Ipaliwanag mo itonSuzette, ang tagal mo kaming pinaniwala na apo namin si Tommy. Hindi ka namin pinilit sa DNA test dahil ayaw mo at nirespeto namin iyon, ano ngayon ang ibig sabihin nito?"

Napaismid si Suzette na mukhang nakabawi na at nakahanap na uli ng tapang.

"Masyado niyong mahal ang anak ninyo kaya naman lahat ng bagay na may kaugnayan sa kaniya paniniwalaan niyo. Kasalanan ko ba na masyado kayong uto-uto. Okay na sana lahat ng plano ko, lumitaw ka pang lalaki ka", galit na baling niya kay Jonathan.

"How dare you act like this, ikaw na nga itong nanloko pero ni hindi ka man lang magpapakumbaba?", namamanghang wika ng kaniyang ina.

"Hmmpppp, wala naman sana akong plano na ipakilalang apo niyo si Tommy, pero di ba kayo naman ang naunang nag-assume nang malaman niyong buntis ako pagkamatay ng anak niyo. Nakita ko ang pagkakataong iyon upang mabigyan ng magandang buhay ang anak ko. Lalo na at wala naman akong maasahan sa ama nito na kagaya ko ring mahirap. Ginusto ko lang mapabuti ang anak ko kaya ko iyon ginawa".

"At nakahanda kang manloko ng tao?"

"Para sa anak ko, oo", matapang na sagot nito.

"Leave", Tristan's father said in a clipped tone. "Kunin mo ang mga gamit mo at umalis na kayo ng anak mo sa pamamahay ko", mariing wika nito,

Matalim ang tingin na binalingan ni Suzette, ang lalaki.

"Kasalanan mo ang lahat ng ito Jonathan, sinira mo ang plano ko".

"Tama na Suzette, tapos na ang kalokohan mo. Umalis na tayo, hihintayin ko kayo ni Tommy sa labas", anito bago muling binalingan ang mga magulang ni Tristan. Si Suzette naman ay nagdadabog na tinungo ang kuwarto nila ng anak.

"Pasensiya na po kayo sa gulong nagawa namin ni Suzette"

Tumango lang ang mga magulang ni Tristan. Nagpaalam na rin ang lalaking sa labas na hihintayin ang mag-ina. Saglit lang naman silang naghintay at nakababa na uli si Suzette kasama ang umiiyak na anak. Kahit na pilit itong kumakawala sa ina upang sana ay lumapit sa mga inaakalang Lolo at Lola ay mahigpit ang pagkakahawak dito ng babae habang hila ito palabas ng bahay. Naaawa man sila sa bata ay wala silang karapatan dito kaya naman hinayaan na lamang nila itong makaalis.



------------------------------------------------------

COFFEE LAND : MARGARETH (Ang Kahera)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon