It's been three days since Tristan ruined her date, pero naiinis pa rin si Marge dito.......although kaunti na lang. Kahit paano kasi ay nabugbog na niya ito nang magtungo ito sa cafe the other day kasama ang kakambal niya.Although, feel pa rin niya itong igapos at kaladkarin habang nakasakay siya sa kabayo na parang cowgirl, gaya ng suot niya ngayon. Pero, huwag na nga lang..........kahit paano kasi ay may nagawa itong kabutihan sa pagtulong na iligtas si Jenneth.
Isa pa ay natabunan kahit paano ang inis niya kay Tristan dahil sa tuwa niya para sa kapatid at kaibigan. Ang daming nangyari sa nakalipas na dalawang araw.....
Para siyang nanood ng teledrama sa sobrang dami ng kaganapan.
Nalaman nilang ang secret admirer pala ni Jenneth ay ang isa sa mga waiter nila na si Irvin. Tinangka pa nitong dukutin si Jenneth.....................mabuti na lang at naroon sa cafe ang kapatid at si Tristan. Napigilan nila ang tangkang pagdukot kay Jenneth.
Sumunod naman ay ang aminan portion ng dalawa dito sa cafe kahapon. Kaya ngayon, heto...............siya ang bantay sa cafe, dahil ang magaling niyang kapatid............tinangay si Jenneth patungong Bali.
Nagulat talaga silang lahat na ang napakapribado niyang kapatid ay magtatapat ng nararamdaman kay Jenneth sa harap ng maraming tao............although hindi naman puno ang cafe that time, may mangilan-ngilan pa ring customers na naging saksi, maliban pa sa kanilang magkakaibigan.
Pagkatapos nga ng aminan ay umalis ang dalawa.......kaya ang cafe...........ibinilin sa kaniya.
Mabuti na lang at hindi na siya ganoon ka-busy. Tanging ang fashion show na lang ng mga creations niya next week ang paghahandaan niya kaya naman may time siyang magkahera sa cafe nila ng ilang araw.
"One cappuccino please Miss Beautiful", pukaw ng isang tinig sa pagmumuni-muni ni Marge.
Napasimangot siya nang makilala ang boses na iyon.
"Anong ginagawa mo dito?", nakasimangot na tanong ni Marge kay Tristan.
"Peace?", anitong nakangiti at iniaabot sa kaniya ang dalang bulaklak.
Tinaasan lang ito ng kilay ni Marge .
"Sorry na babe please................nagseselos lang naman ako"
"Ewan ko sa iyo Tristan", naiinis na sagot ni Marge dito.
"Sorry na...................tanggapin mo na ang peace offering ko"
Napabuntong-hininga si Margareth. Kahit naman ayaw niya ay hindi rin siya tatantanan ng lalaking ito at ewan ba niya, kahit na naiinis siya dito........hindi naman talaga siya galit. Inis lang.............iba iyon sa galit.
"Oo na.....sige na........magtigil ka lang", napipilitang wika ni Marge sabay abot sa bulaklak.
"Bati na tayo?"
"Kailan ba tayo nagbati?"
"Sabi ko nga babe.............mas type mo ang karinyo-brutal"
"Magsisimula ka na naman"
"Ikaw naman babe.........hindi ka mabiro".
"Tantanan mo ako............"
"Sabi ko nga............uupo na lang ako sa isang sulok"
"Wala ka bang ibang pupuntahan?"
"Dadalawin ka sana sa bahay niyo kaso nandito ka.............kaya dito na ako pumunta".
BINABASA MO ANG
COFFEE LAND : MARGARETH (Ang Kahera)
RomanceOne coffee shop, four friends and their journey to love.... I'm Margareth Jade Cavanaugh, beautiful, rich, sexy, witty....lahat na ng adjectives pwedeng ikabit sa akin. Maliban pa diyan, isa akong kilalang designer, here and even sa ibang ban...