PROLOGUE
Itinago nila ang mga ala-ala ng nakaraan. Maraming nangyari noon na hindi na dapat pa ina alala ngayon.
Pagkatapos ng isang matagal na labanan sa pagitan ng mga gustong sakupin ang kaharian ay hindi nila inaasahan na kakampi ang isa sa mga kaibigan nila sa mga gustong manakit sa prinsesa.
Dahil sa kanya, nasaktan and prinsesa Eisha.
Ilang araw din na hindi lumabas si Eisha sa kanyang kwarto. Nag alala ang magkakaibigan at lalong lalo na ang Hari na si Philip sa anak. Pwersahan nilang binuksan ang kwarto ng Prinsesa at doon nila nakitang wala siyang malay.
Nakahandusay ito sa harap sa malawak at malamig na sahig ng kanyang kwarto.
Lahat sila ay bakas sa mukha ang pag aalala sa Prinsesa. Kaya naman agad nila siyang pinunta kay Evergreen. May kakayahan na gamutin ang kahit anong sugat o sakit gamit ang kanyang mga kamay at tulong ng din ng mga halaman.
Kaya din nito ang burahin ang mga masasakit na ala-ala.
Alam nilang lahat na nasaktan ang Prinsesa dahil sa nalaman niyang pagsama ni Xellos sa mga kalaban. Espesyal ang lalaking kaibigan sa prinsesa kaya hindi niya matanggap ang nangyari.
Nag desisyon ang Hari na burahin ang lahat ng may kinalaman kay Xellos sa ala-ala ng Prinsesa.
Isang taon taon na ang lumipas, masaya ang Prinsesa sa kabila ng mga nangyari. Dahil narin sa hindi niya maalala ang sakit na naramdaman noon.
Kasalukuyang tinutulungan siya ni Zakary kung paano lumaban at gamitin ang taglay na kapangyarihan. Tumutulong din siya sa mga ginagawang pagpupulong ng kanyang Hari kung kinakailangan para mapanatiling ligtas ang nasasakupang bayan.
--
The trailer of this story is posted here. You can also watch it on Youtube just type in Protecting the Summoner and search. The link is also at my Profile and Facebook account Summer Aurora WP para madaling hanapin, add niyo na rin ako. Thanks and enjoy!
Protecting the Summoner a Fanatasy/Romance/Adventure Story
Written by: summer_aurora
All Rights Reserved 2015
BINABASA MO ANG
Protecting the Summoner
FantasyShe doesn't know that some of her memories were gone. At ang dahilan ng pagkawala ng ibang ala-ala niya ay dahil sa taong nagging parte ng kanyang nakaraan.Ginawa nila ito para sakanya. Para hindi siya masaktan. Pero isang araw, nagkita sila. At sa...