Chapter Two

159 6 0
                                    

Five years ago...

"Kaliiiii!!!! I missed you beb!", tili ng bestfriend nyang si Trish kasabay ng pagsugod ng yakap sa kanya.

"Ano ka ba beb, two days lang tayong hindi nagkita makareact ka naman wagas.", natatawang tinanggal ni Kali ang kamay ng kaibigan.

"Ouch! That hurts,huh..",kunway nagtampo ito at medyo lumayo sa kanya. "I thought the feeling was mutual,hindi pala.Advance lang ako masyado mag- isip...",nakalabing patuloy ni Trish.

Napahalakhak si Kali sa kaartehan ng bestfriend. "Of course I missed you,too.But not enough reason to make a scene,okay?Lalo pa at ganito kaaga.Wag ka na magtampo jan,alam ko namang di mo ako kayang tiisin."

Niyakap niya ang kaibigan at ito naman ang kunway lumalayo.Hinampas niya ito at nagkatawanan silang dalawa.

They were seatmates kaya lalo silang naging close ni Trish.Share sila sa lahat ng bagay.Unang beses pa lang sila nagkita ay gusto na niya ito.

Jolly type si Trish.Medyo kikay kaya walang dull moments pag kasama niya ito. Buti na lang at sila pa lang ang tao sa room kaya malaya silang nakakapagkulitan.

"Okay,you're forgiven.Kung hindi lang talaga kita mahal,itatakwil kita." Trish smiled at her sweetly at nag- wink pa ito."Luka- luka talaga" sabi niya sa isip.

"Thank you beb.Alabyu,muah!O ayan okay na ha?Pwede bigyan mo muna po ako ng konting time at magrereview lang ako.May short quiz tayo mamaya,remember?" Pero hindi na tumugon ang kaibigan.

Silence means yes,she thought. "Oh my G!",impit na tili ni Trish at bigla siyang siniko nito dahilan para malaglag ang notebook niya.

"Beb,ang gwapo!At ang yummy pa!" Hindi pa rin ito maawat sa kilig.May nakita na naman siguro itong new target at umiiral na naman ang pagka- playgirl.

"I think I already found the one,Kali.Siya na yung pakakasalan ko,swear!",hindi pa rin talaga ito maawat. But Kali didn't care to know what's going on.

Balak niyang pulutin ang nahulog na notebook dahil sa pagsiko ni Trish sa kanya kanina.Medyo naiinis na siya kaibigan sa sobrang kakulitan at kakirihan nito.

Eksaktong aabutin na niya ang notebook nang biglang may kumuha din nito.Nauna siya kaya ang lapastangang kamay ay nakapatong sa kamay niya.

May tila kuryenteng dumaloy sa kaibuturan niya kaya napapitlag siya.Noon niya lang iyon naramdaman sa buong buhay niya. Unti- unti siyang nag- angat ng tingin.

Balak niyang tarayan ito katulad ng madalas niyang gawin pag naiinis siya.Pero naumid ang dila niya when her eyes met his.

Yes,he was a man.A very gorgeous one. Pakiramdam niya tumigil ang mundo.Tila kakatwa din na sobrang tahimik sa loob ng klase samantalang kapag ganoong oras ay nagkukulitan ang mga kaklase niya,especilally the girls.

Halos hindi makagalaw si Kali sa kinauupuan.Bumilis ang tibok ng kanyang puso.Pakiramdam niya walang ibang tao maliban sa kanilang dalawa ng lalaki.

Hindi niya rin maramdaman si Trish sa tabi niya at ang iba pang kaklase.Naging invisible na yata lahat.The only visible is the beautiful creature in front of her.

Seryosong nakatingin este nakatitig pala sa kanya ang lalaki.Hindi niya ugali mag- examine ng hitsura ng isang tao lalo na sa mga lalaki but this time mataman niyang sinuri ang kabuuan ng kaharap.

He has the most beautiful and expressive eyes she'd ever seen.May mumunting bigote at balbas,halatang bagong ahit.

Clean cut ang malago at maitim na buhok. Ang kamay nito na nakapatong sa kamay niya ay napansin niya agad na mabalahibo kaya sigurado siyang mabalahibo din ang iba pang parte ng katawan nito.

You're Still My Man(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon